Chapter 4

8 0 0
                                    

*****

Hanggang makalapit na siya sa tabihan ko. Parehas na kami ngayong nakatingin sa tanawin. Kahit hindi ko siya lingunin ay alam kong si Cain yun dahil amoy na amoy ko yung matapang niyang pabango.

Alam kong kahit hindi niya sabihin ay nag aantay siya ng sasabihin ko. Tumikhim pa ako ng kaunti bago magsalita "Naalala mo pa ba nung mga bata tayo?" nakangiting panimula ko pa habang nakatingin sa tanawin.

Hindi ako tumingin sa kanya at nanatiling nasa kawalan ang paningin ko pero alam kong nakikinig siya sakin "Tuwing gabi ay tatakas tayo para mag abang ng shooting star... Kahit alam nating matagal at minsan ay hindi siya dadating ay matiyaga tayong naghihintay..." nakangiting sabi ko habang inaalala yon.

"Alam kong minsan ay naiinip kana sa kakahintay pero sinasamahan mo parin ako kasi alam mong gustong-gusto ko iyon makita... Kaya laking pasalamat ko at nandiyan ka" sabi ko at tumingin sa kanya. Tumingin naman siya sa akin at nginitian ko siya at tumingin ulit sa kawalan.

"Simula nang iligtas mo ako ay lagi na tayong magkasama. Hindi mapaghiwalay at lagi mo pa nga akong nililigtas. Parang ikaw na nga ang Knight in shining armor ko non eh" sabi ko at medyo napatawa pa at ganon din naman siya


To be continued....

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon