Chapter 10

3 0 0
                                    

****

Napahinto siya at ganoon rin naman ako.



Nakatitig lang siya sa akin kaya naman binigyan ko siya ng isang totoong ngiti "Good morning" kaswal na bati ko na ikinagulat naman niya at hindi agad siya nagsalita.



Paano nga ba sisimulan? Sa dami nang naisip ko ay isa lang pumasok sa kukote ko. Isang simpleng 'Good Morning' lang ayos na.



Nang hindi parin siya nag salita ay nilagpasan ko na siya. Pero hindi pa ako nakakalagpas ay nakita ko siyang ngumiti "Good morning too" sabi niya.



Napahinto naman ako pero agad agad lumakad ulit. Napangiti ako. Iyon lang solve na.





Nakapagdesisiyon ako na simula sa araw na 'to ay hahayaan ko lang ang nararamdaman ko. Hindi ko naman kasi ito maalis basta-basta nalang kaya naman mas maganda kung ieenjoy mo nalang.



Hindi man naging successful ang unang confession ko ay sisiguraduhin ko namang tagumpay na ang mga susunod dito.



"Sky!" tawag sa akin ng mga kaklase ko at may ngiti sa labi akong lumapit sa kanila.





****

END! Hope you enjoy it.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon