And then it just happened. Narealize ko nalang iba na. hindi na tayo katulad ng dati. Wala na yung sweetness wala na yung "sobrang" pagmamahal natin sa isa't isa or I guess wala na yung pagmamahal mong sobra para sakin. As for me, ako pa din to. Ako padin yung taong baliw sayo. Ako pa din yung adik na adik sayo. Yung taong saglit ka lang mawala miss na miss ka na, yung taong handang intindihin ka kahit ano pang mangyare, yung taong uunahin ka kesa sa sarili nya. Hindi ako nagbago, ikaw mismo ang nagbago. Pinipilit kong ibalik pero ikaw mismo hindi mo hinahayaan bumalik. Bakit? Ano bang nangyare sa'tin? O ano bang nangyare sayo? Gusto kong malaman kasi naguguluhan ako. Hindi ko na alam kung san ko ilulugar sarili ko kasi I don't know what's going on. Sana hinahayaan mo kong pumasok dyan sa magulo mong mundo kasi kahit gano pa yan kagulo magsstay ako para samahan ka, para harapin natin lahat nang magkasama. Kung sana lang talaga hinahayaan moko. As I end these thought sana marealize mo na "Oo nga pala meron akong ikaw na handang gawin lahat." Sana this time hayaan mo kong samahan ka harapin lahat kasi nung araw palang na nagkarelasyon tayo yun din dapat yung araw na hahayaan mo kong pasukin yang mundo mo. Hindi pa naman huli para papasukin mo'ko.
Please let me in, In that world of yours.
---
040716 // (c) - PurpleIsWhatILove
BINABASA MO ANG
A world, I want to be in...
Teen FictionA thought that's bugging my mind that I want to share...