Kong's POV
Pinaharurot ko na ang motor at binilisan ko agad. Nagulat nalang ako sumunod na ginawa niya......niyakap niya ako mula sa aking likod. Naramdaman ko din na isinubsob niya ang mukha niya sa likod ko. Halata ko ang takot niya at panginginig ng kanyang katawan.
Hinayaan ko nalang siya sa kanyang ginagawa. Binagalan ko nalang ng kaunti ang takbo ng motor. Ngunit napansin ko na basa ang likod ko. Nakiramdam ako at naririnig ko siyang humikbi ngunit di ko nalang pinansin.
Matapos ang sampung minuto, nakarating na kami sa aking container. Biglang lumabas si Livag at umikot-ikot sa akin na mukhang gustong maglaro. Tinapik ko ang ulo niya at tumahol-tahol ito. Tumingin ako dun sa babae at ramdam ko pa rin ang kanyang takot.
"Huy babae bumaba ka na diyan." Sigaw ko sa kanya. Ngunit hindi pa rin siya kumikibo.
"Dalian mo susunduin ko pa si Ryan." Pasigaw at galit kong sabi. Hindi talaga siya kumikibo.
"Huy anong problema at kanina ka pa naninigas diyan." Wika ko. Nilapitan ko siya at iginalaw-galaw. Medyo natauhan lang siya ng kaunti ngunit bakas pa rin ang kanyang takot.
"May phobia ako sa motor. Lalo na kapag sobrang bilis." Pabulong niyang sagot.
Parang alam ko iyang salitang phobia. Mukhang nabasa ko na ito dati sa textbook na ipinapahiram ni Ryan sa akin dati. Kahit ganito kasi ang sitwasyon ko, pangarap ko pa ring makapagtapos ng pag-aaral. Kaya kahit sa simpleng pagbabasa man lang ay unti-unti ko itong makamtan. Hanggang grade 6 lang kasi ang inabot ko.
"Ano ba yang phobia? At bakit ka may ganon?" Tanong ko nalang upang makasigurado kung ano talaga yang salitang "phobia".
"Yun yung takot sa isang bagay." Medyo umaayos na yung pagsasalita niya.
"Tae naman hahahaha, huwag mo kong patawanin. Motor lang takot ka na." Tawang-tawa ako sa kanya. Motor lang pala katapat niya eh.
"Tse!" Pasigaw at naiinis niyang sambit.
Mabilis siyang bumaba sa motor at dali-daling naglakad. Dumiretso siya sa isang dilaw na gate at pilit itong binubuksan. Gate ng mansion nina Don Alfonzo. Isa sa pinakamayaman sa aming Barangay Galtamoso.
"Huy, nasan susi ng gate mo?" Tanong niya na may halong inis.
"Hahahahahahahaha," malakas kong tawa. "Huwag mo na akong patawanin, sakit na ng tiyan ko." Tuloy pa rin ang tawa ko habang hinahabol ang hininga.
"Ano bang problema? Gusto ko ng kumain. Gusto ko na din matulog. Papasukin mo na ako sa bahay mo." Nagdadabog na nagmamaktol na ewan. Iyan ang itsura niya.
"Hindi ko yan bahay. Mas maganda diyan bahay ko. Ayun oh." Tinuro ko ang container gamit ang nguso at ngumisi ako ng parang nang-aasar.
Sa sobrang inis niya, sinira niya ang side mirror ng pinakamamahal kong motor gamit ang matigas na kawayan at ibinabato sa akin lahat ng makita niyang bagay.
"Huy ano bang problema mo!?" Sigaw ko ngunit hindi niya ako pinansin.
Matapos nun, nag walk-out siya dire-diretso sa container ko at sinipa ang kinakalawang na pintuan na kadahilanan ng pagbukas nito. Pumasok ito agad at padabog na sinara ang pintuan. Kumuha ako ng bakal sa parte ng mga motor na chinop-chop kanina at isiniksik sa butas ng pintuan hanggang sa butas ng pader sa gilid nito upang maglock. Sinigurado ko na matibay ang pagkakalock ko para hindi makalabas yung abnormal na babae at baka tangayin niya lahat ng gamit ko sa bahay. Mahirap na sa panahon ngayon. Nasa tabi-tabi lang ang mga masasamang loob katulad ko.
BINABASA MO ANG
Destined Together (Sunset)
Phiêu lưuAng kwentong ito ay magsasalaysay sa buhay ng ating bida na si Kong Kordacio kasama sina Livag, Kulas at iba pa. Makikilala niya dito ang kanyang magiging katapat, at mababago nila ang isa't-isa. Magkakaroon ng maraming POV at ang paraan nila sa ka...