"Oh hi there Ms. Ever Green Smith"Halos madapa ulit ako dahil sa nanghina na tuhod ko kaya sinalo niya naman agad ako.
Ngumiti siya sa akin at tinignan niya ako sa mata sabay ayos ng salamin ko. Nakayap siya sa akin habang ako naman napahawak sa matigas niyang dibdib.
Tinulak ko naman siya ng bahagya nang dahil sa gulat ko.
"K-kilala mo ako?" Gulat kong sambit
"Of course, ako nga pala si Markus Pangilinan" tapos ay nakipagkamay siya sa akin.
Tinanggap ko pero mabilis ko ding binawi aba syempre kahit pogi siya di naman pwedeng holding hands agad. Loyal padin ako kay Four noh!
"Uhhhh I guess hindi ko na kailangang magpakilala kasi kilala mo naman ako eh....ehe" shiz ano ba yun ang awkward ko.
"I want you in my band" biglang banggit niya sa akin.
Now I know ba't kilala ako nito. Yes! I'm a singer. Though hindi ako nagbabanda kasi ewan parang di ko feel mag full time singer, oh diba charotera lang feeling sikat.
Mahilig lang akong sumali sa mga singing contest pag trip ko. At isa pang rason kaya hindi ako sumasali sa banda eh kasi wala namang nagtatanong sa akin, alangan namang si Sophie eh dancer yun mala'anne curtis kumanta.
And nabigla ako kasi ngayon lang may nag'aya sa akin.
"Uhm uhhhh kasiiiiiii U-uuuhhhh"
"It's okay kung di mo pa ako masagot ngayon. I can always wait for you. Sige alis na ako may next class pa kasi ako eh, here's my number just in case you want to join my band" inabot niya sa akin ang piraso ng papel na may naglalamang numero niya.
"U-uhm.....hindi ba to scam?" Bigla kong nasambit ng paalis na siya.
Tae ano daw? Hindi naman talaga yun gusto kong sabihin. Hindi ko kasi alam gagawin ko eh kasi ayoko talagang sumali ayaw ko din namang tumanggi agad. Alam niyo na grade conscious kasi ako, ayoko madisturb pag'aaral ko.
Tumawa siya. Ohhhhh what a laugh pati pagtawa niya para siyang anghel.
"Nope, syempre hindi naman kita lolokohin, okay? We really need you in my band. I love your voice and I think it fits mine"
Natulala nanaman ako. Ano daw?
"Okay I know nabigla kita but I just want you to know di ako titigil hanggang maging kabandmate kita, so sorry if I need to go first gusto ko man na kausapin ka pa ng mas matagal but you see, I need to go to my next class. See you around" sabay ngiti at alis niya sa harap ko.
At ako naman naiwan dito trying to compose myself even though I'm not a composer charot.
Naglakad na lang akong papuntang canteen ng balisa kasi iniisip ko parin yung sinabi ni Markus.
I'm a first year college kaya nabigla ako kung bakit kilala ako nun. Kaya lang naman ako nag-aral dito kasi dito din nag-aaral si Four hahaha syempre joke nagkataon lang na dito ko gusto kunin yung course ko which is BS Pharmacy and nagkataon na eto din pala course niya. Though schoolmate ko siya nung high school pati si Sophie and Karl na Engineering naman ang kinukuha.
Pagkadating ko sa canteen nakita ko agad si Sophie na nakikipagharutan kay Karl.
"Oh ano girl? Nakuha mo na ba yung diary mong mas mahalaga pa sa pagkakaibigan natin dahil iniwan mo na lang ako basta basta?" Pambungad ni Sophie.
"Hoy! Ate Girl? Staring game ba tayo dito? Di naman ako informed!"
Tinapik naman ako ni Karl kasi siya ang katabi ko. Saka lang ako nabuhay muli.
"Uhm shiz oo nga nakalimutan ko yung diary ko"
"Huh? Di mo pa nakuha? Kala ko nakuha mo na kasi makatunganga ka parang nirape ka ni Four pero pumayag ka?"
"Grabe ka rape agad?" Sabat ni Karl.
"Itigil niyo nga! May nakabanggaan kasi akong pogi tas inalok akong---"
"MAKIWANNAYTSTAND? NGKASAL? NGPAGKAIN? MAGPAKAMATAY?" Hesterical na sagot ni Sophie na halos talunin pa si Gloc 9 sa rap battle.
"Ssshhhh! Sof stop that patapusin mo nga kasi siya magkwento!" Saway ni Karl
Leche san naggaling yung sof?
"Sira!!! Yinaya niya akong sumali sa banda"
"TALAGA?! Uy bago yan! Sabi mo di ka magbabanda? Anong sagot mo?" Biglang sabi ni Karl.
"Ay wow ikaw best friend? Inunahan mo pa ako magreact eh"
Huwag kayo magtaka close din naman kami ni Karl kahit papaano. Almost 3 years na din siyang kasa-kasama ko.
"Uhm parang ayoko nga sumali kasi hassle sa pag'aaral"
"Ano namang hassle dun kung nage'enjoy ka naman? And sabi mo pogi pa nag-aya sayo? Why not diba? Ayaw mo nun couple singer?" Sabi ni Sophie sabay subo ng isang malaking kutsara ng kanin.
"Wait" sabi ni Karl sabay hawak sa baba ni Sophie para ipaharap sa kanya at pinunasan ang kanin na nasa gilid ng labi ni Sophie.
Kaya wala akong ginawa kundi batuhin sila ng tissue.
"Ang corny niyo! Alam niyo ba yun? Hindi daw sila pero asal magjowa naman"
"Kaya nga sumali ka na diyan sa banda para makahanap ka na ng jowa. Support naman kita eh ako na magpapagawa ng fans club mo"
"Ah so inamin mo din na magjowa kayo?" At nanahimik naman ang dalawa at sabay pang nagblush.
"Hala pati pagba'blush kailangan sabay? Ehem pero heto nga pagiisipan ko pa. Kung sasali man ako hindi para makahanap ng jo'jowain kundi dahil alam kong mag'e'enjoy ako at yung gusto ko talaga" sagot ko na lang sa kanila.
Gusto ko din namang magbanda pero iniisip ko din yung pag'aaral ko.
"*pumalakpak* good answer good answer" sabi ni Karl na pinigilan ko nga kasi balak pa atang tumayo.
"Siraulo ka talaga! Ish nakakahiya ka!" sabi ko ng naiinis "dalian na lang nating kumain at tara na sa next class natin"
At ayun inubos na namin ang foods saka dumiretso sa next class namin.
Sa next class namin ay nagulat ako kasi kaklase namin si Markus. At kung pagtatagpuin nga naman kami ng tadhana kami ang magkatabi dahil by last name ang arrangement.
Syempre kaklase parin namin si Four though pre-occupied kasi utak ko kakaisip ng isasagot ko kay Markus kaya wala akong balak lumandi ngayon.
"So ms. Smith mukhang pinagtatagpo tayo ng tadhana? May sagot ka na ba sa tanong ko?" Habang unti unti siyang ngumingisi ng nakaupo sa tabi ko.

BINABASA MO ANG
Unexpected
RomanceThis is a story of a girl torn between two lovers. Though she was sure about this guy that she thought would NEVER hurt her, she then realize that she made the biggest mistake of her life.