Chapter 30.2

57 4 1
                                    

Dean's POV

Dinala ako ni Kyla dito sa condo namin. Hila hila niya ang kamay ko.

"Gosh! Kyla! Dahan dahan at madapa ka!" Saway ko sa kanya. Pano kasi, ang bilis tumakbo.

Inakyat niya ako sa rooftop ng condo na ito. May isang hagdanan paakyat sa mismong rooftop. Punong puno ito ng kandila na maliliit na nag sisilbing ilaw sa dadaanan. May nakasabit na parang sampayan na puno ng pictures namin.

Hayyy Kyla, anong ka-cornyhan to.

"Dean, sorry kung corny. Alam mo namang mana ako sayo eh. Kaya ganyan." Ang cute nya! Ginulo ko yung buhok niya at pinisil ang ilong.

Inakyat namin dahan dahan yung hagdanan. Tapos binuksan ang pintuan papuntang rooftop.

Punong puno ng petals na nakakakalat sa rooftop. Pati mga kandila ganun. Asa gitna ata kami ngayon ng rooftop eh.

"Ready?" Sabing ganun ni Kyla. Tinignan ko siya, what-do-you-mean look.

Nginitian niya ako at biglang pumalakpak ng dalawang beses.

Umagaw ng pansin ko yung umilaw na mga billboards. Tanaw na tanaw mula dito sa rooftop.

Ipinakita nito yung mga memories naming dalawa, meron yung nag haharutan kami, natutulog ako at nag hihilik. What the heck! Basta ayun!

Napatulala ako. Namatay ang mga screen ng billboards. Pero biglang bumukas ulit, hayup na yan. Ang gulo!

'DEAN, I LOVE YOU!' Yan ang nakasulat dun sa tatlong screen ng billboards na biglang nag open.

Omaygash, Kyla nababakla ako sa kilig! Enebe!

Tinitigan ako ni Kyla, "It's not yet over, babe."

Biglang may helicopter na dumaan. May parang banner na nasa buntot nung helicopter. Basta ganun!

'HAPPY ANNIVERSARY DEAN!' Yan ang nakasulat.

Bumaba ang helicopter sa harap namin.

Pinasakay ako ni Kyla dun. Dahan dahan namin nilibot itong lugar. Dinala niya kami sa isang park.

Mula sa taas, tanaw na tanaw ko yung mukha ko sa baba na gawa sa kandila.

Walangya! Pano yan! Shet!

May nakasulat uli na, 'HAPPY 1ST ANNIVERSARY BABE! I LOVE YOU!'

Ang corny mo Kyla! Kaya mahal na mahal kita eh!

Tinitigan niya ako ulit, ngumiti.

Bumalik ang helicopter sa may rooftop. Nang lumanding, may biglang nag fireworks.

Tinitigan ko yung fireworks. Humugis ito ng heart tapos 'Happy Anniversary, DEAN! I love you!'

Shet! Malupet! Paulet-ulet!

Tinitigan ko siya at niyakap.

"Kyla, alam kong nakakabakla pero inaamin kong sobra akong kinilig sa ginawa mo."

"Alam mo namang hindi ako magaling sa pag susurprise kaya sana ma-appreciate mo."

"I really loved it, thank you. I love you to the moon and back."

At dun ko siya hinalikan.

Bumaba na kami at dumiretso sa kwarto. Pag bukas ko ng pinto, bumungad sakin ang napakaraming balloons at pictures na nakasabit.

Oh no, anong klaseng ka cornyhan nanaman to Kyla mylabs!

"Last na talaga to, HAPPY ANNIVERSARY MR. DEAN!" Sabi niyang ganun.

Naiiyak ako. Bwisit. Ang bakla!

Umupo ako sa kama. Hinagisan niya ako ng susi. "Ano to?"

"Susi, duh! Hindi ba obvious?"

"What I mean is, para saan to?"

"Anniversary gift. Labyu."

OH MY GOD!

Yak kadiri! Ang bakla!

Hinila ko siya papunta sa kama at niyakap na sobrang higpit.

"Labyu. Labyu. Labyu. Labyu." Atsaka hinalik halikan ko siya sa kung saan saang parte ng mukha niya.

"Dean, ano ba. Nakikiliti ako!"

"Okay. Sorry. Masaya lang ako. Hehe."

Inayos ko yung buhok niya.

"May isa pa pala akong gift sayo." Sabi niya bigla.

"Huh? Ano yun?"

Dahan dahan niyang hinubad yung dress niya.

Holy Mother of Cow!

Natira ay yung sando niya at maikling shorts.

Feeling ko tumayo si Ano!

Ginulo gulo niya ang buhok niya.

"Are you ready?" Sabi niyang ganun at nag lipbite.

Of course! I'm always ready!

Mukang alam ko na kung ano to ah.

Hinubad ko ang t-shirt ko. Pati pantalon. Bali naka boxers nalang ako ngayon.

Nag smirk sa akin si Kyla.

Omaygaaaaddddd!! Si junior! Nag wawala!!!!

Dahan dahan siyang lumapit sa akin ng nakangiti.

Heto na....

Heto na.....

Heto na.....

*CLICK*

May pinindot siya. Namatay ang ilaw nung lamp.

"Ready ka na din matulog. Good night Dean. Mwah. Happy Anniversary. I love you!"

Nginitian niya ako. Tumalikod at nag taklob ng kumot.

ARRRRRGGGGHHHHH!!! AKALA KO YUN NA YUN EH!!

Pinaasa niya ako!! Pati si Junior!!!

Napasabunot ako sa sarili ko.

Kung di ko lang talaga mahal to eh.

Hinalikan ko siya sa noo.

"I love you too."

Lord, thank you at binigay niyo siya akin.

It was very unexpected. Promise.

------

KAMUSTA KAYO? HAHAHAHAHA TAGAL KONG DI NAG UPDATE. SORRY NA! CORNY PA! JUSME! HAHAHHAHAHAH

Wala po kasi akong pinag huhugutan sa story na to. Walang matinong plot kaya ayun. Mema mema nalang. Wish nyo na sana matino ko itong matapos. Ayun. Salamat sa mga nagbasa kahit walang kwenta.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon