Entry#5

3 0 0
                                    

Tula ng isang Tamad


Tamad ako.

Taong takot mapagpag ang katawan,

May pangambang isipin ang kinabukasan.

Tamad ako, at ito ang tula ko.


Ayoko isipin ang susunod na araw

Ayoko rin maglakas loob gumalaw

Pagkat alam kong wala rin namang titinag

Upang Pilipinas marating ang tagumpay na makislap.


Totoong kasalanan maging tamad,

Katotohanan na sa ating lahat sana'y tumambad,

Nang ako'y manatili na lang nag-iisang tamad,

At 'di na madagdagan pa ng mas maraming kabataan.


Ulit, ako'y taong tamad,

Na hindi niyo dapat tularan,

Dapat ninyong isipin, hinaharap ng bayan

Kahit puno ng kaguluhan at kadiliman.


Para naman sa tulad kong tamad,

Kailan kaya tayo sisipagin manindigan?

Kung upos na ang kandila ng pag-asa?

O kung 'di na tayo takot sa agos ng panahong matindi rumagasa,

Pati sa magulong estado ng ating bansa?

UnleashedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon