Chapter I "The First"

46 6 7
                                    

"Life starts at 40 Babe, kaya pag lumaki na ang anak natin. Nag uumpisa pa lang tayo ng buhay natin. Baka that time liligawan mo ulit ako. hahaha" Masayang sabi ni Mama kay Papa.

I am Xhea Mae Duazon, a single child of Mr. John Emerson Duazon and Mrs. Loisa Duazon. I am the only heir of the Duazon family. Wala na kaming kmag anak. Kung mayroon man, hindi ko sila kilala.

Isa akong bata na Masayahin, bibo at aktibo pagdating sa lahat ng bagay. Lalo na sa pag aaral. Ayaw kong maging number two kaya nagsisikap ako sa pag aaral ko. Sa lahat ng bagay, ang gusto ko ay ako ang nangunguna. At the age of 9 years old, napakadami ko ng trophy at mga medal, plus iba pang mga award from different contest. Nagpapatunay na malawak ang aking kakayahan sa mga bagay.

Ipinanganak ako na nasa akin na ang lahat. Maalam akong kumanta, sumayaw at umarte. Mayaman kami at lahat ng atensyon ng magulang ko ay nasa akin.





Pero hindi din nagtagal yun.




"Xhea, anak.. kumuha ka ng tubig. Bilisan mo at iabot mo sa amin dito. Nagsusuka ang Mama mo!" Sigaw ni Papa.

Dali dali akong kumuha ng isang basong tubig para iabot kay Mama. Sa sandaling iyon ay naguguluhan ako kung bakit ganun ang nangyayri kay Mama pero si Papa mukhang natutuwa pa dahil masama ang pakiramdam ni Mama. Pero ako naman ay nag aalala na.

Ilang sandali pa ay pumasok sa banyo si Mama. Limang minuto din ang itinagal nito at sa loob ng limang minuto na yun ay mukhang haros na ang leeg ko dahil sa pauli uli ni Papa sa iisang pwesto. Lakad lamang siya ng lakad at pabalik balik lamang sa harap ng pintuan ng banyo. Nakakasakit ng leeg at bukod doon ay nakakaliyo pa.

Makailang sandali pa ay lumabas na si Mama ng banyo. Hindi magkaintindihan ang pundiyo ni Papa. Balais nang tumalon papunta kay Mama.

"Babe, positive. Ate na si Xhea." Nakangiting saad ni Mama kay Papa.

"Xhea, anak ate ka na. Yes! Alam kong magiging mabuting ate ka. You are a role model at the top for your baby sister or baby brother. What do you want? A brother or a sister?"

Hindi ko alam ang isasagot noon kay Papa eh. Kaya ang tanging lumabas sa bibig ko ay "wala po".

Mukhang nagulat sina Mama at Papa sa sagot ko. Napahawak sa batok si Papa at akmang papaluin ako dahil sa sagot ko. Pero pinigilan siya ni Mama sa pag aakalang baka daw nabigla lamang ako sa pangyayari. Matatanggap ko din daw iyon paglipas ng mga araw.

Yun ang pag aakala nila.


I want to be at the top. Ang gusto ko ay ako lang, ayoko ng may kahati. Lalong lalo na sa atensyon ng mga taong nakapalibot sa akin.


Lumipas ang mga buwan at araw, lumalaki na ang tiyan ni Mama. Ayon sa Doctor ay maselan ang lagay ng kapatid ko sa sinapupunan ng aking Ina. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil maaring mawala ang kapatid ko o malulungkot dahil masasaktan ang magulang ko.

Mahal ko sila at pipilitin ko din mahalin ang magiging kapatid ko. Pero sana matutunan ko ang mgaa bagay na iyon. Sa mura kong edad, madami a akong alam na mga bagay. Mga kaalaman na hindi mananakaw nang kahit sino man.

Pipilit ko isaksak sa utak ko na ako pa din ang pang una. Hindi makakaapekto sa akin ang kapatid ko. Kahit maipanganak pa ito. Wala lang siya sa buhay ko. I am still, The First.




To be Continued...


Please comment and vote.

add this to your library and reading list please. :)


#JustWriteIt

#EarthLove

Ambiguous #JustWriteItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon