CHAPTER 17 0♥0

40 5 3
                                    

Chanyeol's POV

Nagising ako sa kama namin ni Baek. Wala na pala sya sa tabi ko, at ngayon ko lang napansin na Monday pala ngayong araw. Argggh. Pasukan na naman. Pumasok na ko sa CR para gawin na ang dapat gawin dun, of course ang maligo. Pagkatapos nag bihis ng uniform.

Di ko pa susuotin yung polo at blaezer ko. Pagka-baba ko, pumunta ako sa kusina. Pero nagulat ako ng may nakita akong likod. Baekhyun?

Si Baekhyun nga, dahil sa mga features ng katawan nya at yung brown nyang buhok na ngayon ay color pink--

PINK?!

Dahil nagluluto pa sya, hindi nya ako napansin na nakatayo sa likuran nya. Kaya niyakap ko sya mula sa likod, bear hug kumbaga. Nagulat sya ng konti dahil nag-flinch sya.

"Morning Chanyeollie~" Bati sakin ni Baek. Nag mu-mukha kaming mag-asawa neto eh.

"Morning din Puppy~" Bati ko pabalik sa kanya. Nakabihis na din sya ng school uniform, pero wala pa yung blazer nya. Yung polo nya naman nakatupi hanggang sa elbows nya. May pink na apron din syang suot-suot.

Pagkaharap nya sakin, muntikan ng mahulog yung frying pan na may bacon. Buti nalang nasalo ko. Dahil ata sa nakita nya yung abs ko, hindi ko pa nasusuot yung polo ko. Tiningnan ko yunh mukha ni Baek na nakatitig sa abs ko at namumula.

Ngumisi ako ng konti.

"Baek, kailangan pa ba ng kanin?" Pang-aasar ko sa kanya, kasi ulam na yung abs ko. Kanin nalang ata yung kulang eh. Haha. Nag-lalaway na tuloy sya. De joks lang. Naka bukas kasi ng onti yung bunganga nya.

"A-ano ka-ka ba, Chanyeol? Kumain na nga tayo." Namumula sya at umirap. Namumula parin sya habang nilalapag yung breakfast namin sa lamesa. Nahalata ko yun kasi, kung mamila si Baek todo-todo eh. Nahalata ko rin na bagong ligo sya, basang-basa kasi yung buhok ng color pink.

"Baek, bat ka nga pala biglang nagpa kulay ng buhok?"

"Ahh. Bawal ba to sa school?"

"Hindi naman, pero bagay nga sayo yan ehh." Sabi ko sa kanya habang naka-ngiti. Namula na naman ang Baby ko. Ilang beses na din yun. Haha. Ang cute.

"Mas lalo kang naging cute sa bago mong hairstyle na yan."

"Aish! Tama na nga yan, Yeollie. Baka ma-late pa tayo nito ehh." Hahaha. Namumula na naman sya.

At ayun, kumain na kami ni Baek. Tinanong nya pa ako kung dati ba ganito na yung style ko, yung bago ako umalis ng bahay dun ko lang susuotin yung polo and blazer ko. Kaya tumango nalang ako, ayaw ko na syang asarin.

Sabay kaming nag-tooth brush ni Baek. Unang natapos si Baek at sumunod na din ako after nya. Nauna na din syang lumabas ng CR. Bago pa man ako umalis, pinag-dikit ko yung tooth brush namin, na para bang nag-hahalikan.

Nang dahil sa ginawa ko, napangiti ako dun. Mali pala, kinilig ako. Amp naman para akong babae neto. Bago kami umalis, yung pintuan nalang talaga ang nakaharang para tuluyan kaming maka-alis, dun ko na sinuot yung polo and blazer ko.

Napa-face palm nalang si Baek dahil siguro sa ayaw nyang makita ang abs ko.

Naglakad kami ni Baekkie papuntang school. Masyadong tahimik pero maganda din naman ang atmosphere, kaya hindi ko yun sinira dahil alam kong gusto ni Baek ito, ang kalmado at tahimik na paligid.

Pagkadaan namin sa gate, madaming sumalubong samin. Gaya ng sabi ko dati na PEYMUS kagad si Baek since nung first day nya dito as a transferee. May mga nag-bigay ng bulaklak sa kanya na ikinagulat nya. Yung iba namang malayo samin, binati kaming dalawa at si Baek ng bagay kayo sa isa't-isa. Yah alam ko kaya yun, na bagay talaga kami ni Baek sa isa't-isa.

May narinig pa nga akong "We love ChanBaek!" . May nag shi-ship pala samin ni Baek. Astiig~

Hinila ko na si Baek papuntang locker namin. Yung totoo lang, pinalipat ko ang locker ko para makatabi lang ang locker ni Baek. Ang talino ko ^<>^

Well, matalino naman ako eh, nga lang di halata dahil sa ugali ko. Uy, totoo yung sinabi ko ha.

"Yeol, paano ba yan. Iba ang first subject natin. Meaning hindi mo ako makakatabi." Aba nananakot na ang baby sprout ko. Sprout, kasi para syang sprout pag tinali ko yung bangs nya pataas. Sige gaganti ako Baekhyun.

"Oh? Baka nga ma-miss mo ko ehh." Ngumisi din ako. Alam ko namang hindi ganun kahina si Baek eh.

Ngayon ko lang napasin na kami lang ni Baek dito sa mga lockers.

"Ha. Tingnan natin kung sino ang makaka-miss satin." Hahaha. Humanda ka Baek, gaganti ako sayo.

"Okay~ Nga pala Baek, classmate ko si DARA sa first subject. Baka maging seatmate ko din sya." Enemphasize ko talaga yung pangalan ng malanding babaeng yun para matakot ko sya at bawiin nya yung mga pinagsasabi nya.

"Okay. Good luck. Nga pala, balita ko may bagong transferee daw, kaya pwede ko syang maging kaibigan." Hanggang ngayon naka-ngisi pa rin sya. Kingina mo Baby Baek. Humanda ka talaga sakin.

"Sige, tingnan natin. Baka nga maging friends pa kami ni DARA eh." Sabay ngisi ko sa kanya.

Biglang nawala yung ngisi nya at napalitan ng walang ka emo-emotion na expression. Naka poker-face na sya ngayon. Hahaha.

Pano ba yan Baek--

"Sige, tingnan nga natin. Alis nako. Bye~" Ngumisi sya for the last time bago sya umalis sa harapan ko.

Hala seryoso sya?! Sige Chanyeol, inhale exhale. Kasalanan mo yan kung bat hindi mo sya pinigilan o pinansin. Kasalanan mo yan kasi nakisama ka pa sa parang bet game nya.

Huhuhu~ Sige Chanyeol, pigilan mong isipin si Baekkie.

Wag mo syang i-text. Wag ka ding mag-cutting para lang makita sya.

At isa lang namang subject yun eh. Yung nag-iisang subject na super tagal. Yung nag-iisang subject na tumatagal ng 3 hours to 3 hours and 30 minutes. Aigoo~

Ginusto mo yan Chanyeol eh. Oo ginusto ko to. Oo, hindi mo to pinag-sisisihan. Gusto mo lang kasing maka-bawi mula sa kanya eh no?

"ARRGGH!!"

Umalis na ko sa locker ng mga estudyante at pumunta na sa first subject ko. Biglang may sumagi sa isipan ko, yung tungkol sa sinabi nya kaninang..

BAGONG TRANSFEREE?!

Nasa kalagitnaan ako ng hallway, nakanganga. Kaya lahat ng dumadaan tinitingnan ako. Yung fans ko naman,pini-picturan na ako.

"ANDAWEYO!!"

♥~♥~

Baekhyun's POV

Iniwan ko si Chanyeol dun sa mga lockers at nauna na kong pumunta sa room ng first subject ko. Pagka pasok ko sa room namin, naisip kong seryoso ba talaga si Channie na magiging friends sila ni Dara? Hmph! Di yun pwede! Subukan mo lang Chanyeol.

Isang subject lang ang nag-hihiwalay samin ni Yeollie ko. Pagkatapos ng first subject, mag kakasama na kaming lahat ng tropa sa mga natitirang subjects. And of course kasama dun si Channie.

Nga pala totoo yung may bagong transferee sa school. Dito din ang first subject nya.

Pagkaupo ko sa likod ng room, may narinig akong sumigaw. Nang-galing ata yun sa hallway. Narinig ko yun pero hindi sya clear.

Naisip ko tuloy na baka si Channie yun dahil pinagsisihan nya yung pag sang-ayon sa game ko. Hahaha

Well, of course as Byun Baekhyun, mami-miss ko din sya ng konti. Konti lang hahaha.

Nung pumasok na si Ma'am na may kasamang lalaki, lahat kami nag si-ayos sa mga upuan namin.

"Okay,Mr. Kim, I'd like younto introduce yourself infront of us." Sabi ni Ma'am at tumango naman yung lalaki. Mukha syang alien. Wait, TAEHYUNG?!

Park Chanyeol's PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon