18 na si Juan[a]!

13 0 0
                                    

"Tay... Bakit hindi ko pa rin pwede gamitin ang bakal na krus? 18 na naman ako ha." Tanong ni Jr.

"Kasi 21 ang debut ng lalake! Hindi 18!!!"

"Huh? Ano connect nun sa tanong ko tay?" Tanong ulit ni Jr.(Juan[a])

"Jr.! lalaki ka... diba?" Tanong ni Juan kay Juan[a] habang nakangisi.

"sy-sye-syempre naman tay!" nanginginig na sagot ni Juan[a].

"Goooooodd!" Sabi ni Juan.

"Wew..."

"May sinasabi ka ba?"

"Huh?! Wala po." Sagot ni Juan[a].

"Tumigil na kayo diyan at kumain na." Sabi ni Rosario.

"Tara tay!' Nagpunta na sa hapagkainan ang buong pamilya at sabay-sabay silang kumain. Pagkatapos nila kumain ay nanood ng television ang mga magulang ni Juan[a].

"Got to Believe na Jr.!! Hindi ka ba manonood?"

"Susunod na po ako!" Sagot ni Juan[a] habang sumisilip sa sala nila. Nang makita ni Juan[a] na seryoso sa panonood ang kanyang mga magulang, Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa kwarto ng kanyang mga magulang. Nang makapasok na si Juan[a] ay sinimulan na niyang hanapin ang bakal na krus.

"Hayy Kainis naman itech." pagkasabi ni Juan[a] ay napatingala siya dahil nangawit na ang kanyang leeg. Saktong nakita niya ang bakal na krus sa kisame at dali-daling naghanap ng paraan para makuha ito. Sinubukan ni Juan[a] na talunin ito ngunit hindi niya maabot. Sinubukan niya ring tumungtong sa upuan ngunit hindi niya pa rin makuha.

"Panu kaya itechh!" sabi ni Juan[a]. Nag-isip si Juan[a] ng mabuti at sinubukan niyang alalahanin kung paano kinukuha ng tatay niya ang bakal na krus.

Matapos mag-isip ng halos 10 minuto ay na-alala na ni Juan[a] kung paano ito kinukuha ng kanyang ama. Na-alala niyang tinututok ng kanyang ama ang kamay niya sa bakal na krus at kusa na itong lumalapit sa tagabantay. Dahil dito sinubukan niyang itutok ang kamay niya sa bakal na krus at naging matagumpay ito. Kaso may iba pang nangyari. Laking gulat niya ng biglang naghugis HAIRBLOWER ang bakal na krus.

(Hala! Baka alam ng bakal na krus ang kasarian ng tagabantay na humahawak!) Naisip ni Juan[a] bigla.

"Hindi-hindi, imposible iteccchhh." pabulong na sinabi ni Juan[a].

Pagkatapos niyang sabihin ito ay dali-daling ibinalik ni Juan[a] ang bakal na............EWAN! sa kisame at umalis ng dahan-dahan. Bumalik si Juan[a] sa kwarto niya-- kwarto niyang may computer na nakapwesto sa pader at isang kamang maliit at sa kabilang side ng pader naman ang kanyang cabinet na may salamin. Meron din siyan sikretong baul na punong-puno ng pictures nila Enchong Dee, Xian Lim, Jake Cuenca, at kung sinu-sino pang ibang lalaking artista (mapa shirtless photos pinatulan niya XD)-- at iniisip pa rin ang pagbabagong anyo ng bakal na hair blower, krus, hair blower, krus, hair blower, EWAN!! Dahil dito napagdesisiyonan niya ng aminin ang totoong siya sa mga magulang niya bago pa mahuli ang lahat.

---------------------------------------------------------KINABUKASAN---------------------------------------------------------

Juan[a]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon