Chapter 45 The Graduation PART 3 ( LAST CHAPTER )

238 7 1
                                    



Stefan POV


Kinakabahan ako, tama ba to? tama ba ang gagawin ko? pano kung may manyaring di maganda kay steve at james dahil sa gusto ko lang gumanti sa kanila, pano kung may manyaring masama sa kanila. shet! Anung nanyayari ngayon? Baket parang nag dadalawang isip na ako sa desisyon ko? diba dapat masaya ako kasi makakaganti na ako sa kanilang dalawa? Pero baket ngayon parang gusto ko nang itigl tong ginagawa ko. naguguilty ba ako? baket? Tsk! diba silang dalawa ang dahilan kong baket ako malungkot at baket nasira ang buhay ko? baket ako maguguilty ngayon na baka may manyari sa kanilang masama? Ano ba nanyayari sa kin? Diba dapat masaya ako? diba plano ko naman to umpisa palang? Tsk! baket ako kinokonsyensya ngayon? Baket di ako mapakali? Alam ko sa mga oras na ito hawak na nila Kenneth at miggy kasama ang mga barkada nila si james at steve dahil yun ang inutos ko sa kanila, malamang papunta na sila sa kinaroroonan ko ngayon, kaya kinakabahan ako, dahil baka mamaya may nakasunod sa kanilang mga pulis o kung sino man. Anong gagawin ko? isa pa parang ayoko na ito ituloy at tanggapin nalang ang nanyari sa akin dahil sa totoo naman eh ako ang nag simula ng lahat, kaso huli na, pabalik na sila ngayon at malakas ang kutob ko na hawak na ng mga yun sila steve at james. tsk! ANUNG GIINAWA KO!? Baket ako humingi ng tulong sa mga ganung tao. Shet! Ayoko na, ititigil ko na ito. ayoko na manakit ulit at manggago ng tao. Gusto ko nang mag bagong buhay at mag simula ulit. Ayoko na bigyan pa ng sama ng loob ang daddy ko. siguro leksyon na sa akin ngayon kung bat ako nag kaganito dahil gago naman talaga ako eh. masama na ako dati pa, marami na akong nagawang mali at ayoko na dagdagan pa ulit. Kaya tama na ititigil ko na ito.

Agad kong kinuha at nag try kontakin sila miggy at Kenneth na wag nang ituloy ang plano naming bigyan ng leksyon sila steve at james. alam ko kasing mauuwi nanaman ito sa isang malaking pag kakamali, ayoko na may mag buwis ulit ng buhay sa mga kamay ng mga barkada kong sila Kenneth dahil mga walang takot na yun eh, syaka sanay na yun sa mga ganitong sitwasyon. Tsk, kahit na kinamumuhian ko silang dalawa eh di naman sumagi sa isip ko na patayin sila kaya ayoko na!

Walang sumasagot? Di nila sinasagot ang cp nila!? Aww. Kaya mas lalong lumakas ang kaba at pag aalala ko na baka may nanyari nang di maganda ngayon. Nag try akong tawagan si steve kaso di niya sinasagot, wala akong number ni james? shet! Anung gagawin ko. baka may nanyari na.

Lalabas na sana ako sa bahay kong saan sana dadalhin nila miggy at Kenneth yung dalawa kaso huli na ang lahat. Dahil nagawa na nila ang gusto ko sanang pigilan ngayon. Nakita ko si james na bugbog at walang malay, kasama si steve at steven na wala din malay. Shet. Anung gagawin ko. agad na kinabahan ako na baka may makakita sa amin kaya wala na akong nagawa pa kung di sabihing ipasuk sila sa loob.

Miggy: grabe nahirapan kaming makuha kong tong mga to, yung isa sa airport pa namin dinampot! Tapus yung isa naman wala na kaming nagawa kong di bugbugin dahil nag laban, ito nga kasama pa yung kaibigan niya eh wala eh, to the rescue sa gagong yan. grabe Stefan nahirapan kaming kolektahin to.

Stefan: anung ginawa mo sa kanila? baket wala silang malay? Syaka baket pati si steven sinama niya dito? anung nanyari?! baket bugbog ang mga muka nila? May nakakita pa sa inyo? May nakasunod ba!?

Kenneth: eh wala kaming magagawa nag laban eh! di naman namin kayang dalhin yan dito ng dilat ang mga mata kaya yan na bugbog namin! Syaka wala na din kami magagawa kung di dalhin yang steven na yan kasi nakita kami nyan. Mabuti ng wise tayo dahil baka yan pa mag sumbong sa atin sa pulis.

Miggy: wag ka mag alala malinis ang lahat! Walang may nakakaalam sa nanyari. kaya wag ka mag alala jan. kung ako sa iyo, bumili kana ng alak sa kanto ngayon para maasikaso muna tong mga bisita natin ng maayos.

Love Triangle (BoyxBoyStory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon