Hindi ko alam anong isasagot ko sa tanong niya grabe siya kaninang umaga lang niya tinanong yun expect niyang may sagot agad ako?

Di ako prepared kaya tulala lang ako sa kanya dahil ayokong umayaw, ayoko din namang umoo. Di naman kasi pwedeng padalos dalos kasi baka pagsisishan ko.

Tumawa siya, saka na humarap sa teacher namin at nakinig na pero habang ginagawa niya yun bumulong siya sa akin.

"Ms. Smith gusto ko man yang pagtitig mo sa akin ngayon pero mas gusto ko kung oo ang sagot mo sa tanong ko. Though nakikita kong di ka pa ready kaya sige hahayaan na lang kitang tumitig sa akin" sabay lingon niya sa akin ng nakangiti.

Kaya naman nabalik ako sa wisyo at nagsimula na lang makinig.

Natapos na ang first day dahil 3 lang naman ang subject ko ngayon dahil yung ibang subject ko di pinapasukan ng  instructors.


"Ms. Smith would you mind if ihatid na kita?" Biglang bungad ni Markus sa akin.

"H-huh?! N-nako di na kailangan may kasabay naman na ako uuwi"

Binilisan ko na lang ayusin yung gamit ko at nang di ako maiwan ni Sophie at Karl dahil panigurado nasa labas na yung dalawa.

"Bro!" Sigaw ni Four kay Markus mula sa unahan na part ng classroom dahil kakatapos niya lang din ayusin ang gamit niya.

Lumapit si Markus sa kanya at nag fist bump pa sila.

Shet magkakilala sila?!?!

Exit na nga ako dito dahil mukhang maguusap sila kaya binilisan kong maglakad pero nung natapat ako sa kanila hinigit ni Markus yung braso ko na ikinagulat ko naman.

"Btw bro, this is Ms. Ever Green Smith. Siya yung sinasabi ko sa'yo na gusto kong partner na vocalist ko para sa banda natin"

Sa sobrang kaba ko nanginginig yung tuhod ko habang hawak hawak padin ni Markus yung braso ko. Pero nagulat ako nung ilipat niya ang kamay niya sa likod ko.

Damang dama ko yung init ng kamay niya sa likod ko. Maygad mahihimatay ata ako.

"Ow okay!"

"Ms. Smith, this is Four Evangelista, my best friend and our soon to be guitarist"

Di ko alam sasabihin ko maygad. OO TAENA KILALA KO YAN! EH HALOS  APAT NA TAON NA AKONG BALIW NA BALIW DIYAN!!! Pero masakit kasi di niya pala talaga ako kilala.

"U-uhm h-hi!"

Gusto ko sapukin sarili ko napakaawkward ko ugh!

"Hi Ms. Ever" at ngumiti siya sa akin habang nakatingin sa aking mga mata. Inilahad niya sa akin ang isang kamay niya.

FCK WAIT SHET LULUWA NA PUSO KO SA SOBRANG KABA AT SAYA HUHUHUHU LORD PAKISTOP NAMAN TONG ORAS

Inabot ko yung kamay niya saka ako nakipag shake hands. Erm pwede yung kabilang kamay din para tiba tiba?

"W-we can drop the formalities here. Hindi ako sanay ng masyadong pormal"

Shet tama ba yung grammar ko? Kasi naman nakatitig lang sa akin si Four.

"Can I get my hand now?"

Ngayon ko lang napansin na hindi pa pala ako bumibitaw sa kamay niya. Linshak naman Ever eh pa'obvious ka eh.

Agad naman akong bumitaw sa kamay niyang kay lambot at kay bango.  Ipaalala niyo naman sa akin na hindi dapat ako maghuhugas later ng kamay.

"Sorry" sambit ko ng nakayuko.

Alam ko kamatis na ang buong mukha ko ngayon.

"It's okay btw bro I really need to go, someone's waiting" Sabi ni Four.

"Ohhh got a new girlfriend?" Sabi ni Markus na hanggang ngayon nasa likod ko parin ang mga kamay.

"No bro! Just a girl not a girlfriend"

"Haaaayyyy naku still doing that huh? Mamaya makarma ka niyan?"

"Bakit wala namang masama sa ginagawa ko? Dapat nga pasalamat sila kasi pinapasaya ko pa sila"

"*chuckles* okay bro! Sabi mo eh!"

At tuluyan ng lumabas si Four.

Saka ko lang naalala yung dapat kong kunin kay Four.

"W-wait F-four?" Pero di na niya ako narinig.

"Ever? Do you have something to tell  kay Four?"

"O-oo eh"

"Ano yun? Baka I can help you? No wait don't tell me isa ka sa pinaiyak niya? Uhm if its about that I guess I can't help you?"

"H-ha? N-no uhm kasi sit mate ko kasi siya kahapon tapos hiniram niya yung notebook and ballpen ko kaso nakalimutan niyang ibalik"

"Hahaha hay naku Four talaga! Ang yaman yaman pero walang pambili ng notebook at ballpen"

"P-pwede mo bang kunin sa kanya yun?"

"Oh su---"

Natigilan siya na parang may nag-ilaw na light bulb sa tuktok ng ulo niya.

"Sure pero in one condition"

"A-ano yun?"

"Join my band?"

"Call! Basta kunin mo yung notebook and huwag mo babasahin laman nun"

Saka ko lang narealize kung ano yung sinabi ko.

Isang sheeeet na malagkit na naman

"OKAY!! Call!! Sabi mo yan ha? Walang bawian!! Kukunin ko na yun ngayon din!! See you"

Shizcake gusto ko bawiin yung nasabi ko pero wala huli na ang lahat dahil lumabas na si Markus at iniwan akong tulala sa kinatatayuan ko.

Ano ba tong pinasok ko?~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon