**
"Gusto mo ba siya?" tanong sa akin ni Yumi.
Oo ni Yumi. Si Yumi, yung babaeng gusto ni Cain. Yung babaeng nagpapasaya kay Cain at Yung babaeng bumihag sa puso ni Cain
Magkaibigan kami.
Hindi pala... BESTFRIEND din kami.
Saklap noh?
"Halata mo na ba?" sarkastikong tanong ko sakanya. Andito kami ngayon sa isang Ice Cream Parlor kasi niyaya niya ako para kausapin.
Simula nang malaman kong may gusto sakanya si Cain ay medyo umiwas na din ako. Ang awkward kasi pero hindi ko maalis na namimiss ko rin siya. Pero hindi ko rin maalis na tuwing kaharap ko siya ang una kong naiisip ay 'siya pala'. Siya pala yung babaeng mahal ni Cain.
"Nasabi mo naba sakanya?"
"Paano ko masasabi eh laging nasayo ang atensiyon niya?" bitch na sabi ko at parang nagulat naman siya.
Napabuntong-hininga nalang ako "Sorry" mahinang sabi ko sakanya. Sa tuwing maiisip ko na gusto siya ni Cain ay naiinis ako, pero alam kong mali yun dahil wala naman siyang ginawang masama kundi maging mabuting kaibigan sa aming dalawa.
"Okay lang" nakangiting sabi niya.
Yan si Yumi. Sweet, maunawain, masayang kasama at mabuting kaibigan. Kaya nga nakuha niya agad ang loob ko at ni Cain
"Sa tingin ko ay kailangan mong sabihin sakanya yan" sabi niya.
"Paano ko nga masasabi kung ikaw ang mahal niya?" medyo inis na sabi ko.
"So?" inosenteng tanong niya.
"So? Anong so? Edi wala akong pag asa don! Kasi simula't sapul ay ikaw na ang gusto niya!" inis na sabi ko.
"Paano mo nasabi na wala kang pag-asa?"
"Dahil ramdam ko at alam ko" matigas na sabi ko.
"Sky... Mas maganda parin na sabihin mo na sakanya ang nararamdaman mo para sakanya. Hindi yung iwas ka lang ng iwas at tago ka ng tago sakanya"
Tama kayo ng basa. Nitong mga nakaraang linggo ay iniiwasan ko na si Cain dahil mas lumalala na tong nararamdaman ko para sakanya. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya naman umiiwas na ako.
"At tska, pag alis mo ay wala kanang pagsisisihan pa at wala kanang mabigat na dinadala." pagpapatuloy niya.Aalis ako pero hindi dahil kay Cain. Pero isa narin iyon sa dahilan kung bakit pumayag akong umalis. Pupunta akong US dahil pinapatawag ako ng mga parents ko doon para tulungan sila sa business namin. Titigil muna akong pag aaral at iyon muna ang iintindihin ko, okay lang naman sa akin dahil bata palang ako ay gusto ko nang manahin ang business namin.
"At tska malay mo... Mag bago ang isip mo pag narinig mo ang sagot niya?" sabi niya pa na parang pinapataas ang 'pag-asa level' ko.
At dahil magaling magkumbinsi si Yumi ay napapayag niya ako. Magtatapat na ako sakanya.
At KINAKABAHAN agad ako.
To be continued.....
Bukas ko nlng po cguro upupdated ung next chapter guys hope sana magustuhan nyu;)
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Short StoryAng storyang ito ay tungkol sa isang babae na inlove sa kanyang lalaking bestfriend. Does her bestfriend feel the same way as she do?