Part 33

22.2K 457 1
                                    

"HUH?! Si Madam Amelia?! Sure ka?!" shock na shock si Tiffany sa sinabi ni Rick sa kanya.

"Oo! Nandito sina Tita Amelia! Patay tayo kapag nakita niyang walang malay si Bearlan! Naku po!" Nasabunutan ni Rick ang sariling ulo. Para na itong mababaliw.

Nagkagulo-gulo na silang dalawa. Anong gagawin nila?

"I-lock mo muna 'yong pinto! Daliiiiiiii!!!" mayamaya'y patiling utos niya sa binata.

Madalian iyong ginawa ni Rick. Muntik pa itong madulas. Muntik-mutikan na silang maihi sa salawal sa sobrang tensyon.

Pagkatapos ay walang kiming naghubad na siya.

"What the hell you're doing? Ngayon mo pa ako aakitin? Sorry hindi kita type, Tiffany, at kahit type kita ay ayokong traydorin ang kaibigan ko."

"Sira!" Inirapan niya si Rick tapos ay umakyat siya sa kama. Si Bearlan naman ang hinubaran niya ng T-shirt. "Lumabas ka na dali!"

"Ano'ng plinaplano mo?"

"Basta lumabas ka na!" Humiga siya sa kama at niyakap si Bearlan. Kinumutan niya ang sarili hanggang sa taas ng dibdib niya at hanggang beywang naman kay Bearlan. Nang matapos ay nagtulog-tulogan siya.

Napatanga si Rick. Pero sa huli ay naintindihan na nito ang gustong mangyari ni Tiffany kaya naman nagmadali na itong lumabas na nga sa kwarto.

"Ay, aswang!" Anong gulat nga lang nito nang paglabas ay nakaharap nito bigla ang mukha ni Madam Amelia. Muntik na silang mag-kiss. Yuck!

"At sino ang aswang?"

"Ah, eh, wala po, Tita."

Nagbababalang tinaasan ito ng kilay ng madam bago tinanong ang anak. "Rick, where's Bearlan?"

Napakagat-labi ang binata. Nanginig ang kamay nito na nakahawak pa sa doorknob ng pinto. Shocks! Malulusutan ba nila 'to?

"Nasa loob ba siya ng silid na 'yan?" pormal na tanong pa ng Madam. Nasa likod nito ang alalay na si Vicky.

"Ah.. eh.. O-opo. Opo,Tita," napilitan sagot ni Rick. Ayaw naman nitong malintikan. Bahala na si Tiffany.

"If that so paraan, hijo. Gusto ko siyang kumustahin."

Ngiwing-ngiwi si Rick na humakbang paalis sa may pinto. Pinaraan nga nito ang madam.

Taas-noo ang madam na binuksan ang pinto. Pero bigla rin nito iyon sinara pagkatapos sumilip. Halatang nagulat si Madam Amelia sa nakita nito sa loob ng silid.

"Tara muna sa sala. Hayaan na muna natin sila," pagkuwa'y saad nito na halatang pinipigil ang kasiyahan.

Napa-YES! sa loob-loob si Rick. Ngayon ay idol na talaga nito si Tiffany. Ang talinong babae! Lusot na sila!




SA LOOB ng silid ay nagmulat na ng mata si Tiffany. Nakahinga siya nang maluwang. Pagkuwa'y nagmadali rin siyang bumangon at isinuot ang T-shirt. Lusot na sila, oo, pero pa'no kung matatagalan pang gumising si Bearlan?

Natampal niya ang sariling noo. Ano ang susunod niyang gagawin?

Pasalamat niya at saglit lang ay may naisip na ulit siyang paraan. Nga lang ay gagana kaya? 'Di niya sure, eh.

Sabagay hindi naman siguro masama kung susubukan niya. Keysa naman malagot sila kay Madam Amelia.

Tinungo na niya ang sariling banyo ng silid na iyon. At tamang-tamang din na may timba roon. Umaayon talaga sa kanya ang pagkakataon. Kinuha niya iyon at nilagyan ng tubig. Tapos ay binitbit niya iyon sa kama ni Bearlan.

Ayaw man niyang gawin iyon kay Bearlan pero ito na talaga ang natitirang paraan.

"Sorry, Bearlan, My labs, pero kailangan mo talagang gumising. Nandito kasi ang mommy mo, eh," ngiwing-ngiwi niyang sabi kasabay nang pagtaas niya ng timba sa may ulunan ng binata. Maya-maya ay pikit-matang binuhos na iyon sa bandang mukha ni Bearlan.

Napabalikwas na nga ng bangon ang nawalan ng malay na si Bearlan. Umubo-ubo ito.

"Salamat at gising ka na!" Tuwang-tuwa si Tiffany na napayakap ang nobyo.

"What the! Bakit mo ako ginising sa tubig? Sana kinalabit mo na lang ako!" 

"Hoy!" Pinamaywangan niya ito. "Kung maalala mo lang naman, eh, nahimatay ka po sa dagat dahil sa trauma mo kaya hindi ka magising-gising."

Natigilan si Bearlan. Nag-isip at naalala na nga niya ang nangyari. Nagtapat na nga pala siya ng pag-ibig niya kay Tiffany, kaya nga lang ay nasira ang lahat nang mapansin niyang nasa may tubig dagat pala sila kaya sinumpong siya ng phobia. 

"S-sorry."

Bumuntong hininga si Tiffany. "Okay lang 'yon. Eh, kumusta ang pakiramdam mo?"

Tumayo si Bearlan. "Maliban sa maginaw ay okay naman," biro nito na kunwa'y nangangatal

Napahagikgik siya. Paanong hindi ito giginawin, eh, naka-topless lang si Bearlan dahil hinubaran niya kanina. Pero in fairness ah, macho pala si Bearlan. May abs!

Napalunok siya. Bigla ay para siyang nauhaw.

"Parang gusto mo akong yakapin, ah?" tudyo ni Bearlan sa kanya.

Nakagat niya ang hintuturo niya. Nagpabebe. "Pwede ba? Kasi nabitin ako sa chapter 31 natin, eh," at pilya niyang sabi.

Natawa si Bearlan. Ito na ang yumakap sa kaniya. Kilig na kilig tuloy siya. Para siyang bata na nagsumiksik sa matipunong dibdib ng boyfriend. Buti na lang. Buti na lang talaga at hindi pala ito bakla.

Subalit bigla ring nawala ang kilig niyang iyon nang maalala niya si Madam Amelia. Naitulak niya si Bearlan.

"Bakit?"

"Ang mommy mo pala nandito!"

"Ano?!"

Dalawa na sila na nabahala.

MY BEKI "KUNONG" BOSS (Tayo Na Lang, Puwede Naman)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon