Chapter 4: Encountering them

67 7 0
                                    

Era's Note:

Medyo lame guys, so sorry. Sabaw pa utak ko kasi kakatapos lang ng Exam namin, hahaha. Pagtiyagaan muna natin 'to. Hanggang dito lang ang kinaya eh. Bawi ako next chapter :) Vote and Comment po, pampasigla :D

****

Chapter 4

Nathaniel's POV

Lunes ngayon at kailangan ko ng maghanda dahil pinasok ako ni Mom sa Angel Royalties Academy. Isa ang ARC sa pagmamay-ari ni Dad na ipinamana pa sa kanya ni Lolo. Pero ngayon si Mom na ang nagaasikaso nito. Dahil sa sitwasyon ko ngayon, pinakisuyo ko na lang kay Mom na iprivate ang Background Information ko sa School. Tiyak na ganun din ang gagawin ni Biancx kaya pati sa kanya ipina-private ko na din. Tanging pangalan lang namin ang nakasulat sa information. Sumakay na ako kay Giaa at nagdrive patungo sa ARC.

Hindi alam ng mga staff at estudyante dito na may isa pang anak ang may-ari nitong Academy. Tiyak na ang kilala lang nila ay si Nathan. Nagpark na ako sa may Parking Area, bali dalawa ang Parking Area dito, yung may sign na 'S' ay ibig sabihin specialized lang iyon para sa mga anak ng mga stockholders ng ARC at mga mahahalagang bisita. Ang pangalawa naman ay may sign na 'A', dun naman ang Parking Area ng mga ordinaryong estudyante sa ARC.

Pagkatapos kong ipark si Giaa, bumaba na ako at napansin ko na may kotse sa likuran ni Giaa, sa tingin ko magpapark sana siya sa pinagpark-an ko. Tss.

Nakatayo lang ako at hinintay siyang bumaba. Manigas siya, ako nauna.

"Hoy, babae hindi mo ba ako kilala?" Anas niya. Sino ba to? Hindi niya rin ba kilala kung sino ang nasa harap niya. Ha! Kung alam mo lang.

"Ano sa tingin mo?" Aniya ko naman habang nakangiti ng nakakaloko.

"Hindi mo ba alam na akin yang area na pinagpark-an mo!?" pagalit niyang sabi, Dahil sa pagsigaw niya, karamihan sa mga estudyante ay napapatingin na dito, gawi sa amin. He's making a scene!

"Eh, ano naman ngayon?" Pa-ismid kong sabi sabay roll-eyes. Tss, akala niya lilipat ako! Hindi ano!

"Sinusubukan mo talaga akong babae ka!" ani niya at akma niya akong sasampalin. "Ethan! Wag!" Phew, salamat sa kapatid kong si Nathan. Akala ko mapapaaway na ako ng tuluyan eh.

"Bakit mo ba ako pinigilan Nathan?! Bitawan mo nga ako! Aaargghh!" sabi ni Ethan ba yun?

"Sinasayang ko lang ang oras ko sa inyo*sigh*. Pwede na ba akong umalis?" kalmado kong sabi sa kanila.

"You may go" ani ni Nathan.

Pumunta na lang ako sa bigay ni Mom na section. Sigurado akong Star Section 'to. 4-Asteri, Hm. Nang nasa harapan na ako ng Room namin eh, kumatok lang ako at sabay bukas ng pinto. Lahat sila nakatingin sa akin. May mali ba sa mukha ko? Wala naman siguro. Napadako ang tingin ko malapit sa may bintana, naroon pala si Bianca at nangiti. Mayroon na palang guro sa harapan. Sa tingin ko'y nagdidiscuss na siya, pssh. Nakasuot siya ng unipormeng pang guro at nakasalamin na nakakapandagdag sa kanyang kasungitan, ngunit di mo makakaila na siya dalaga pa. Si Ms. Dizon.

'Uy, ayan yung nakaencounter ni Prince Ethan dibeey?'

'OO, Walanghiya siya, pinahiya niya ang Prince natin'

'Sino ba yang Slut na yan'

'Nagpapapansin lang siguro yan kay Prince Ethan'

'Naku, sinabi mo pa'

Ayan yung maririnig mong bulong-bulungan ng mga magiging kaklase ko. Aissh, Big deal ba yung pag sagot-sagot ko sa Ethan na yun.

"Ehem" tikhim ng aming guro "You can introduce yourself now" may pagngiti niyang sabi.

Naku! Ang Bipolar ng teacher namin. Pumunta na lang ako sa gitna at nagsalita. "I'm Ashley Nathaniel Ordonez" maikli kong sabi at ngumiti ng tipid.

Pagkatapos kong magpakilala, umupo na lang ako sa likuran ni Biancx na malapit sa may bintana. Tumingin sa akin si Bianca at nakikita ko sa mata niya na sinasabi 'Meron kang ikukwento sa akin! At kapag hindi mo kinwento, Lagot ka sa akin!' Tumango na lang ako at tumingin sa may bintana.

Makalipas ang ilang oras at natapos ring magdiscuss si Ms. Dizon. Naglabasan na ang aking mga kaklase at talagang pinaguusapan nila yung nangyari kanina, kahit alam nilang naririto ako. Kainis! Dibale, Hayaan na nga sila.

"Ang lalim yata ng iniisip mo, Thaniel?" ani Bianca.

"Wala 'to Cousz, Libot na lang kita here sa Academy"

"Talaga Cousz?! Yeeeeey! Kanina ko pa hinihintay yan eh, hihihi. Tara na't maghanap ng Boys!"

"Pssh, Boys ka diyan." sabi ko at at bigla ba naman akong hinila palabas. Natatawa na lang ako sa ka-chilishan ni Bianca.

Habang naglilibot kami paikot dito sa Academy, napagpasyahan namin na magpahinga dito sa may field. Maya-maya, tumawag ang Mom ni Bianca at nagpapasundo sa kanya. Nagmasid-masid na lang ako, sadyang malilim rito at magandang pagtambayan, pwede ka pa ngang humiga sa mga damo rito kung gugustuhin mo.

Maya-maya naramdaman kong may nanabunot sa akin at ang akala kong isa, the hell. Tatlo sila. Damn ang sakit ah!

"What the fuck, the three of you! what is your problem?!" inis kong sabi habang sinasabunutan parin nila ako. Tangina.

"Anong what is your problem-what is your problem ka diyan? Ikaw ang problema ko! Anong karapatan mong ganunin si Prince Ethan?"

"Ano ba, bitiwan niyo na nga ako. Nabuwisit na ako sa inyong tatlo ah!"

"Siguro, isa ka sa malalanding gustong landiin ang Prince Ethan ko kaya ka ganyan. Such a slut"

"Oo nga" sabat ng dalawa niyang bubwit.

"Punong puno na ako sa inyong tatlo ah!" sabi ko sabay hawak sa hita nung isang babae na madakdak at hinila ko iyon para mapahiga siya at makabitiw sa precious kong buhok, yong dalawa namang bubwit, hinatak ko rin yung magkabila nilang paa, dahilan para ma-out of balance sila.

Inayos ko muna yung buhok ko na tiyak madaming nalagas dahil sa kakasabunot nung tatlong malandi. Napatingin ako sa paligid ko, daig pa may battle ah!

"Kayong tatlo nakakabwisit kayo anoh! Why so big deal na nakipag away ako dun sa Ethan na yun, Sino ba siya! Wala akong paking malaman, Kaya tigil-tigilan niyo ako sa kakaganyan niyo sa akin kasi I DON'T CARE! Kung gusto niyo, saksak niyo sa Fallopian tube niyo! Para walang ibang makausap." Inis na inis kong sabi sa kanila. Aaargghh!!

I HATE YOU ETHAAAN! Kung sino ka mang lalake ka, You just ruin my day!!

Pagkatapos ko makipagaway sa mga babaeng yun, nagdrive nalang ako pauwi sa pad ko. Nakita ko na ang dami kong kalmot sa mukha dahil sa kagagawan nila.

'Pasalamat kayo at hindi na ako katulad ng dati. Pero pag napuno ako sa inyo, Ipapakita ko ang tunay na ako.' sa isip-isip ko.



Cast-Away Heiress (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon