Chapter 10

1.4K 54 6
                                    



Sean's POV


"Bienamar defeated Alarcon in 1 minute" anunsyo ng isang Blood Army. Pumunta naman ang ilang Blood Army na may dalang panlinis at pinunasan ang mga dugong kumawala sa sahig mula sa lalaki kanina. Nang matapos malinisan ay muling nagsalita ang armado "Next na kakalabanin ni Bienmar...


Grey Collins"


Napatingin ako sa katabi ko, si Grey. Nakayuko lamang siya tila hindi pa alam ang anunsyong siya ang makakalaban ngayon ni Jared. Kung hindi ko pa siya sinikuan, malamang paglalamayan na 'to. "Oh, bakit?" nginusuan ko siya at buti na lang ay na-gets niya. "Tapos na agad laban niya? Ang galing niya, parang si Kambal..."


"Grey, ikaw na lalaban ngayon" nagtaka pa siya na ikinailing ko. Bakit parang naging si Yana ang ugali nito? Naging slow. "Grey Collins, letrang 'C' at tinawag ka na kanina pa"


"Kuya Sean"


"Ano?"


"Parang hindi ko kaya..."


"Anong hindi mo kaya? Huwag mong sabi—


"Hindi ko siya kayang saktan. Hindi ko kayang saktan si Kambal..." napahilamos ako sa mukha. Hindi ko na alam ang gagawin ko dito kay Grey. Sa tuwing makikita niya kasi si Jared, todo titig siya dito at kusang tutulo ang luha niya. Naawa ako. Nangungulila pa rin kasi siya. Pero, dapat sa sitwasyon ngayon, hindi niya pinapairal ang damdamin niya sa pagkawala ni Red. Baka ikapahamak niya lang kung gano'n. "Pucha... Grey, gusto mo na bang mamatay sa sinasabi mo? Lumaban ka!"


"Kapag namatay ako, Kuya Sean. Magkakasama na kami ni Kambal" napahawak ako sa balikat niya at mariin akong tumitig sa kanya. "Paniwalaan mo ang nakikita mo at hindi 'yong talagang alam mo! Huwag kang tanga puwede? May rason ang lahat. Kung alam mo lang..."


"Kung may rason ang lahat... may rason din pala ang pagkamatay ni Red? Gano'n ba ang gusto mong paniwalaan ko? Ang pagkamatay ng kakambal ko ay may rason? So, si Kambal pala ang dapat mamatay? Gano'n ba?" kung puwede ko lang sabihin sa'yo ang nalaman ko, sinabi ko na. Ang kaso, hindi puwede, hindi pa sa ngayon. "Tsk. Lumaban ka na do'n. Napapanuod tayo ni Prince Raymond at kanina pa siguro 'yon naiinip. Kanina pa tinawag pangalan mo at hinihintay ka na sa Devil's ring" tinulak ko na siya papunta sa harapan. Hinawi niya naman ang kamay kong nakahawak sa dalawang balikat niya at sinamaan ako ng tingin. "Igaganti ko si Kambal" sinaluduhan ko na lang siya at magtigil na.


"Boo! Mukhang hindi tatagal itong laban na 'to katulad kanina!"


"That guy looks weak!"


"Patayin mo 'yan Jared!"


"Boo!"


Nilibot ko ang tingin ko. Halos lahat na pala kami ay nakapabilog sa Devil's Ring. At halos lahat rin ay nakatutok sa magaganap na labanan ng dalawa. Marami ang kumakantiyaw kay Grey. Maaaring akala nila ay mahina ang katulad niya. Isang malaking katangahan ang husgahan nila ang katulad ni Grey. Isang malaking pagkakamali na sabihin nilang mahina ito dahil hindi nila alam, isa si Grey sa mga nakapatay sa iba't-ibang Mafia Boss.

The Cold Hearted Gangster (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon