Chapter 24

1.2K 40 17
                                    



Jared's POV


Binigyan kami ni Prince Nathan ng limang minuto para i-discuss ng bawat grupo ang gagawing Blood Determination. Nagkahiwa-hiwalay ang bawat trio. At heto nga, magkakatapat kami nina Arthryn at Gray. "Sino ang gagawin nating panlaban sa kalaban at hahatak sa lubid?" ani ni Gray saka tiningnan ang bawat trio na malapit sa amin. Napatingin din ako sa mga trio'ng iyon. Ang tatlong miyembro ng X-Solemnity, sina Kean, Jezreel at Mikee. Hindi ko alam pero sa tuwing mapapatingin ako sa tatlong iyon, kumukulo ang dugo ko lalo na sa tuwing makikita kong sinusulyapan ito ni Gray.


Si Kean Leondrei ang sabi kanina ay siya ang pinakamatanda sa grupong X-Solemnity. At base sa nakikita at naoobserbahan ko sa kilos niya, magaling siyang humawak ng mga matatalim na bagay. Ang bawat pagpilantik ng daliri niya ay may ibig sabihin. Kakaibang bilis at diskarte ang atake ng mga ito. Iyan ang natutunan ko sa Sweden, ang maging alerto sa mga kilos ng nasa paligid ko.


Jezreel Cain Fontellian masasabi kong malihim ang isang 'to. Alam kong hindi lang sa paggamit ng baril siya bihasa.


At ang bumuo sa trio nila, si Mikee Zyrene Sandoval ang lalaking palangiti sa buong X-Solemnity. At nababasa ko sa ngiting iyon ang panlilinlang niya sa kalaban. Kakaiba kung pumaslang. Kakaiba kung paano ka niya aatakihin.


"Lat mig (let me)..." bumalik ako sa huwesiyo nang marinig ko ang boses ni Arthryn. Masama ang tingin na ipinukol niya sa aming dalawa ni Gray na kanina pa pala nakatingin sa kabilang trio. "A-ano sinabi mo Arthryn?" ani Gray saka napapalunok dahil sa kaba kay Arthryn.


"Ako ang gawin niyong panlaban sa mga trio. Kayo ang humawak ng lubid," aangal pa sana ako nang tinutukan niya ako ng kaniyang bazooka. Syet. Tandaan: Bawal galitin ang pangalang Arthryn. "Kaya mo ba sila? Look, hindi ko binababa ang sarili mo Arthryn, I just ca—


"I'm Arthryn Bettina Sembrano... and my surname said that I'm the Princess of Mafia. Soon to be Queen of this Palace." Napataas naman ng dalawang kamay si Gray bilang pagsuko sa mga narinig. Tama nga naman si Arthryn, hindi siya magiging princess ng Mafia kung mahina siya, at mas lalong hindi siya gagawing Queen... kung hindi niya kayang lumaban. "Blood... Blood..." sabi ko saka pinatunog ang mga daliri ko.


HINDI ko alam kung mandidiri ako sa kalagayan naming lahat. At kung bakit tila basang sisiw kami ngayon. Basta ang alam ko lang, maliligo ako kaagad pagkatapos nito."Don't worry about your looks now, Initiates. That is your contemporary defensive armor. At kahit hindi namin kayo lagyan niyan, malalagyan pa rin kayo sa ayaw at sa gusto niyo dahil sa mga mapapatay niyo in the future. Matatalsikan pa rin kayo ng dugo at mas marami pa r'yan." Sa sinabing ito ni Prince Nathan ay natauhan kami. Tama nga naman siya, hindi kami puwedeng umarte sa pagkakataong ito.


Tiniis ko ang amoy na mayro'n ako. Na kung saan binuhusan kami ng tig iisang timbang dugo ng hayop. Hindi lang dugo kundi binuhusan pa kami ng gaas, na nagpadagdag sa masuka-sukang amoy namin ngayon. Pasimple ko pang inayos ang dagger na nasa magkabilang gilid ng bulsa ko saka nag-unat at tumabi kila Arthryn at Gray na nakahanay sa mga kapwa Initiates namin.

The Cold Hearted Gangster (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon