Chapter 16

1.2K 45 12
                                    

-Devil's Pentagon, Bloody Stages-


Third Person's POV


"DA SILVA BROTHER'S IS NOW OUT OF THE GAME"


"What? Wait. Why?"


"Bro, what happened? Why we out of the game?!"


"I don't know... I'm just following you"


"Fuck!"


Halos magtaka naman ang triplets dahil sa narinig nilang anunsyo. Hindi rin makapaniwala ang mga Royalties sa nangyayari kung bakit sunod-sunod ang mga lumalabas sa Bloody Stages at hindi na makakatuloy pa sa laban. Si Ken naman ay umalis para tignan kung may nangyayaring diperensya sa mga makinarya na nasa ilalim ng Devil's Pentagon. Si Marvin naman ay pumasok sa isang pintuan upang sunduin ang Da Silva Brothers at pakalmahin.


"But this is so unfair!"


"Arthryn is still there!"


"I want to protect our Princess!"


"Why we out of the game? We are not informed!" halos mag-alburoto naman sa kakamaktol si Bismuth at tila ayaw pang umalis sa kinapupuwestuhan niyang lugar na kung saan nakikita niya si Arthryn na may tinataguan. Kumaway-kaway pa ito sa dalaga ngunit hindi siya nito nakikita dahil wala na siya sa laro.


Sina Sean at Dominic naman ay tila hindi inaalis ang pokus nila kay Aldrin. Napapamangha pa sila sa mga aksyon ng binata at iba't-ibang taktika sa pakikipaglaban. "Si Agatha! Makakasalubong ni Aldrin si Agatha kapag pumunta siya ng Bloody Blue. Na saan kaya si Damon at hinayaan niyang mag-isa ang nobya niya?" si Sean at kinakabahan sa ano mang mangyayari. Samantalang, malalim naman ang iniisip ni Dominic at hindi nakikinig sa iba pang sinasabi ng katabi.


"I think I got this..."


"What do you mean?"


"Basta. I need some evidence pero kailangan ko pang makasiguro. Baka... baka mali lang ang iniisip ko, e"


"Ano ba 'yon?"


"Someone is hiding and fake"


-Bloody Blue-


Kung sa ibang pinto ay napapaloob ng mga nagbabaga at nag-iinit na paligid, iba naman sa Bloody Blue. Nagbabaga rito ng usok ng yelo, katubigan at mga mababagsik na piranha na talagang mapapalaban ka kapag nakaharap mo sila.


Halos manginig naman si Grey sa lamig. Bukod sa nilalabanan niya ang lamig, nilalabanan niya pa ang mga Piranha na hinahabol siya pati na ang mga Initiates na pinapaputukan siya ng baril. "Fuck you, Piranha," magkakasa pa lang sana ng baril si Grey nang may bumaril na sa mga mababangis na isda na malapit sa kanya.

The Cold Hearted Gangster (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon