Chapter 1

4 0 0
                                    

Tang ina. Nakaka badtrip!!

Kanina ko pang sigaw habang nagdadabog dito sa kwarto ko.

Ang kalat sa sahig dahil hinahagis ko ng hinahagis yung mga bistida na bigay sakin nila mama at papa. Binili daw nila para sakin dahil bagay raw sa akin. Isuot ko daw.

"Tang ina naman oh! Leche! Bakit kailangan ko pa isuot yan?! Nakakadiri!!" sigaw ko kasabay ng paghagis ng huling damit na pambabae na nakalagay sa kama ko.

Nakakairita. Bakit ba nila ko kailangan pag suotin non? Hindi ko kakayanin. Nakakasuka. Isipin ko pa lang yung sarili ko na nakasuot ng bistida parang gusto ko nang magbigti.

Lalaki ako. Bakit ko kailangan magsuot non?

Hindi cool para sa isang lalaki ang magsuot ng damit pambabae. Kaya naman saang poncio pilatong putakte ang hindi ko maintindihan bakit ako pinagsusuot nila mama at papa ng ganun.

Okay, Oo na!

OO NA!!

Babae ako. Tss. I mean, lesbian ako.

Bata pa lang ako alam ko na. Alam ko na, na ang gusto ko ay maglaro ng baril barilan kaysa sa maglaro ng barbie doll. Alam ko na, na ang  hilig ko ay basketball kaysa sa maglaro ng baduy na chinese garter.

Kilos lalaki ako. Lakad lalaki. Upong lalaki at astang lalaki.

Gusto ko talagang maging lalaki.

At hindi ko alam kung ilang beses ko na ba hiniling na sana pinanganak na lang ako na lalaki.

Hindi ko maintindihan, o talaga bang hibang lang sila papa at mama kasi, itinuturing pa rin nila kong babae. Iniingatan bilang isang babae.

Parang kahit kailan, hindi ko naramdaman na itinuring nila kong lalaki. Though lagi ko naman isinisigaw sa kanila, "Lalaki ako! Ano ba!!" Itinuturing pa rin nila kong prinsesa.

Binibilhan pa din nila ko ng mga damit pambabae, lipstick, make ups, heel shoes, bags. Ay puta, Kaadwa.

Never sila nag open up magtanong sakin na, "Anak, bakit kilos lalaki ka? O kaya, anak tomboy ka ba?"

Pero lagi nila sinasabi sakin na "Anak, umayos ka ng upo. Anak, yung lakad mo. Anak, mag ayos ka ng sarili mo" paulit ulit na lang!

Baka dahil unica hija nila ako. Bunso pa.

Lumaki ako kasama ang dalawa kong kuya, parehas na silang may trabaho ngayon.

Yung panganay, si kuya Diether. CPA na siya. Pero "anselmo" ang itinatawag ko sa kanya. Masyado kasing astig yung dating sakin ng pangalan niya, naiirita ako.

Yung kasunod naman, si Paulo. Teacher naman siya. Mabait siya. At nakakairita rin siya kasi, masyado siyang matino.

Yung mama at papa ko parehas may magandang trabaho. Professionals din sila.

Ako na lang nag-aaral.

Pagkatapos ko magdabog, nagpunta na ko ng CR para maligo. Binilisan ko kasi baka ma-late pa ko sa lakad ko.

Naghalungkat ako sa cabinet para maghanap ng susuotin. Ilang kalkal pa, nakita ko yung jersey ng LA lakers tapos nag pants na lang ako then rubber shoes.

Tinitignan ko ngayon yung itsura ko dito sa malaking pahabang salamin na nasa pinto ng cabinet.

"Leche ka! Bakit ba kasi ang laki mo?!" sabay hawak sa dalawa kong malulusog na boobs.

Napansin ko rin na super fit yung pantalon ko at bumabakat talaga yung matatambok kong puwet.

Nakakainis lang. Andami kasing nagsasabi sakin na sexy at maganda daw ako. Hindi ko na mabilang kung ilang tao na ang nagsabi. Leche. Sarap manapak.

Prince DominicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon