A/N: About naman po ito sa mga magkarelasyon. Sana makarelate at matulungan ko kayo.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sa mga magkarelasyon,
Tiwala ang isa sa pinakamahalaga;
Kapag pinagkatiwalaan ka,
Wag mong hayaang madismaya sya.Pero tila isang pagsubok sa kanila,
Ang hindi pagkatiwalaan ang isa't isa;
Paano nalang kung kayo'y mag-asawa na,
Palagi nalang bang mag aaway dahil hindi pinaniniwalaan ang isa't isa?Kung sinasabi mong mahal mo sya,
Pagkatiwalaan mo sya;
Pagmamahal bang matatawag na kailangan pa ng ebedensya,
Mapatunayan lang mali ang hinala?Mamahalin mo ba ang taong walang tiwala sayo?
Pero dahil mahal ka nya,
Nagtitiis sya makasama ka lang.Sino sa inyo ang tanga?
Ikaw na walang tiwala sa taong nagmamahal sayo ng sobra?
O sya na pagtabuyan mo man,
Nandyan oa rin makasama ka lang.Hindi imposibleng mag-away kayong dalawa,
Pero posibleng mapanatili nyo ang tiwala sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
It's All About Love (Poem And Other Hugott Lines)
PoetryMay Crush ka ba? Girlfriend/Boyfriend? Asawa? Eh kamusta naman yung status mo? In a Relationship na ba? Complicated pa rin ba? O baka naman Single ka pa rin. Kung Ganon welcome na welcome ka dito. Ito ay isang simpleng tulang PINAGHUGUTAN. Maraming...