Baliw noon
Paano ba nila nasasabing baliw ang isang tao? Kapag kinakausap niya ang sarili niya? Kapag kakaiba ang ikinikilos niya? Kapag ginawa niya ang hindi ginagawa ng normal na tao?
Pero iba na ang depinisyon ng salitang baliw ngayon. Kapag sinabihan ka ng baliw ibig sabihin malakas ang trip mo.
Baliw ang tawag sa akin noon dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari sa buhay ko. Kahit na hindi naman talaga ako baliw ay iyon pa rin ang tingin ng karamihan sa akin.
Alam ko naman sa sarili kong hindi ako baliw pero ngayon naguguluhan ako.
Kasalanan niya ito.
Sinabunutan ko ang sarili ko dahil hindi ko na talaga maintindihan.
Baliw na ang tingin niya sa akin at kung malalaman niya ang mga gumugulo sa isip ko ay siguradong mas malala ang magiging tingin niya sa akin.
**
Nababaliw ngayon.
I did my best para lang mawala ang nararamdaman ko sa kanya. Akala ko okay na ko pero akala ko lang pala 'yon.
Noong mga panahon na wala siya ay inabala ko ang sarili ko sa mga bagay na makakapagpalimot sa kanya. Hindi madali dahil lahat ng mga kaibigan ko ay siya ang bukam-bibig. Pilit kong tinabunan ang nararamdaman ko pero noong nakita ko ulit siya ay muli itong umusbong.
Pero may mali. May kakaiba sa kanya. Hindi ko siya maintindihan o mas magandang sabihin na ayokong intindihin dahil natatakot ako… natatakot na kapag naintidihan ko ang pagbabago sa kilos niya ay siguradong nababaliw na ang magiging tingin sa akin ng kapatid at kaibigan ko.
***
Sira ulo.
Hindi ko alam kung ilang beses ko nang narinig iyon sa isang tao na kilala ko. Well… I can't blame her. Hindi niya kasi ko maintindihan. Kahit naman ako hindi ko maintindihan ang sarili ko.
Siguro nga sira ulo ako. Dahil matapos kong saktan ang babaeng mahal ko ay gusto ko siyang bumalik sa akin. Umaasa pa rin akong babalik siya kahit na ilang beses ko siyang tinaboy palayo sa akin.
Alam kong hindi dapat ako umasa pero iyon lang ang pinanghahawakan ko para mabuhay… siya lang.
---
Oh di ba! Haha sorry na agad. Wala talaga ko wenta gumawa ng prologue.
Notice: slow update ito!
BINABASA MO ANG
Crazier In Love
RomanceMy Crazy Girl Book 2 Read n'yo muna ang My crazy girl para masaya. Vote and comment na din (pasimpleng plugging) Rixie had to leave the country para maka-move on at magpagaling. Ang huling balitang natanggap ng mga kaibigan niya ay dinala siya sa is...