"ARE you okay?" pasimpleng tanong ni Bearlan kay Tiffany. Nasa chopper na sila pabalik na sa Maynila at kanina pa niya napansin ang pananahimik ng dalaga. Ayaw ring magpahawak ng kamay o magpaakbay. Gayong ito na ang huling araw na magkasama sila na malaya.
Tumingin sa kanya si Tiffany at napansin niya agad na may bumabagabag dito. Agad ding nag-iwas ng tingin ang dalaga nang salubungin niya ito ng tingin.
Nakaramdam tuloy siya ng kaba. Hindi kaya may ginawa o sinabi ang mommy niya rito na hindi niya alam kaya ganito ngayon si Tiffany?
Masama ang tinging ipinukol niya sa ina. Kampanteng-kampante na nakaupo ang ginang. Kapansin-pansin ang manipis na ngiti nito sa labi. Lalong nangamba ang kalooban niya.
Malapit na sila sa Maynila at wala ng oras para makapag-usap sila ni Tiffany nang masinsinan kahit gustuhin niya kaya naman kahit ayaw ng dalaga ay umakbay siya rito. Tinangkang alisin pa ni Tiffany ang kamay niya pero hinigpitan niya ang akbay niya rito.
"Bearlan?" mahinang reklamo ni Tiffany sa kaniya. Mangiyak-ngiyak ito.
Hindi siya umimik bagkus ay masuyo niyang hinalikan ito sa noo.
Pigil na pigil naman ni Tiffany ang kanyang damdamin. Hindi alam ni Bearlan pero hirap-hirap ang kaniyang puso. Napapikit na lang siya nang mariin no'ng halikan siya nito sa noo. Alam niyang may mensahe ang halik na iyon ng nobyo. Na huwag siyang mag-alala, pero pa'no siya hindi mag-alala? Na magtiwala siya, pero pa'no siya magtitiwala? Na kapit lang siya, pero pa'no siya kakapit kung hawak siya sa leeg ni Madam Amelia? At nakakulong siya sa mga pangako niya sa mama niya? Paano?
Pakiramdam niya sasabog ang puso niya any time.
ILANG oras pa'y sakay na sila ng kotse pauwi sa mansyon ng mga Grylls. Pinanindigan ni Tiffany ang pagsasawalang kibo.
Ilang saglit pa'y pumasok na ang magarang kotse sa maluwang na bakuran ng mansyon.
Mas matindi na ngayon ang kabog sa dibdib ng magkasintahan. Pakiramdam nila ay bibitayin sila.
Panaka-naka namang tumitingin lang sa kanila sina Rick at Vicky. Nakikisempantya sa kanila ang dalawa pero dahil parehas na wala ring magagawa kaya nanahimik na lang din.
At nang oras na para bumaba ay hindi napigilan pa ni Bearlan na maging emosyonal. Niyakap niya ng todo higpit si Tiffany.
"Bearlan, halika na," tawag ni Madam Amelia sa anak.
"Sige na, Bearlan," Hirap na hirap ang kalooban ni Tiffany pero kailangan niyang magpakatatag. Hindi dapat niya ipakita kay Bearlan ang tunay na nadarama dahil alam niyang mas mahihirapan ang binata.
"Promise me again na hindi ka bibitaw, Tiffany. Kaya natin 'to. Kaya ko 'to kaya ko sina Mommy at Daddy."
Tumango si Tiffany ng sunod-sunod kahit parang sinibat ang puso niya sa sobrang sakit na nadarama.
"Bearlan, let's go," maya-maya ay tinig ni Jullie Anne.
Muling niyakap ni Bearlan ang mahal na mahal na si Tiffany.
"Sige na. Text-text na lang tayo." Tuluyan nang kumawala ang mga luha ni Tiffany.
Unti-unting kumawala sa pagkakayakap si Bearlan pero bago bumaba ay pinunas nito ang luha niya sa pisngi. "Yung promise natin, kahit na ano'ng mangyari huwag kang bibitaw. Uulitin ko trust me. I assure you I'll do everything para hindi matuloy ang kasal."
Kinagat na lang ni TIffany ang pang-ibaba niyang labi bago tumango. Ayaw na na niyang magsalita dahil baka bumigay na siya at maglupasay siya ng iyak.
Mayamaya lang ay dahan-dahan nang bumitaw sa kanya si Bearlan at dahan-dahang bumaba na hindi inaalis ang tingin nila sa isa't isa.
"Sige na umalis na kayo," utos ulit ni Madam Amelia sa driver.
Sunod-tingin na lang sina Bearlan at Rick nang umalis na ang kinasasakyan ni Tiffany. Isang tapik sa balikat ang ginawa ni Rick kay Bearlan. Pampalubag-loob.
Ang hindi nila alam ay bumigay na ang hagulhol ni Tiffany sa loob nang paalis ng kotse. Hindi na niya napigilan ang sarili. Rumagasa ang luha niya na nag-unahang pumatak sa makinis na pisngi niya.
Nadagdagan pa ang sakit nang may nakita siya sa nakasalubong nilang kotse. At kitang-kita pa niya sa side mirror na bumaba roon ang magandang babae at humalik kay Bearlan tapos ay kay Madam Amelia.
Si Jullie Anne siguro iyon, at dumating na siguro galing ibang bansa.
Lalong nadurog ang puso niya.

BINABASA MO ANG
MY BEKI "KUNONG" BOSS (Tayo Na Lang, Puwede Naman)
RomanceNoong namatay ang mama niya, ipinangako ni Tiffany na makakatapos siya ng pag-aaral kahit na ano ang mangyari at sa kahit na anong paraan. Kung kaya't ginawa niya ang lahat para sana maituloy niya ang pag-aaral. Subalit ay sobrang nahirapan siya. Ha...