Ayo! lemme introduce myself first! My name is YULEEN LACE PARK. A 1/4 korean, 1/4 american and half filipina na ugly duckling. Echos lang po! Anyway just call me LALEEN my new name or shall i say ang name kong ginagamit sa Middleton Academy ang paaralan ng mga mayayaman.
No. 1 question na dapat niyong itanong sakin! Bakit nandito ako? Syempre dito ako mag-aaral, nandito yung taong kukumpleto ng future ko. ehemm! Ano nga ba ang dahilan?
One reason lang naman! Actually hindi dapat ang dito magfi-first year college sa Pilipinas sa America dapat. Kaso lang nakilala ko siya eh! KAya ginawa ko ang lahat ng paraan para payagan ako ng parents ko at ng manager ko sa Modeling Agency. Kaya ayun dito na ako and take note dito rin nag-aaral ang Doppleganger kong kapatid.
Anyhow sino nga ba ang taong dahilan kung bakit nandito ako? siya lang naman ay isang model rin katulad ko. Model ng mga briefs keke..echos lang! Ang pangalan niya lang naman ay Charles Jared Montessor! Ang sikat na Teen Top Model ng Pilipinas. Paano na-capture niya yung heart ko eh. At saka lahat ay gagawin ko makilala ko siya ng mabuti at makita ko siya araw-araw! Ganun ako ka obsess!
TEACHER: Ok class dismiss!
dali-dali akong lumabas ng room. Sa hallway na ako ng marinig kong tumutunog ang CP ko. Nakush! Saan ko na ba yun inilagay? Ukay-ukay! ito!
AKO: Huli ka!
Bago ko pa maipindot yung CP ko ay biglang may bumunggo saken . . . At biglang lumipad yung CP ko!
WOOSH!
AKO: Naku po! Ang Iphone ko!!!
Bago ko pa masalo yung phone ko ay may taong nakasalo nun.
AKO: Oh my! Kamsahamnida for . . . . .
Sucks!!! Alamin niyo kong sino ang nasa harapan ko! Neknek! Ang love of my life! At nakangiti pa siya sakin! Sabihin niyong hindi ako nananaginip!
CHARLES: I'm sorry miss! *sabay abot ng CP ko* nagmamadali kasi ako! Bye! sorry again!
Bago pa ako makapagsalita ay umalis na siya! Nakush! Siya ba talaga yun? My gosh! Ang gwapo gwapo niya talaga!!! Guess who ? Si Charles Jared Montezzor na yun!!! Oh my!
GIRL 1: Tumabi ka nga pangit! wag kang paharang harang sa daan!!!
Ay panira ng Trip!
Breaktime ko na kaya napagpasyahan kong dumiretso sa canteen at dun na kumain. Grabe daming mga estudyante at wala yatang bakanteng upuan. Nilibot ko ang paningin ko. Jack pot meron sa bandang gitna. Dali-dali na akong dumiretso dun at inilagay yung bag at bumili na ng pagkain. Halata talagang pangmayaman ang.
Bumalik ako agad sa pwesto ko mabuti walang umupo. Sigurado naman akong walang tatabi saken dahil nga pangit ako noh! tsk! Inumpisahan ko ng lantakan ang pagkain ko.
GIRL: Gosh! Girls look!
GIRL: Oh my! Ang gwapo talaga nila!!!
GIRL 3: Sucks! Si Tereence o!
GIRL 4: One word! HOT!
GIRL 5: Di ba si Charles yan?
Bigla yatang gumising ang katawang lupa ng marinig ang pangalan niya. Agad akong napalingon sa entrance ng canteen. There! Standing like a Greek Gods ! Takte! Ang gwapo nga nila. Nakakapaglaglag ng panty! Nakush! Talagang present sila ng magsabog ng biyaya ang Diyos sa kababaihan. Lahat yata ng babaeng estudyante ay nakanganga lang! Sino ba ang hindi?
Pero isa lang sa kanila ang nakakuha ng pansin ko. The dashing Teen Model ng Pilipinas si Charles Montezzor! Hindi ko akalain na magkikita ko siya sa unang araw ko palang ditto sa school. Gas! Ang swerte ko yata ngayong araw! Ang gwapo niya talaga! Feeling ko nakakakita ako ng alitaptap sa paligid ko.
Pero mas kukumpleto ang araw ko kung lalapitan niya ako! At saktong tumingin din siya sakin! Our gaze locked. Help! Mahuhulog na yata ako!
Charles P.O.V.
TERRENCE: wala na yatang bakante
NATHAN: Paano kasi itong si Yumin anbg bagal kumilos!
YUMIN: Ako na naman!
CHARLES: Tumahimik na nga kayong dalawa! Hindi yan makatutulong sa paghahanap natin ng upuan.
10:30 palang pero ang dami ng estudyante. Tss! Biglang napadako ang tingin ko sa mesa kung saan may naka-upo na babae abt wala itong kasama at pwedeng umukupa ng 5 to 6 persons. Tumingin ako sa mukha niya. She’s wearing a big eyeglasses. Dark spots sa cheeks and braces?
Wait! Braces? Siya yung girl na nakabangga ko kanina! Bahagya yatang nakabukas yung bunganga niya at kitang-kita ang pantay nitong ngipin. She looked so cute!
TERRENCE: Ano? Tatayo na lang ba tayo ditto?
Ito talagang si Terrence kahil kalian walang pasensya.
CHARLES: tara!
NATHAN: Saan tayo pupunta?
CHARLES: Basta sumunod lang kayo
Dumiretso na ako sa pwesto ng babaeng may braces. Ang cute niya pala sa malapitan kagaya kanina ng mabangga ko siya. Pero ang pantay ng ngipin niya bakit pa siya nagb-braces? Malapit ba kami ng hinila ako ni Yumin at napahinto ako sa paglalakad.
CHARLES: What?
YUMIN: Diyan tayo uupo sa babaeng pangit nay an?
CHARLES: Hindi siya pangit. At oo dun tayo uupo.
Tsk! Kahit kalian hindi talaga immune si Yumin sa mga pangit. But the girl? No she’s not ugly. Mukang tinatakpan lang yata ng iba’t-ibang palamuti ang mukha niya.
TERRENCE: Sa table no. 5 ba tayo?
Hindi pa ako nakasagot pero nauna na siyang dumiretso doon. Sumunod na lang kaming tatlo. Bago pa kami makalapit ay inihanda ko na ang ngiti ko. Panigurado lang. At halatang napatulala ito.
CHARLES: Hi Miss! May naka-upo ba ito?