Part 34

23.3K 468 2
                                    

"MOM?" agaw pansin ni Bearlan sa ina. Kasunod nito si Tiffany na lumabas sa silid at nagtungo sa sala. Napag-usapan na nila ang dapat gawin pero kabadong-kabado pa rin si Tiffany.

Natigil ang ginang sa pakikipagkwentuhan kina Vicky at Rick. Ngiting-ngiti ito na tumingin sa anak at kay Tiffany.

"Son, I missed you," mayamayabay magiliw nang sabi ni Madal Amelia. Halata ang saya na biineso-beso nito ang unico hijo.

"Ano'ng ginagawa niyo rito? Akala ko ba ay bakasyon namin ito?"

"Nag-alala kasi ako sa inyo dahil wala man lang aking ma-contnat sa inyo. Akala ko ay kung ano na ang nangyari sa inyo dito. Mabuti naman at wala pala," sagot ng madam at isinunod si Tiffany na maluwang na niyakap at bineso. "Good job, hija. May bonus ka sa 'kin pagbalik natin sa Maynila."

Kinilabutan si Tiffany sa ibinulong na iyon ni Madam Amelia. Ang akala talaga ng madam ay nagawa niya ang trabaho niya. Paktay! Pano 'pag nalaman nitong totoo ang relasyon nila ni Bearlan?

"About sa nakita mo kanina, Mom. I want you to know that I like Tiffany. Mahirap pong ipaliwanag kasi biglaan na lang po," pagkuwa'y sabi ni Bearlan. Kasama 'yon sa napag-usapan nila ni Tiffany kanina sa silid bago lumabas. Ang magsabi agad-agad.

"No, no, son. Mamaya na tayo mag-usap ng kung anu-ano. Ang gusto ko ay kumain muna dahil nagutom ako sa byahe."

Lihim na nagkatinginan sina Bearlan at Tiffany, inaasahan na nila iyon; ang umiwas si Madam. Pero ang maganda ay napapaikot din nila si Madam Amelia.

"Halina kayo, Vicky at Manang Rose. Maghanda na tayo ng mahahapunan." Masaya talaga si Madam Amelia, dahil ito na ang umalalay sa mga kasambahay nito papasok sa kusina ng resort.

Nakaramdam naman ng guilt si Tiffany. Kitang-kita na napaniwala nila si Madam na nagtagumpay siya, na naakit niya si Bearlan, na sa wakas nalabanan na ni Bearlan ang kabaklaan nito. Kung alam lang sana ni Madam Amelia ang lahat.

"What was that?" siko ni Rick kay Bearlan na takang-taka sa nangyayari.

Napangiti sa isa't isa sina Tiffany at Bearlan na napa-holding hands. Si Bearlan ang mabilis na nagpaliwanag kay Rick.

"Ano?! Eh, di paghihiwalayin din kayo?"

"Oo pero saka na namin 'yon poproblemahin. Ang mahalaga ngayon good mood na siya," Bearlan answered without any fear at this moment.

Natampal ni Rick ang sariling noo. "Lalo niyo lang yata pinagulo ang sitwasyon niyo, eh."

"Pero kahit naman saang anggulo Rick ay doon at doon pa rin pupunta. Ang magiging magulo talaga."

"Tsk!" Napailing-iling si Rick. "Sige, goodluck na lang."

Saglit lang ay masaya na silang nagkainan. Panay ang kuwento ni Madam Amelia. Parang hindi nauubusan ng energy.

"Bukas na bukas din ay uuwi na tayong lahat sa Manila," hanggang sa wika ni Madam Amelia na nagpamilog sa mga mata nina Bearlan at Tiffany. Iyon ang hindi nila napaghandaan. Akala nila ay hahayaan pa sila ni Madam Amelia sa isla.

Si Rick ang siyang napaubo. "Sorry po. May nakaalala yata sa akin."

"Mom, puwede naman na mauna kang umuwi. Ilang araw palang kami rito," reklamo na ni Bearlan sa ina.

"No. Darating na kasi ang Daddy mo. Biglaan and you need to be there dahil tatanungin na naman ako nang tatanungin kung nasa'n ka. You know your dad, Bearlan."

Aangal pa sana si Bearlan pero pasimple itong kinurot sa tagiliran ni Tiffany.

"Anyway tapos na kayong kumain, 'di ba? Pwede bang iwanan niyo kami ni Tiffany rito dahil may pag-uusapan lang kami?"

"Ano'ng pag-uusapan niyo?" lalong tutol ni Bearlan. "Dapat marinig ko."

"Bearlan, sige na. Iwanan niyo muna kami," pero si Tiffany na ang nagpilit dito na umalis.

Ngiting-ngiti si Madam Amelia habang nakatitig sa mukha ni Tiffany. Si Tiffany naman ay yukong-yuko ang ulo. Kabadong-kabado siya. Syete! Ang hirap ulit nito!

"As I told you a while ago, you have a bonus from me, Tiffany," panimula ni Madam Amelia sa usapan nang sila na lang ang naroon sa dining area.

"A-ano po 'yon, Madam?"

"Nagawa mong akitin si Bearlan. Actually nakita ko kayo sa kama kanina. May nangyari na sa inyo kaya kumbinsido na agad ako na nagawa mo siyang lalaki kaya bibigyan kita ng pabuya."

Hindi siya umimik pero 'yong tibok ng puso niya dahil sa matinding kaba ay halos naririnig na niya.

"Gusto mong makatapos ng pag-aaral, hindi ba, Tiffany?"

"O-opo, Madam." Hindi niya mapigilan ang sarili na hindi mautal. "Ang totoo iyon ay iyon po ang dahilan kung bakit tinanggap ko po ang offer kapalit ang isang milyon."

"Pwes, hindi ko na ibibigay ang isang milyon sa 'yo dahil sa tingin ko ay mas maganda kung papag-aralin kita sa Amerika."

"P-po?!"

"Higit pa 'yon sa isang milyon, Tiffany. Don't you want it?"

Awang ang mga labing napatitig lang siya sa mayamang ginang. Seryoso ba ito? Pero malamang seryoso ulit ito. Pa'no na 'to? Talagang paghihiwalayan sila ni Bearlan.

"Isa pa at naalala mo 'yong usupan natin? Na oras na mapaibig mo si Bearlan ay magpapakalayo-layo ka? Hindi mo naman nakakalimutan iyon, hindi ba?"

Napayuko ulit siya ng ulo. Syempre, naalala niya iyon. Pero huwag naman ganito sana.

"This is it, Tiffany. Embes na umuwi ka sa probinsya o sa'n ka pa mapunta ay sa States na kita ipapadala para hindi na kayo magkita pa ng anak ko."

Muntikan na siyang mapaiyak pero pinigilan niya ang sarili.

Naghiwalay sila ng kausap na masayang-masaya ang madam, habang siya ay nagluluksa.

MY BEKI "KUNONG" BOSS (Tayo Na Lang, Puwede Naman)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon