(Lumabas si awtor sa butas ng bubong sa bahay ni Kong)
POV ni Awtor
Alas-tres (3:00) palang ng umaga ay naalimpungatan na si Kong sa katok sa kanyang pintuan. Tumatahol din si Livag dahil sa ingay na narinig. Bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang kanyang kaibigan na si Kulas.
Kong's POV
Naalimpungatan ako sa ingay na aking narinig. Tila ba binuhusan ako ng malamig tubig.
"Pare, gising ka na dyan para maumpisahan na natin." Nagmamadali niya itong sinabi pero nagtataka ako dahil sobrang aga pa ay pumunta na siya sa akin.
Isa pa bakit siya nagmamadali?
"Huy, bat madaling araw palang eh nandito ka na? At bakit nagmamadali ka?" Agad akong nagmumog at isinuot ang itim na t-shirt habang nagtatanong.
"Nahuli ng pulis si Kikoy habang nagcho-chopchop. Dapat habang madilim pa at tulog pa ang mga tao natin gawin para di' tayo mahuli." Nabigla ako sa sinabi niya. Kasi sa tatlong taon naming ginagawa ito eh wala pangnahuhuli sa amin.
"Sige hintayin mo na ako sa labas, ihanda mo na yung mga gamit."
Epekto siguro ito ng bagong mayor namin. Isipin mo, nagpundo ng 2 milyon para sa lang sa mga bagong gamit ng mga pulis. Bakit pa kasi binuto si Deturte. Mahihirapan na siguro kami sa aming mga agenda.
Matapos ang ilang oras ay tapos na namin ang aming ginagawa.
Tapos na din naming ma-reasemble ang mga motor. Kung pagsusumahin ay 2 motor lahat ang aming nagawa dahil sa mga tira pang parte na aking naitago.Kakatapos lang namin ay may tumawag agad kay Kulas. Pagkatapos niyang makipag-usap ay kinausap niya din ako.
"Pupunta na daw dito yung kukuha ng mga motor. 20,000 daw ibibigay. Aalis ako agad pagkatapos kong kunin yung kalahati." Nagmamadali niyang sinabi habang nakangiti.
Hulaan ko magkikita ulit sila ng jowa niya. Baka ibili niya ito ng regalo kasi naikwento niya sa akin na nag-away sila. Pangtubos kung baga.
Pagdating nung kukuha ng mga motor ay agad kinuha ni Kulas yung pera niya. Agad din itong umalis. Takot talaga ito sa jowa niya, ayaw yata ma-late.
Pumasok na din ako sa maliit kong container. Kinuha ang kunwari'y unan na sako at humiga upang umidlip sandali.
Awtor's POV
Habang naghahanap ng ireregalo si Kulas ay napansin niya ang flower shop katabi ng isang tindahan ng chocolate. Napagdesisyonan niyang bumili ng chocolate at isang maliit na boquet ng roses.
Matapos bumili ay mabilis itong tumakbo patungo sa motor niya. May sarili din itong motor ba fully modified upang hindi halatang nakaw.
Pagkadating sa bahay ng kanyang nobya ay nagulat siya sa kanyang nakita.
POV ni Kulas
Nahulog ko ang hawak kong tsokalate at bulaklak dahil sa aking nakikita. Nararamdaman ko na may parang masakit sa dibdib ko na hindi ko maintindihan. Nararamdaman ko din na may tumutulong tubig mula sa aking mata. Ang g*go ko naman dahil binigay ko lahat sa kanya. Ni sinkong duling pala ay di' niya ko minahal.
Hindi ko na kinaya ang aking nakikita. Umalis nalang ako dahil ayaw ko ng makita ang lantarang k*trayduran na kanilang ginagawa. Hindi niya ba naisip na may masasaktan sa kanyang ginagawa. Isipin mo naman na may kayakap siyang lalaki tapos...tapos...hinalikan pa siya sa pisngi.
Pumunta muna ako sa mumurahing bar bago umuwi. Ibunuhos ko na lahat ng galit ko sa pag-inom ng beer. Sa tantya ko 10 bote ng naubos ko ngunit parang wala itong epekto sa akin.
Lulan ako ngayon ng aking motor. Hindi ko maramdaman ang manibela pati na rin ang paa ko sa preno. Naramdaman ko nalang na nakabulagta na ako sa gilid ng daan. May naririnig pa akong humihiyaw at sumisigaw ng "tulong, tulong dito......" hanggang sa nawalan ako ng malay.
Kong's POV
Naalimpungatan ako sa tunog ng aking smartphone. Ganda ng tulog ko pero sisirain lang ng maingay kong ringtone. Nakita ko naman na tumatawag si Kulas sa di' malamang kadahilanan. Sinagot ko ito ng may pagtataka.
"Hello ito po ba si Mr. Kordacio," isang malalim na boses ang sumagot.
"Ako nga to, anong sadya niyo?"
"Kayo kasi yung last na tinawagan ni Mr. Alvares kaya kayo tinawagan namin. Nasa hospital siya ngayon. Pumunta nalang po kayo dito for further information," tuloy-tuloy niyang sambit. In-end call ko nalang ito upang makapagbihis at makapunta sa hospital.
Pagdating ko sa hospital may nakita akong dalawang pulubi. Nakaupo at may hawak na mga baso na lalagyanan ng pera. Nakita ko ang tig-20 pesos na laman nun. Mga kumulang 300 yun pag pinagsama.
Lumapit ako dito at tinaas niya ang kanilang baso na tila ba humihingi. Imbis na bigyan ko, hinablot ko yung baso sabay takbo.
"P*t*ng ibalik mo yan," sigaw nung isang pulubi. Tawang-tawa naman akong tumatakbo.
Pagdating sa isang eskinita, kinuha ko yung pera sa baso at ito'y ibinulsa. Tinapon ko naman na yung baso.
"Nakita ko yung ginawa mo. Ang sama mo!" Sigaw ng isang babae sa likod ko.
"Ano naman kung masama ako?" Bastos to ah. Di yata ako kilala.
"Ganyan na ba ang mga tao ngayon? Palibhasa kasi walang alam at pinabayaan ng magulang." Pasigaw nanaman niyang sabi.
"Anong karapatan mo para sabihin iyan sa akin hah." Inis na ako sa babaeng to. Baka mapatay ko to eh.
"Ako lang naman ang anak ng pinakamayamang bussiness man sa mundo." Pake ko naman rito sa babaeng to.
Binato ko nalang siya ng 300 pesos na nakuha ko kanina. Baka nalipasan lang ng gutom at kung ano-ano na ang sinasabi.
"Huy ano akala mo sa akin, patay gutom," rinig ko pang sigaw niya. Binato pa niya ako ng kung ano-ano.
Tumakbo nalang ako papasok ng hospital. Kailangan ko ng makita ang kalagayan ni Kulas.
____________________________________
Awtor's Note
Pagpasensyahan niyo muna ang naparamimg POV na medyo nakakalito. Susubukan kong pagandahin ang paraan ng aking pagsulat upang mas mailabas ng bawat karakter ang kanilang mga saloobin.
Maraming mystery ang inyong matutuklasan, hindi lang puro love. Marami ding aral at word of wisdom na hidden at lalabas lang yon kung malakas ang inyong imagination.
BINABASA MO ANG
Destined Together (Sunset)
AventuraAng kwentong ito ay magsasalaysay sa buhay ng ating bida na si Kong Kordacio kasama sina Livag, Kulas at iba pa. Makikilala niya dito ang kanyang magiging katapat, at mababago nila ang isa't-isa. Magkakaroon ng maraming POV at ang paraan nila sa ka...