Chapter 2 - Weird Feeling

36 6 0
                                    

Maryleigh Rosario’s POV

“Now, you're fully mine.”

Patuloy na paulit-ulit sa utak ko ang mga salitang ito.

Totoo ba ’yung mga nangyari kagabi? Bakit wala man lang akong sugat sa leeg? Bakit pag-kagising ko ay nasa-apartment agad ako? Bakit walang dugo ang damit ko? Bakit hindi ako basa na gawa ng ulan? Ang dami kong katanungan sa isip ko.

Kung panaginip iyon, bakit ramdam ko pa din ang mainit niyang halik?

Napahawak ako sa labi ko. Malambot at mainit ang kanyang labi.

Napasampal ako sa sarili ko.

Ang landi mo Maryleigh! Hindi mo nga alam kung totoo ’yon!

Pero letche! Kinikilig ako! Argh!

“Ms. Rosario, are you listening?”

Huhuhu, punyetang bampira ’yon! Pero sana totoo. Hehehehe.

Damn.

Ano ba ’tong mga pinag-iisip ko?

“Ms. Rosario!”

Tiyaka kung panaginip din iyon, bakit may mga bakas ng dugo sa bintana ko?

Napakunot noo naman ako.

Ibig sabihin din ba non ay totoo iyong panaginip ko? O imagination ko lang?

Iyan kasi Maryleigh! Na-adik ka na sa mga fantasy novels and movies!

Huhuhu, kasi naman eh! Parang ang saya kasi pag-nagkatotoo iyon. Pero iyon nga, mapanganib.

*Boogsh!*

“Wahhhhhh!” Napatalon kong sigaw dahil sa gulat.

Harujusmiyo.

“Ms. Rosario!” Wah! Si ma'am pala ’yung nagbato ng eraser ng black board!  Huhuhuhu.

“Y-yes ma'am?” Kinakabahan kong sambit.

Ma'am Katakutan is one of our strict teachers, well, child abuse is not in her vocabulary. Kaya, nananakit talaga iyan.

“Are you listening?!” Galit niyang sigaw.

Tumango naman ako. Totoo naman na nakikinig ako eh! Bigla lang ulit pumasok sa utak ko ang mga sinabi niyang iyon!

Lumapit naman siya akin dala dala ang mahaba niyang stick na ginagamit niyang pamalo.

Oh-ow...

“No, you're not so I'll punish you!” Ihahapas na sana niya ’yung stick niya sa akin pero mabilis ko itong nahawak at tinapon palabas.

Sinamaan niya ako ng tingin pero ako tumingin lang ako sa kanya ng walang emosyon, “Who are you to do that?!”

She tried slapping me, pero nakuha ko agad ang kamay niya.

“Ma'am, I know this is disrespectful for old like you. Pero hindi nanamin kaya ang pananakit mo! And who are you also to hurt us? You're just a teacher! Hindi ikaw ang magulang namin para pagalitan o saktan kami! Your role is to teach us! Hindi para saktan kami! If this is your way of teaching, I'm so ma'am but mukhang hindi ka bagay mag turo. Yes, you're great at teaching pero kung pananakit ang way mo para mapatino ang estudyante, you'll give us a trauma! You don't know that? Bea Alonzo is one of the victims of yours! You noticed that she's not attending your class for almost 5 months? Because she got traumatized and that's your fault!” Seryoso kong sambit dito.

Natahimik siya, pati ang iba kong kaklase.

Pero onti-onti ding nag-ingay ang mga kaklase ko.

“Oo nga! Sawa na kami!”

“Lagi na lang namin tinatago ’yung mga pasa sa parents namin!”

“Bad ka!”

“We hate you!”

“Maryleigh is right! You better stop teaching if that's your way of teaching!”

Nakita ko kung paano umiyak ang guro namin at lumabas ng silid-alaran.

Noong nabalik ako sa aking sarili ay napa-upo ako at dumukdok sa upuan ko.

Mali ba mga sinabi ko?

Hindi naman hindi ba? Kasi pinaglaban ko lamang ang tama, hindi porket matanda siya at wala kaming modo, hindi pa din tama ang pananakit ng estudyante. Tao din naman kami, nakakardam ng sakit.

“Wahhhhh! Mary! thank you!” Napa-angat naman ako ng ulo ng marinig ang kaklase ko na sinisigaw ang pangalan ko.

Thanking me?

For what? For making our teacher cry and leave the campus?

Oo, aalis siya. I don't how but, today, when I woke up I'm starting to see the future or some scene that will happen. I can also predict what will happen next, and that's weird.

*Kringggggg!*

Break time na pala.

Tumayo na ako at pinauna munang pinalabas ang mga kaklase ko para hindi siksikan.

“Mary! Ang galing mo kanina! Hero ka namin!” Yakap na sigaw sa akin ni Pauline. She's my bestfriend, pero minsan bitchesa din siya. Hehehe.

Tinampal ko siya ng mahina, “Aalis na kaya siya ng campus.”

Napatingin naman siya sa akin na tila nag-tataka, “Huh? Paano mo naman nalaman?”

Nagkibit balikat lang ako. Baka kasi pagkamalan niya akong baliw kapag sinabi ko na nakikita ko ang hinaharap.

“Hayst! Baliw ka talaga, halika na nga sa canteen! Mamaya maubusan nanaman tayo ng salad doon!” Then kinaladkad niya ako.

Kaladkarin ba ako? Nakakaiyak.

“Salad? Ano ba 'yan,” Reklamo ko.

Para kasing ayaw na tiyan ko sa mga gulay. Ewan ko nga eh, mas maging weird ako. Oo, weird ako at mas naging weird pa.

“Eh ano gusto mo?”

Napatigil naman ako sa paglalakad at biglang lumabas sa utak ko ang imahe ng dugo na nakakalat sa paligid.

Bigla akong napangiwi ng maramdaman ko panunuyo ng lalamunan ko, kanina pa ito pero ngayon ko lang ulit naramdaman.

“Dugo...” I nonchalantly said.

Napakunot noo siya, “Teh! Haler! Wala pong betamax dito! Bawal street foods dito oy!”

Napanguso naman ako.

Bakit?!

Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin sa dugo eh.

“Halika na nga! Meat naman tayo, tignan mo oh. Namumutla ka na.”

She's true, namumutla nga ako. Kanina ko lang ito napansin pagkagising ko. Maraming nag-bago sa akin kanina lamang. Ang mata kong parang buhay na buhay na ka-kulay ng dagat ay parang naging patay dahil nag-dark ito.

Kung totoo man ang nangyari kagabi, maaring patay na talaga dapat ako ngayon, pero binuhay niya lang ulit ako.

Dapat ba akong mag-pasalamat sa kanya? Kung sa akin kasi, dapat hindi na ako dapat mamuhay sa mundong ito dahil wala nanaman saysay ang aking buhay. Wala ng nagmamahal sa akin. Wala na akomg pamilya. Wala na lahat. Ako na lang ang bumubuhay sa sarili ko sa murang edad pa lamang.

Minsan iniisip ko, bakit ako iniwan ng mga magulang ko? Bakit hindi nila ako hinahanap? Sinubukan ko ng magtanong tanong kung may pinaghahanap bang bata na asul ang mata dati pero, wala. Ni-isa wala.

Ano kayang balak ng diyos sa akin? Lalo na siya ?

Napaka-gulo talaga ng buhay ko.

Sana na ’wag na lalong gumulo.


He's The Vampire Prince  (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon