CHAPTER 3 "A Seed"

19 5 7
                                    

Buong araw akong nasa kwarto ngayong bakasyon. Maaga akong nagigising dahil sa ingay ni Xena. Ang bunso kong kapatid.

Nakakapangatal sa galit, kahit takpan ko ang aking mga tenga ay wala akong magawa dahil ang lakas talaga nitong umiyak, parang isang hayop na niyuyurakan sa leeg.

Para ako ngayong ipiniit sa linsil na puno dahil pakiramdam ko, nag iisa na lang ako. Lumipas na ang tanghalian ngunit hindi pa din nalalaman nina Mama na hindi pa ako kumakain.

Bumaba ako sa kusina at humigi ng pagkain ky Ate Jinky. Si Mama kasi ay tulog sa kwarto kasama ni Xena. Puyat siguro dahil sa kaiiyak ni Xena kaninang madaling araw hanggang sa magbukang liwayway na.

Matapos kong kumain ay nagbasa na ulit ako ng mga librong binigay sa akin ni Papa dati.

"Xhea! Anak, halika.. Bakit hindi mo kami pinupuntahan dito ni Baby Xena. Halika at laruin mo ai bunso."

Tinawag ako ni Mama, tinitigan kong maigi si Xena, maganda siya. Mas maganda siya sa akin. Ang mga mata niya ay parang color gray na di tulad sa akin na black lang at may blue na umiikot sa itim ng aking mga mata. Hahawakan ko sana siya nang nahawakan niya ang dulo ng aking daliri.

Ang sarap sa pakiramdam, kapatid ko siya. Dapat ako ang magprotekta. Pero bakit ako yung kauna unahang nagalit sa kanya. Patawad Baby Xena. Hindi ko din alam kung magiging mabutin ate ako sayo.

Fastforward (After one year)

Grade six na ako at malapit na ako sa stage ng pagdadalaga. Si Xena ay unti unti na din lumalaki. She is 1 year old now. Bibo at nakakatuwa. Buti na lang hindi siya kagaya ng ibang bata na sakitin..

Akala ko noon ay magiging okay na ang lahat. Pero hindi pala.

Birthday ko noon, September 3, 2006 .. Nagpaluto sina Mama at Papa kay Ate Jinky para sa mga ihahanda sa birthday ko.

Nag imbita ako ng mga kaklase ko. Hanggang sa dumating na ang moment para kantahan ako ng birthday song.

Happy Birthday to you..

Wala pa din sina Mama ata Papa. Dala nila si Xena.

Happy Birthday to You..

Habang papatapos ang kanta, unti unti akong nanghihia at parang tutulo na ang namumuong luha sa mga mata ko.

Happy Birthday, Happy Birthday..

Sana dumating na sila...

Happy Birthday Xhea..

Blow your candle Xhea, sabi ni Ma'am Mercado. Nandito sin kasi ang ilang mga teachers namin.

Gusto kong umiyak. Gusto kongf magwala. Gusto kong mapag isa at pumasok sa loob ng kwarto ko.

Masayang masaya nag mga bisita kong kumakain. Hanggang sa umabot na nga ang gabi at kinailangan na nilang umalis para umuwi,.

Isa isa siang nagpaalam sa akin. Hanggang sa itinanong nila kung nasaan ang aking magulang at kapati. Wala akong naisagot kundi nagkikibit balikat na lamang ako.

Hating gabi na nung umuwi si Papa. Doon ko nalaman na nasa osital pala ang aking kapatid na si Xena.

Ramdam na ramdam ko ngayon ang lungkot. Bakit Birthday ko pa?

Ambiguous #JustWriteItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon