Chapter 5
Nathan's POV
Matapos yung nangyari kanina, napagpasiyahan naming wag na lang munang pumasok dahil for sure manggugulo lang yun sa klase dahil sa nangyari kanina. Eto naman kasing magaling kong kakambal, pinairal na naman ang kamalditahan niya, yan tuloy.
Kasalukuyan nagbabato ng kung ano-anong gamit si Ethan, dito sa kwarto namin sa ARC, bigay ni Mom. Alam niya kasi na gangster kami at kalat yun sa Academy. Ewan ko kay Mom, Hideout daw, hahaha.
Hays nako. Sira na naman ang mga gamit dito, bibili na naman kami ng bago. Ganyan yan si Ethan, palibhasa mayaman kaya kung ano-ano na lang yung sinisira. Daig pa ang babae sa pagsisira ng gamit. Hahaha, diba ganon sa mga telenobela, pag galit yung babae, nagtatapon ng gamit?
"Oooooppps! WAG YAN UNO! Di ko pa tapos yung Project ko eh, Please lang" sabi ni Steve at humarang pa sa working station niya ng muntikang masuntok ni Uno yung Computer at Laptops niya.
"Aaaaarggh! Nakakainis!" sigaw ni Uno sabay labas.
"Uwaaah! Muntik na yun ah!" ani ni Steve
"Buti na nga lang eh napigilan mo, hahaha" sabi ko.
"Kita mo 'tong mga 'to, mga walang pakialam. Nagwala na at lahat-lahat si Uno eh." Sabi ni Steve. Pano ba naman eh si Neilson ay nakaheadset lang tapos etong Blaire e, tulog. Walanjo.
"Hay nako. Hoooy, umalis na si Uno kaya tama na yan!" baling ko sa dalawa. Ngayon na lang ulit naging ganun si Ethan, simula nung.. Oo nga pala, ayaw niyang pinaguusapan yon. At akalain mo nga naman, kakambal ko pa ang dahilan.
Ethan's POV
Tanginang babae yon! Hindi niya kilala ang binabangga niya. Bakit siya ganon maka-asta. Hindi ba siya nagwa-gwapuhan sa akin. Akala niya ba uurungan ko siya. Tss, sa sobrang galit ko, ayon nagkasira-sira na naman gamit namen sa Hide out.
Lumabas na lang ako kaagad kasi baka hindi ako makapagtimpi pati sila Nathan masuntok ko. San naman ako pupunta na ganitong kaaga. Mas maganda pa pala na pumasok na lang kami eh. Tsk. Panira kasi ng araw yung babaeng yun. Kainis. Hindi niya ba alam na ako ang nagmamay-ari ng Parking Space na iyon. Sa tagal-tagal ko dito sa ARC, Wala ni-isa na nag papark dun, kung hindi ako lang.
Naglakad-lakad nalang ako at nakarating ako dito sa Garden ng ARC. Maraming puno dito tapos merong ding Gazebo dito. Payapa ang langit, tahimik at naririnig kong humuhuni ang mga ibon. Kahit minsan masarap ring natatahimik ang buhay mo katulad na lang nito.
Umupo na lang ako sa upuan sa may Gazebo. Naaalala ko na naman siya. Bakit ba dito ako dinala ng mga paa ko? Gusto ko na nga siyang kalimutan eh. Bakit ba hindi ko siya kayang kalimutan? Yun na lang yung tanong na parating umiikot sa utak ko. Bakit niya ako iniwan? Akala ko pa naman iba siya sa lahat? Akala ko.. Akala ko. Ah, Sabi nga nila maraming namamatay sa maling akala. Tatlong taon niya akong ginago at nagpakatanga sa kanya.
Bakit ba kasi? Wala naman akong ginawa sa kanya. Pero bigla niya na lang akong iniwan ng walang pasabi.
Pinunasan ko nang likod ng aking palad yung luha na pumatak sa aking mga mata. Naalala ko na naman siya! Ilang taon niya na rin akong iniwan, Pero bakit Mahal ko pa rin siya. Bakit mo ba kasi ako iniwan?
Nakakainis ka naman eh. Kapag bumalik ka, tatanggapin pa rin kita ng buong-buo. Kaya kong kalimutan ang nakaraan, kaya kong kalimutan ang sakit na pinaranas mo sa akin, balikan mo lang ako.
Nathaniel's POV
Dahil sa inis ko, pumunta nalang ako kay Mom dun sa Mansion niya. Matapos ang ilang minutong pagdadrive, nakarating na rin ako. Automatic na nagbukas ang gate ng Mansion at nagdirediretso na ako ng pagpark.
Pagkalabas ko ng kotse ko, pumasok na ako sa loob ng Mansion at hinanap yung Private Room ni Mom. Pssh, hay nako. Pahirap naman kasi, ang laki kaya nitong Mansion, sa limang taon ko sa ibang bansa nakalimutan ko na kung saan yung Private Room ni Mom.
"Alam ko may pipindutin dito eh, hm, san kaya yon" sabi ko sa aking sarili. Narito ako sa 2nd Floor paikot-ikot at nakapa sa mga dingding. Haynako, nasan ba kasi yon! Naiinis na akoo, aaargh!
Pagkatapos ng kalahating oras sumuko na rin ako sa kakahanap sa kwartong iyon at tinawagan si Mom, para tanungin kung nasan yung Private Room niya.
~Calling Mom~
(Hello, Baby? Bakit ka napatawag may kailangan ka ba?)
"Mom, where is your Private Room? I can't find it."
(Ay, hehe. Baby, nasa Mansion ka pala? Ba't dka nagsabi sa akin na pupunta ka pala?)
"Mom, just tell where is that room. Im so pissed of na. Tsk"
(Baby, wag mo munang hanapin yung Private Room kasi may pinapagawa ako dun eh. Hindi pa ayos sa loob tsaka madami pang kalat. Marami akong tinapon na files na hindi na kailangan)
"*sigh* Okay Mom. Next time na lang"
(Okay, Sige Baby. Ingat ka ah? I love you baby)
"Love you too Mom"
~Call Ended
Hay nako. Nakakainis ha! Bakit ba parang may tinatago sila sa akin! Tsk. Kahapon si Nathan, ngayon naman si Mom?
Pssh! Malalaman ko din kung ano yung tinatago niyo sa akin.
Dahil sa dissapointment ko, bumalik na lang ako sa aking pad.'Bakit ko nga ba naisipang pumunta sa Private Room?'
Maaga pa ang pasok ko bukas. Kaya't nagpahinga na ako.
3rd Person's POV
Nakaupo ang isang lalaking nakasuit sa swivel chair niya at nakatingin sa bintanang nasa likod niya. Pinagmamasdan niya ang isang napakataas na building na tila umaabot sa langit. May naiwan na ngisi sa kanyang mga labi habang tinitignan ito.
"Balita ko nandito na sa Pilipinas ang anak ni Nikolai Ordonez?" sabi ng lalaking nakasuit. Kinakausap niya ang lalaking tauhan niya.
"Opo Boss, ano pong gagawin naten? Kikilos na po ba tayo?" sagot naman nito na tila nagaalangan.
"Wag muna! Hayaan muna natin silang magpakasaya. Ipalabas natin na walang kontrabida sa buhay ng mga bida." makahulugang sabi ng lalaking nakasuit. Malaik pa rin ang ngisi nito sa mga labi, at tila gustong humalakhak ng pilit.
"Sige boss. Balitaan niyo na lang po ako kung gusto niyo ng kumilos.""Ipaalam mo sa akin ang lahat ng ginagawa ng batang babaeng Ordonez. Pwede ka ng umalis." patapos na sabi ng lalaking nakasuit sa kanyang tauhan. Iyon ang naging hudyat ng tauhan para lumabas sa opisina ng kanyang Boss.
"Ihanda niyo na ang angkan niyo kasi kaya ko kayong ubusin gamit lang ang mga kamay ko"
A/N
Kamusta si Ethan na sawi at Chapter 5 palang may gusto na agad maghiganti? Hahahaha. Ang taray. 😂😂
Keep Supporting. Vote. Comment and Be a Fan :)
BINABASA MO ANG
Cast-Away Heiress (On Going)
AdventureAshley Nathaniel Ordonez, a hard-headed. A snob. A strong one yet fragile. Cold as ice. She feels no love and care, except a love and care of her family. She wants to protect her family. She wants to rule the Black Org. Ethan Ghio Marasigan, a heart...