[A/N/Tips: 1: Video at the top; skip David's part. 2: Play all the music that were used in the chapter as background music.]
New York, USA ; 11:00 am
Plum velvet and carnation pink. These colors filled the church. Formal dresses with touches of these colors. Plum velvet with carnation pink colored roses beside the red carpet. Silks with touches of light pink that was hanging in each side of the church's long chairs.
Maririnig ang konting ingay sa loob ng simbahan. Ngunit unti-unti itong napawi nang tumugtog ang orchestra ng simbahan.
The Marriage Prayer...
Hudyat na magsisimula na ang entourage. Dahan-dahang bumukas ang pintuan ng simbahan at naglingunan ang lahat ng mga tao doon.
Unang naglakad sa red carpet si Chynna. Nang makatayo ito sa kanang bahagi ng altar unti-unti muling nagbukas ang pintuan at dahan-dahang naglakad si Glaiza kasama ang mga magulang nya.
"Kinakabahan ka ba anak?" Natatawang tanong ng tatay nito
"Sobra Tay. Pero excited at masaya at the same time."
"Wag kang kabahan okay? Ang ganda ganda mo ngayon." Puri ng tatay nya
Totoo nga namang napakaganda ni Glaiza sa suot na Francis Libiran gown.
"Hindi ko akalaing balang araw ikakasal ka anak." Mangiyak ngiyak na bulong ng Nanay nya na nagpupunas ng nangingilid na luha
"Nay naman eh. Wag kang umiyak kasal ko to oh. Dapat masaya tayo." Glaiza giggled
"Oo nga naman Cristy. Dapat masaya tayo para sa Baby Girl natin." Sabi naman ng Tatay nya na ngayon ay nagpupunas ng sipon sa ilong
"Oh isa ka pa naman Tay! Hahaha! Ikakasal lang ako Nay at Tatay di naman ako kukunin ni Lord!" Biro ni Glaiza
"Hay. Ewan ko sayong bata ka! Kinakabahan ka ba sa lagay na yan ha?" Natatawang tanong ng nanay nya
Sasagot pa sana si Glaiza ng bumulong ang Tatay nya. "Ready ka na ba anak?"
"Ready na Tay." Sagot ni Glaiza
Nang makarating sa harap ng altar ay niyakap muna sya ng kanyang mga magulang. Hindi maiwasang maluha ng mga ito.
"Nay at Tatay naman eh *sniff* sabi na kasing wag iiyak eh." Maktol ni Glaiza habang tatawa tawa
"Proud na proud kami sayo anak. Mahal na mahal ka namin ng Nanay mo." Sabi ng tatay nya sabay yakap sakanila ng Nanay nya.
Ngumiti naman si Glaiza sa mga ito. At umupo na sa kani-kaniyang pwesto.
"Congrats Glai. Pogi mo talaga!" Biro ni Chynna na nasa likuran nya
"Sira! Pero salamat. Salamat at ikaw ang Best Man ko." Asar ni Glaiza
"Sira ka! Sige na focus ka na sa may pinto. Malapit na bride mo." Pinalo nito ng marahan ang braso ni Glaiza
Lumingon si Glaiza sa mga naglalakad sa red carpet.
Naglalakad ngayon ang mga Principal at Secondary Sponsors. Syempre mga bigatin. Head ng GMA at mga kilalang artista at business tycoons.
Sumunod si Baste bilang ring bearer. Ang pamangkin nya bilang coin bearer. Anak ni Nadine bilang Bible bearer at mga flower girls na pamangkin nilang dalawa ni Rhian.
Sumunod ang mga Bridesmaids.
Sheena, Katrina, Iya, Solenn at iba pa nilang mga matatalik na kaibigan.Although sa America ang kasal nilang dalawa. Mas ginusto nila ang Philippine traditional wedding. Mas feeling daw kasi nila nasa Pinas sila.
BINABASA MO ANG
Holding Back My Feelings (Rastro)
FanficA story that will turn their world upside down.