Huhuhuhuhu!!!
Aaaahhhh! Ayaw ko na! Magpapakamatay nako!
Sigaw ng kaibigan kong si jaime sabay hablot ng lubid..halos hulas narin ang makeup niya sa kakaiyak. Kalat na kalat ang maskara niya sa mukha niya.
Friend, ano ba? Itigil mo na ang kangangawa jan...wala na siya, iniwan kana niya at kahit kelan hindi na siya babalik tska kawawa naman yang lubid..idadamay mo pa...sa bigat mo yang...yang lubid pa ang susuko sayo... Sabi ko sa kanya habang nanonood ng tv at kumakain ng pop corn.
Kanina pa siya iyak ng iyak sa tabi ko.
Mahal na mahal ko siya! Sabi niya hini niya ako iiwan! Sabi naman niya.
Yan din ang eksaktong sinabi niya sakin noon...pero iniwan parin niya ako..parang kalapati lang yan na inalagaan mo ng matagal..kala mo di ka iiwan pero pag nakahanap ng ibang kalapati..ayun lilipad at lilipad...sabi ko.
Iba siya ellah! Alam ko mahal niya ako...sigaw niya.
At pano siya naging iba? Lalake din siya at kagaya moko na hindi kasexyhan..hindi kagandahan...ipagpapalit karin niya sa mga babaeng lumalaklak ng gluta sa puti, sa mga babaeng mukhang walis tingting sa payat..ganun din yun noh! ..sabi ko.
Pero nagpromise siya sakin......hirit pa niya.
Sabi nga nila "promises are meant to be broken" sabi ko naman "promises is like a fairytail...will make you believe that happy ending really exist".......ganern! Tska makakamove karin..para kang etong pop corn na kinakain ko...pagkatapos mong pumutok eh isa kanang ganap na pop corn at pwede nang kainin.....ganern! Sagot ko.
Aaaahhhhj!! Huhuhuhu!!
Lalo naman siyang ngumawa sa pagiyak....ewan ko ba sa babaeng to...hindi na natuto sa mga nangyari sakin sa buhay.....diba dapat matuto sa pagkakamali ng iba.
My mga sinasabi pa siya..pero hindi ko pi akinggan...maya maya hihinto narin naman yan..mapapagod..hahaha..
Mas gusto ko pang panuorin ang ang walang kwentang movie na to kesa pakinggan ang kaibigan kong tanga sa pagibig.
Well by the way.....i am ella jose and i am 21 years old...nagwowork as a call center agent....sa mura kong edad eh marami na akong naging experience sa love....kaya siguro matalino na ako pagdating sa pagibig..bukod sa sarili ko..eh natuto rin ako sa mga experience ng ibang tao.
Base narin sa experience ko kaya hindi na ako madaling magtiwala sa lalake..at lalong lalo na ang paniawalaan ang salitang "forever" hay naku....walang ganern!
Parang tong kaibigan kong kanina pang ngumangawa dito...masyadong naniwala sa forever kaya ayan......daig pa ang basag na flower base sa pagkabroken.
Bakit ba ang bitter mo?bakit dimo nalang pagaanin ang loob ko? ... my sinasabi pala siya.
Unang una frend, sinasabi ko lang what' s the reality....you have to face it...pangalawa, hindi kita kayang pagaanin kasi pareho mokong mabigat....ganern! Sabi ko.
Tila napangiti naman siya sa sinabi ko...
Ayan dapat, ngiumiti ka! Oo masakit sa umpisa pero..para saan pa't makakamove on karin...at marami pang lalake jan...sabi ko pa.
Ai! Ano to frend? Patay gutom lang sa lalake? Pagnawala ang isa....hanap agad? Sabi naman niya.
Oo, patay gutom ka..kaya nga ganyan katawan mo diba....pagtutukso ko sa kanya.
Ai, hiyang hiya naman ako sa katawan mong daig kayang lamunin ang balyena.....sabi niya.
Ai grabe siya oh....pareho lang tayo noh... so it's a tie..sabi ko naman.
Kita ko sa mukha niya na ok na siya..ganyan naman kami eh...mga baklang babae...at the end of the day...ang isa't isa parin ang masasandalan namin.
Nagulat naman ako ng hablutin niya ang pop corn na kinakain ko.
So habang nagdadrama ako eh take advantage kanaman na kainin ang pop corn na binili ko..kakahiya sayo ah...sabi niya.
Ah eh...hehehe..sorry naman..pero frend para kang pop corn ....sabi ko
Sinabi mo na kanina yan eh...
Panira, basta tanungin mo kung bakit..
Bakit? Tanong niya.
Kasi yang make up mo putok na putok na!
Sabay tingin naman siya sa salamin...
Ai oo nga...kaloka... dali dali siyang tumakbo sa cr para maghilamos.
Oh diba, yan ang resulta ng pagngangangawa mo kanina...nakajapangit lang yan....ang love parang make up sa mukha...pag hulas na...eh kailangan nang iretouch....sigae ko sa kanya habang nasa cr siya.
Oo na! Sigae niya.
Natahimik naman ako bigla....napatitig sa tv..
Bigla kong naalala ang nakaraan....minsan na akong nagmahal ng tunay....pero sobra sobra din akong nasaktan....
Ayan, natutulala kana naman...naaalala mo naman yung lalakeng yun noh.. sabi ni jaime.
Excuse me! Hindi noh!....pagdedeny ko.
So pano kung makita mo ulit siya? Tapos makipagbalikan?...anong gagawin mo? Tanong niya.
Simple lang gagawin ko sa kanya...kakatayin ko siya at lalamunin....ganern! Sagot ko.
Asus sabi mo lang yan.....haha..alam ko mahal mo parin siya..sabi niya.
Alam mo frend, ang pagibig ko sa kanya parang lobo na lumipad sa langit.......wala na at pumutok na...at kahit kelan hindi mo na maibabalik pa....ganern!
Ayan kana naman sa hugot mo...masyado ka tlagang bitter...kaloka...yang pagiging bitter mo parang ampalaya...
Dahil mapait? Tanong ko.
Oo, mapait na kulubot pa.....daig pa ata eh..haha.sabi niya.
Alam mo, bagay din sayo ampalaya...sabi ko.
Bakit naman? Tanong niya.
Masarap kasi sahog sa lagat ang baboy...ahaha. pagtutukso ko sa kanya.
Tse! Un lang sagot niya.
Pero natigilan na naman ako.....tama si jaime..pano kung makita ko ulit ang lalakeng yun? Anong gagawin ko? Alam ko sa sarili ko na mahal ko parin siya.
*********************************************
Hope you like it.....comment kung gusto niyong ituloy ko..thanks
BINABASA MO ANG
Ella Hugotera
Random"Ampalaya" kung tawagin si ella, lahat na yata nang kabitteran nasa kanya na..pano kung magbalik ang lalakeng dahilan ng pagkabitter niya sa buhay? Maging sweet pa kaya siya o mas daigin pa uli ang pagiging ampalaya.