"Mudra, Pudra... Becki po akech" sabi ni Juan[a].
"Matagal na naming alam yan anak."
"Huh? paano po?" tanong ni Juan[a].
"Sa Facebook." "Sa Twitter." "Sa Tumblr." "Sa Yahoo." "Sa Deviant art." "Sa Youtube." "Sa radio." "at sa It's Showtime!" tuloy-tuloy na sagot ng nanay at tatay niya.
"Kung ganun po pala wala na po akong dapat alalahanin." sabi ni Juan[a] ng nakangiti.
"Akala mo lang Jr.!" sabi ni Juan. "Pumasok ka ba sa kwarto namin kagabi?!" tanong ni Rosario.
"Hindi po... Opo." "Sabi na eh. Kinuha mo ang bakal na krus kagabi." sabi ni Juan.
"Pano niyo naman po nalaman?" "Dahil naging HAIR BLOWER ang bakal na krus." (Naiwan ko palang ganun yun.)
"Hehe. sorry. kasi naman pudra ehh! Ayaw niyo po ipa-touch sa kin yun."
"Kasi sa debut mo pa dapat hawakan yun. Pag 21 ka na." sabi ni Rosario.
"Eh diba po pinahawak na sakin yun nung totoy palang mee?"
"Teka hindi ko alam yun ha! Juan meron ka atang hindi sinasabi sa kin!" sabi ni Rosario.
"Sorry bebe nakalimutan kong sabihin sayo eh. hehe" sagot ni Juan.
"Che! nagsisikreto ka na naman sa kin!" sabi ni Rosario. Nag-aaway na naman ang dalawa at dahil sa pag-aaway nila hindi na nila napansin na nakalabas na ng bahay si Juan[a].
"La-lala-lala-lala ~" habang nag lalakad si Juan[a] papuntang computer shop. Nung araw na iyon sobrang saya ni Juan[a] dahil naramdaman niya na malaya na siya sa sikreto niya. Yung parang kay Charice ba."Iiiii...aaamm...freeeee." sabi ni Juan[a] habang nagpo-post ng status sa fb. Pagkapost niya, wala pang 1 minuto ay may naglike na at may comment pa!
FRANCE MARTINEZ: Bakit free? :D-- Si FRANCE ang crush ni Juan[a] simula noong bata pa sila-- kinilig ng todo si Juan[a] sa nabasa niya. Dahil dito dali-dali binuksan ni Juan[a] ang chatbox nila at nagsimula magtype. "Heee...looooww..." habang nagta-type si Juan[a].
JUAN DELA CRUZ II: Hello.
FRANCE MARTINEZ: Hi :*
Nang mabasa ni Juan[a] ang reply ni France, parang nagkaroon bigla ng romantic music sa paligid ni Juan[a] at pakiramdam niya ay nakahiga siya sa bed of roses. Biglang nag pm ulit si France.
FRANCE MARTINEZ: hahaha joke lng tol! XD
Nang mabasa niya ito, parang nagbago ung bed of roses niya. Parang puro tinik na lang wala na ung rose. At nag-zoom ng paulit-ulit sa mata niya yung tol.
FRANCE MARTINEZ: oh bat wla na reply?
JUAN DELA CRUZ II: ay sorry. tungkol pla dun sa pinost ko n 'I am free'...
FRANCE MARTINEZ: ano meron dun? wag mo sabihing nakulong ka XD
JUAN DELA CRUZ II: ndi ahhh.
FRANCE MARTINEZ: oh baka naman nagladlad ka na XD
JUAN DELA CRUZ II: ndi bliw
(hala baka alam niya! baka napadaan siya sa bahay habang umaamin akechhh waaaaaahh! Pataay na mee!)
BINABASA MO ANG
Juan[a]
Historical FictionSi Juan[a] ay nabuhay sa biruan nmin ng ate ko. Sorry kay Juan Dela Cruz. *ft. Ate