Noong unang panahon, Ang mga ninuno natin ay mayroon silang itinatagong sikreto sa kanilang tribo. Ito ay tungkol sa mga aswang na laging sumusugod sa kanilang tribo.(Ewan ko ba kung bakit naging sikreto pa yun eh lagi naman silang inaattack devers...)
Si Datu Puti ang kasalukuyang namumuno noon ng magsimula ang pagsugod ng mga aswang. Siya na rin ang namumuno sa kanyang hukbo upang makipaglaban sa mga aswang.(Syemperss sya talaga ang namumuno sa kanyang hukbo devers...)
Ngunit sa kanilang pakikipaglaban, unti-unti silang napapagod at nauubos kaya nang naisilang ng ika-Limampu't pitong asawa ni Datu Puti ang kanyang tagapagmana ay natuwa siya dahil hindi magtatagal at mamamahinga na rin siya.
-----------------------------------------------------MAKALIPAS ANG 8 TAON------------------------------------------------
Sinanay agad ni Datu Puti ang kanyang anak na pinangalanan niyang Asul (hindi naman siya mahilig sa colorss!) sa kanyang ika-Pitong taon. Ito'y dahilan sa bagong henerasyon na padating.
Sa gitna ng kanilang pagsasanay, Mayroong nag text kay Datu Puti na sumusugod na naman ang mga aswang. Pinauwi niya ang kanyang anak sandali.
"Anak. Umuwi ka muna sandali may aasikasuhin lng ang iyong ama. Iniwan ko pala dun yung aking IPAD. Mag CandyCrush ka muna ngunit pagiingatan mo ang IPAD ko ha. Sige na patay na ata mga kasama ko." Sabi ni Datu Puti
"Opo Ama" ang tanging nasagot ni Asul.
Makalipas ang isang oras, si Datu Puti ay umuwing sugatan kaya't pinagpahinga siya. Napansin ni Asul ang Cellphone ng kanyang ama sa sahig at nabasa niya agad ang mga salitang ito: "Where na U? Patay na me! Ang mga aswang ay paparating sa bahay nyo!"
Nagulat si Asul dito kayat dali-dali siyang tumakbo sa bundok ng Churva at nagdasal doon.
"Mga Anito't Diwatetch! Patawad, sapagkat ako'y makasalanan. makasalanang nilalang. Sorry po dahil hindi ko po na amin itechh sa Pudrakels ko. Na bakla aketchhhhh.! Sana po ay matulungan nyo aketch sa pagligtas sa Mudra at Pudra ko. Hashtag Crying na po aketchhh!"
Ang hindi niya alam na may diwata sa mismong tabi niya at narinig ang kanyang panalangin (Syempre maririnig ksi katabi lng!)
Nagpakita ang diwata kay Asul pagkatapos ng 1 minuto.
"Hoy Baklechh! Ako si Diwata Juding. Narinig ko ang iyong panalangin kaya't bibigyan kita ng sandata na maaari mong gamitin laban sa mga aswang na yannn!!"
"Talaga po?!" ang sagot ni Asul.
"Serious akechhh sa sinabi koo!!" Sabi ni Juding nang biglang nagkaroon ng lumulutang na bagay sa harap ni Asul.
"Aray na hu-hurt akechh sa ilaw! AYYY!!" sigaw ni Asul
"Eto na ang regalo ko sayechh bakla!" pinalapit ng diwata ang bagay na lumulutang kay Asul "Ito ang Bakal na................................................................................................................................................HAIRBLOWER!!!"
Nagpasalamat si Asul sa diwata ngunit bago siya umalis ay mayroon siyang sinabi...
"Wait po!!" "Bakit??" "Selfie po tayo saglit gamit ung IPHONE 8Z ko"
Pagkatapos noon ay umuwi na si Asul at ginamit ang hairblower. Ang bakal na hairblower ay nagiging apat na sandatang pang laban. Sa mga sumunod na henerasyon ay nagpasalinsalin ang hairblower sa anak ng tagabantay. Ang mga sandata ay naipapalabas sa bawat henerasyon. Ang Apat na sandata ng Bakal na Hairblower ay ang: Espada ng Kaharutan, Pana ng Kaekekan, Latigo ng Kabaklaan, at ang Sibat ng Kalandian. Eto ay naipasa hanggang sa kasalukuyan sa isang lalaking tagabantay na nagngangalang Juan Dela Cruz.
BINABASA MO ANG
Juan[a]
Historical FictionSi Juan[a] ay nabuhay sa biruan nmin ng ate ko. Sorry kay Juan Dela Cruz. *ft. Ate