Chapter 38 Big Change

162 7 1
                                    



James POV.



Si Jayce, Biglang naging Masigla ang araw ko ngayun ng Makita ko ang Lalakeng bagong Dating, si Jayce, ang Bestfriend ko, na miss ko siya. Ang laki ng kasalanan ko sa kanya, mapatawad niya kaya ako? Lord tulungan niyo po ako, bigyan niyo po ako ng lakas ng loob. Tulungan niyo po akong mag sorry sa kanya. ito na ang araw siguro para humingi ako ng tawad sa kanya, di ko na patatagalin to, miss na miss ko na siya.

Kaya after siyang kausapin ni coach ay agad ko siyang nilapitan para kausapin. Kabang kaba ako ah. ang lakas ng kaba ko hahah! Laki kasi ng atraso ko eh haha.

Nang papalapit ako ay halos manglumo ako sa sobrang kaba ko, shet! Para akong bibitayin hahah! Lintek na. dahan dahan akong lumapit sa kanya na bakas sa muka niya ang pagtataka, haha siguro napansin niya na kinakabahan ako tadtad kasi ako ng pawis eh, namumula pa. shet! Ganito ba mag sorry sa isang tao? Ang hirap ah! ng makalapit ako sa kanya ay ang tanging nasabi ko lang ay HI JAYCE, na agad naman niyang kinagulat.

James: musta na? ahh ehh hehe dito ka parin pala. ( pautal utal kong sabi habang kinakausap siya o my!)

Jayce: di naman ako nawala dito. ikaw? Himala kinakausap mo ako? ( bakas sa muka niya ang pag kaclueless kasi kinausap ko siya )

James: ah hehe baket hindi!? Ikaw kaya bestfriend ko. syaka yung past? Wala na yun. kalimutan na natin yun. ( dahil sa sobrang hiya ko mag sorry sa kanya ay tanging nasabi ko lang ay kalimutan nalang ang lahat haha tama ba sinabi ko? )

Jayce: james wag mu na ako plastikin, ok na, tanggap ko na, umiiwas na nga ako ngayun eh, pinipilit kong magbago, kaya sana wag mu na akong lapitan.

Aww para akong nalungkot sa narinig ko mula sa kanya, unexpected kasi ang mga narinig ko ngayun, syaka ang expected ko papatawarin niya ako at babalik ulit ang dati naming pag kakaibigan pero hindi eh, ayaw na niya, parang napapako ang puso ko, hindi ko alam, dapat diba masaya ako dahil di na niya ako gusto? Na yun ang dati ko pang hinihiling na sana mauntog siya at makalimutan na mahal ako pero baket ngayun iba ang nararamdaman ko, parang nalulungkot ako, parang di ko ma explain, aww.

James: hah? Jayce, wag naman ganito oh, wag mu ako iwasan, di ko yata kaya mawala ka sa buhay ko eh. Syaka sorry dahil napagbintangan kita, sa halip ikaw pa pala ang tumulong sa akin para mahuli ang gumawa sa akin ng masama, sorry jayce, sana mapatawad mo ako.

Jayce: so alam mu na pala. Tsk, lalapit kaba ngayun dito at magsosorry sa akin ng di nalalaman yan? Diba hindi? Na guguilty ka no? james kilala kita. wag ka na maguilty sa halip amg thank you ka nalang at lubayan mu na ako. Kalimutan mu na din na naging mag kaibigan tayo. Don't worry ok lang sa akin. Wag na tayo mag lokohan pa, ayoko na gusto ko na ng bagong buhay. Ayoko na mabuhay ng parang isang tanga na habol ng habol sa taong di naman ako kayang mahalin. Ayoko na sayangin pa buhay ko sayo. kaya kung talagang thankful ka, at gusto mu mag sorry sa akin, gawin mu nalang ang sinabi ko.

Di ko alam pero parang gusto kong umiyak sa harapan niya,. Grabe kinakain ako ngayun ng Guilty, parang isa ako sa pinakawalang kwentang tao sa mundong ito dahil sa nagawa ko sa kanya. at the same time kinakain din ako ng Pag ka lungkot para bang mawawalan ako ng isang napakaimportanteng tao sa buhay ko, Di ko kaya mawala siya sa akin, pero anung gagawin ko? kailangan mamili ako, dalawa lang naman yan eh, hahayaan ko bang mapalapit siya sa akin ulit at oras oras ay paulit ulit kong saktan ang damdamin niya dahil sa kami na ngayun ni juancho? O hahayaan kong mag hiwalay na kami ng landas na labis ko naman ikakalungkot. Wah! Anung gagawin ko. nalilito na ako. Kailangan ko mamili sa kanila si Juancho ban a mahal ko na ngayun ay sa wakas mahal na din ako o si Jayce na simula palang ay Mahal na ako na halos lahat ay ibinigay na sa akin na sa ngayun ay unti unti ko na rin nagugustuhan.

Love Triangle (BoyxBoyStory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon