Isang pares ng mga mata ang ramdam kong kanina pa nakamasid sa akin. Buhat ko ang natutulog na si Calvin at pasimple akong tumingin sa kanya. Mabilis na umiwas ang mga abong mata niya.
"Common sense! Common sense!" biglang sabi ni Jj kaya napatingin ako sa kanya. "Obviously, hindi niya anak 'yan. Eight months lang wala si Rixie at hindi mukhang bagong panganak 'yang baby." paliwanag niya.
"Imposibleng ampon 'yan. How come na kamukha niya?" tanong ni Gabriel.
Hindi ko alam kung paano sasabihin at hindi rin kasi ako makasabat sa kanila.
"Baka nagkataon lang." sabi ni Jasper.
"Why don't we just ask, Rixie?" tamad na tanong ni L.
"Ang totoo kasi niyan hindi ko anak si Calvin. Anak siya ni—" naantala ang sinasabi ko dahil sa isang tili.
"Aaattteee! Omg! I heard it!" hysterical na sabi ni Ashley at natigilan nang mapansin ang baby. "Baby! Gosh! I can't believe this, may anak na si Kuya!" sabi niya at pinaypayan ang sarili.
Bahagyang nagising si Calvin dahil sa ingay niya kaya pinatahimik ko si Ashley.
"Did I heard it right?" tanong ni Gabriel kaya tumango ako.
"Anak ni Edgar yan?" hindi makapaniwalang tanong nila bago bumaling kay Devy na nakatulala sa akin o kay Calvin?
"M-may anak na siya." sabi ni Devy kaya napatango ako.
"Gusto ko muna sanang makipagkumustahan sa inyo pero kailangan munang dalhin si Baby sa kwarto. Okay lang ba kung bukas na lang?" tanong ko dahil malapit na maghating-gabi.
"O-oo naman. Sorry, dapat nga kanina ka pa nagpahinga. B-babalik na lang kami bukas." sabi ni Devy at nagmamadaling umalis.
Napatingin ako sa iba at nakita ko ang pag-iling ni Gabriel. Nagpaalam na sila kaya tumango ako at humingi ng paumanhin.
"Babalik kami bukas." sabi ni Andrea at nakipag-beso.
Ipinahatid ko na lang sila kay Ashley para madala ko na si Calvin sa kwarto ko. Inilapag ko muna siya sa kama at nilagyan mga unan sa gilid para hindi siya mahulog. Sa tingin ko ay kailangan kong magpabili ng crib.
Pumunta ako sa banyo para makapagpalit pero paglabas ko ng banyo ay nakita ko si E.A na nakatayo sa pinto at nakatingin kay Calvin. Pansin kong may pasa siya sa gilid ng labi at namumula ang pisngi. Obviously, hindi maganda ang naging pag-uusap nila.
Lumapit ako kay Calvin at tinabihan siya. Tumingin ako kay E.A dahil may gusto akong itanong.
"Alam mo bang buntis siya?" tanong ko.
"That time na nakipaghiwalay siya hindi, pero once nakita ko siya noon na buntis at may kasamang iba. Believe me hindi ko alam na ako ang ama ng dinadala niya." paliwanag niya.
"Gusto mo bang lapitan?" tanong ko kaya lumapit siya. Umupo siya sa kama at tinitigang mabuti si Calvin.
"Can I touch him?" tanong niya kaya tumango ako. Napansin ko ang panginginig ng kamay niya noong haplusin ang pisngi ni Baby at namumula ang mga mata niya. "I should go now para makapagpahinga ka." sabi niya at tumayo.
Paalis na sana siya pero bago pa makalabas ng pinto ay huminto siya at bumaling sa akin.
"Pwede ko bang ako muna mag-alaga sa kanya?" tanong niya kaya mabilis akong napailing.
"I'm sorry pero hindi ko pa siya pwedeng ibigay sa iyo. Utos ni lolo." sabi ko kaya wala siyang nagawa kundi tumango at lumabas ng kwarto ko.
***
BINABASA MO ANG
Crazier In Love
RomanceMy Crazy Girl Book 2 Read n'yo muna ang My crazy girl para masaya. Vote and comment na din (pasimpleng plugging) Rixie had to leave the country para maka-move on at magpagaling. Ang huling balitang natanggap ng mga kaibigan niya ay dinala siya sa is...