"Hoy Malaysia! Bilis bilisan mo nga lang diyan! Kailangan ko na ng baso!" Sigaw nung isang chef sakin. Nagtatrabaho ako ngayon sa isang restaurant malapit sa eskwelahan ko. Dishwasher ako dito kaya ganyan sila makipag-usap sakin. Kasi daw dishwaher lang ako. Naku wag nilang nila-lang-lang ang trabaho ko! Kung wala ako nito baka di kami nakakakain ng dalawang beses sa maghapon! Dalawa lang kasi di kaya ng budget. Hehehehe.
Nagtataka ba kayo kung bakit ako nagtatrabaho habang nag-aaral? Sinple lang. Kasi mahirap kami at kung di ako magtatrabaho di kami makakakain ni Nanay ng dalawang beses. May isa pa akong trabaho tuwing weekends kaya may pang-aral ako saka half scholar ako sa pinapasukan kong eskwelahan.
"Eto na chef! Binibilisan ko na nga para sayo diba?! Hilig hilig sumigaw kala mo naman wala akong tenga. ~_~'' Sagot ko naman.
"May sinasabi ka ba Malaysia? Umayos ka kung ayaw mong mawalan ng trabaho!"
"Kung makapagsalita to na mawawalan ng trabaho, kala mo naman siya may-ari. Huuuu~ Yabang." Pabulong kong sabi, pero narinig niya parin. Kaya halos patayin niya na ako sa titig. Napatitig rin ako sa kanya ng sobrang talim na pag may dumaang lamok sa pagitan namin e makukuryente ito. OA ko no?
Nakakabuwisit talaga tong chef na to! Parang menopausal ata e. Ang bata bata pa niya pero ang sungit niya na kala mo pasan pasan niya ang mundo! Badtrip tong Chef Jeremy na to. Schoolmate ko rin yan e. Pagkakaalam ko mayaman yan pero bakit nagtatrabaho yan dito? (Bakit wala na bang karapatan magtrabaho ang mayayaman?)"Eto na yung basong hinihingi mo! Saksak mo sa lalamunan mong epal ka." Siyempre pabulong lang yung saksak chuchu. Baka saksakin nalang ako neto bigla e. Hahahahaha.
"Ano Malaysia? May sinasabi ka ba ha? Kung mangiinis ka kasi lalakas-lakasan mo boses mo." Sabi niya sabay smirk. ENEWU! Akala niya naman napakapogi niya pag gumaganon siya. Ngudngud ko pa mukha niya sa baso e.Inirapan ko nalang siya at pinagpatuloy ang paghuhugas ko. Baka mawalan pa ako ng trabaho ng dahil sa kanya. Psh.
"Sorry I'm late." Luh. First time to ah. First time ma-late ni Harley. Yung isa pang chef dito. Kaklase ko rin. MAYAMAN RIN! Kaya nga kataka-taka na nagtatrabaho yang mga yan e.
"Teh, bat parang first time ni Harley na ma-late? Himala a!" Siya naman si Aliceson. Dishwasher din siya at kaming mga dishwasher ay waiter din. Kaya apat kaming empleyado dito. Konti nga e. Mahirap pero okay lang, malaki naman sweldo e. Hahahaha
"Kaya nga e. Early bird yan diba? Yan nga laging nauuna satin e." Sagot ko naman. Totoo yan, lagi siyang nauuna samin sa pagdating at siya narin ang nagaayos ng resto.Tinapos na lang namin ang mga fapat naming gawin at ng mawalan na ng customers ay nag-ayos na kami at saka isa-isa na silang umuwi. Ako ang nag-sara ng resto kaya ako ang huling umuwi. Di kami sabay ni Aliceson kasi out of the way siya pag sumabay sakin.
Nagsimula na akong maglakad ng may marinig akong kaluskos. Parang may sumusunod sakin. Madilim-dilim pa naman dito.
Lumingon ako pero parang nawala yung kaluskos. Nagpatuloy nalang ako imbis na takutin ang sarili ko. Pero maya maya narinig ko ulit yung kaluskos. Natatakot na talaga ako ha. Is this the end of Malaysia Penelope Agustin's life? Huhuhu. Gusto ko pang yumaman!Lumingon ako ulit at nagulat ako sa nakita ko.
Hindi mamamatay tao.
Hindi holdaper.
Hindi kidnapper.
Kundi si... Harley?!
Anong ginagawa niya dito?! Hindi naman siya dumadaan dito pauwi ah!
"Harley? Anong ginagawa mo dito?! Jusme, di mo alam kung gano mo ako tinakot!" Sabi ko with matching hawak dibdib. Sorry na maarte lang!
"Sorry, naiwan mo kasi to." Sabay abot nung cellphone kong bulok. Literal na bulok, may basag na kasi tapos yung likod di na masara kaya nakatape nalang. Nahiya naman daw yung cellphone ko sa iPhone niya. TT^TT"A-ah e-eh nakakahiya naman, bat di mo nalang inabot sakin kanina? Pero salamat ah!" Alam ko namang di niya ako tatawagin kasi man of few words siya. Saka minsan nga lang yan magsalita e.
Sinagot niya nalang ako ng ngiti at nagbabye na ako sa kanya. Ng nakalayo na ako ng konti, lumingon ako and to my surprise, andun parin siya at bigla niya akong nginitian. Tapos umalis na siya.Weird.
Bat ganto naramdaman ko sa ngiti niya?
I just shrugged at umalis na. Nakakaewan na ha.
——————•———————
Hello po! Mark of GOT7 as Chef Jeremy. Next chapter ko nalang ilalagay kung sino si Harley.
Bakit si Mark? Kasi nanonood ako ng mv ng Fly tas na-cute-an ako sa kanya diyan then the idea of this story came tas ayun, siya na naisip ko. Hahahaha thank you for reading! Saranghaja~!!
-LYCYxx
ESTÁS LEYENDO
The Rich Man's Poor Daughter
Roman pour AdolescentsKapag minamalas ka nga naman, ang hirap hirap niyo. Tipong walang pambili ng gamot para sa nanay mo. Tapos halos di ka na matulog para lang sa pagtatrabaho at pagaaral! Kapag sinuswerte ka nga naman, malaan-laan mo lang na anak ka pala ng isang 4M...