CIL-1

111 5 6
                                    

“Are you done packing your luggages?” tumango ako at tinakpan ang box na dadalhin at iuuwi ko sa bahay ni Lolo. “Rixie, I'm gonna miss you.” she said and hug me tight.

“I'm gonna miss you too, Camie. Come to the Philippines if Lolo—I mean Mr. Arzon approves your leave.” sabi ko at ngumiti.

“Sige ba! So, I can see Mr. Handsome cutie.” masiglang sabi niya. Si Camie, second cousin ko sa side ni Dad. Siya ang naging kasama at bantay ko dito.

Hindi ako sumagot at napailing na lang. Lumakad na ako at sumunod naman siya. Ilang months na rin ang lumipas at hindi ko masabi kung naging mabilis o mabagal ang takbo nito. Ang daming nangyari.

“You okay?” napatingin ako kay Camie at bakas ang pag-aalala sa mga mata niya.

“I'm fine.” I smiled at her to assured that I'm fine pero napailing siya.

“I think you're not in a good condition to travel. Kalalabas mo lang ng hospital.” napangiti ako dahil sa accent niya pag nagtatagalog.

“I'm good. And I really miss my family and friends there.” sabi ko.

“You sure? How about baby Calvin is he alright now? Your family in the Philippines didn't know anything him.” natigilan ako dahil sa sinabi niya.

**

“Lolo Iggy.” tawag ko kay Lolo pagdating ko. Itinuro niya ang crib sa sala kaya doon agad ako nagpunta. Napangiti ako noong makita mahimbing na natutulog si baby. Hinaplos ko ang pisngi niya at bahagya siyang gumalaw. Kamukhang kamukha niya ang papa niya.

“Everything's set for tomorrow morning. I assume that you're done packing your things?” tanong niya.

“Yes, lolo.” sagot ko.

“Your meds?” napairap ako sa tanong niya.

“Done.” sagot ko at muling bumaling kay Calvin na ngayon ay gising na at nakatingin sa akin. I felt something touch my heart when he smiled at me.

I'm really hoping that everything will be alright pagbalik ko—namin.

Hindi pa sumisikat ang araw ay umalis na kami sa bahay. May kasama kaming nanny pero hanggang sa airport lang daw. Ang sabi ni lolo ay walang nakakaalam na babalik na kami kaya kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag.

The truth is wala akong natatanggap na balita sa mga tao doon, kaya I don't have any idea sa mga nangyari habang wala ako at nahihiya rin ako sa biglaan kong pag-alis. Hindi ako nagpaalam ng ayos kaya hindi ko alam kung galit ba sila. Sa loob ng maraming buwan ay hindi ko sila nakausap kahit sa cellphone lang. Lolo confiscated my phone and didn't allow me to use any types social media. Well… noon ay okay lang pero ngayong babalik na ako ay hindi ko maiwasang kabahan. Baka galit sila or baka hindi na nila ako ituring na kaibigan after ng ginawa ko.

“Nervous?” tanong ni lolo habang naghihintay kami. Malapit na ang oras ng alis namin kaya hindi ako mapakali.

“Lolo, paano kung galit sila?” tanong ko.

“I don't think so.” nakangiting sabi niya kaya kahit papaano ay nakampante ako.

Tinawag na ang flight namin kaya kinuha ko si baby na mahimbing ang tulog. Pagsakay sa eroplano ay inabala ko ang sarili ko sa panonood kay Calvin habang tulog siya.

Mahaba ang biyahe pero pakiramdam ko ay ang bilis lang dahil naging abala ako sa pakikipaglaro kay baby. Kapag nagigising si lolo ay siya naman ang nag-aalaga kay Calvin. Nakakatuwa silang panoorin dahil ang istriktong si Ignacio ay nagwa-wacky sa harap ko.

“Lolo, ganyan ka rin ba sa amin noon?” tanong ko at kinuha si Calvin dahil baka masyado namang mapagod si lolo.

“Of course. The feeling that I felt when the three of you came to my life was overwhelming.” nakangiting sabi niya at sumandal sa upuan. “Rixie, I didn't expected this to happen when I took care of you.” napatango ako, alam kong tinutukoy niya si baby.

Crazier In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon