WAVE
Sa sobrang liwanag na lumamon sa kanila ay naipikit na lamang niya ang kanyang mga mata. Pagmulat niya ay bumungad sa kanya ang mukha nang kanyang guardian na nakangiti at tila kumikinang.
“Welcome, Master!” Malapad ang ngiti nito habang hawak pa niya ang kaliwang kamay at ang kanang kamay naman niya ay malawak na inilahad sa paligid. “This is the place where I came from, the Lost Island.”
“Wow!!! Ang ganda!!” Lubhang lumapad ang ngiti niya sa kanyang mga labi sa labis na pagkamangha sa lugar.
Sa kasalukuyan, sila ay nasa isang mataas na talampas at tanaw na tanaw nila ang buong isla. Ito pala ay napapalibutan ng malawak na karagatan at kitang kita ang mapuputing buhangin sa dalampasigan. Sa taas naman ay maraming nagliliparang mga ibon at mga creatures na hindi niya alam ang tawag. Ang buong paligid ay napapalibutan ng maliit na ilaw na mistulang naging tirahan ng mga libu – libong mga alitaptap. May natanaw siyang isang napakagandang kastilyo at mga bayan sa paligid nito. Maraming puno rin sa paligid at pakiramdam niya ay napunta siya sa sinaunang panahon na sinamahan lang nang mga kakaibang nilalang. Malakas ang simoy ng hangin na dumadampi sa kanilang balat ngayon at ito’y malamig. Kitang kita ang kasariwaan at sigla nang lugar na iyon hindi tulad sa lugar na pinanggalingan niya na puro usok na nanggagaling sa sasakyan ang kanyang nalalanghap.
Napansin din niyang may papalapit na lumilipad na puting kabayo patungo sa diresyon nila. Isa itong Pegasus na may dalang karawahe sa likod. Lumapag ito sa tabi nila at umungol. Lumapit naman doon ang kanyang guardian na si Yeurkin at himashimas ang ulo nito.
“Salamat sa iyong pagdating, Yuri. Naramdaman mo agad na nakabalik na ako. Hahaha!” Tawa pa nito at umungol ang kabayo bilang sagot. Tumingin naman si Yeurkin sa kanya at inilahad muli ang kamay upang alalayan ito. “Tara na! Sakay na tayo!” Nakangiting usal pa nito.
“Eh??!! Sasakay tayo diyan! Wow! Masaya yan! Pero.. safe ba yan? Baka ihulog lang ako ng kabayo mo eh!” Nag – pout pa siya ng konti.
Tumawa lang ito sa inasal niya at saka hinawakan ang kanyang kamay. Inilapit nito ang kamay niya sa ulo nang kabayo upang himasin.
“Oh, Yuri. Narinig mo ba yun? Maging mabait ka sa aking master huh? Huwag mo siyang ihuhulog.” Sabi ni Yeurkin.
Tuluyan na niyang hinimas ang kabayo habang sinasabi na, “Yuri. Yun ba ang pangalan mo? Ang cute cute naman! Simula ngayon friends na tayo huh? Huwag mo akong ihuhulog ayoko pa namang mamatay! Hahaha!”
Umungol lang ang kabayo saka dinilaan ang pisngi niya.
“Ahihihi. Nakikiliti ako Yuri! Ang sweet pala nang kabayong ito!” Niyakap niya ang ulo ng kabayo habang hinahaplos pa rin ang mahabang buhok nito. “Ako nga pala si Wyne! Ikaw na ang bahala sa akin huh?”
Sumakay na sila sa karawahe habang inaalalayan siya ng kanyang guardian. Patungo sila sa malaking bulwagan sa kahariang natanaw niya kanina. Doon daw gaganapin ang orientation para sa mga katulad niyang baguhan lang. Habang nakasakay ay labis labis ang pagkamangha niya sa lugar. May nakita pa siyang ilog sa di kalayuan at may mga taong naglalangoy doon. Pulos nakangiti ang mga nilalang na nakikita niya rito kaya siya ay napapangiti na rin.
“Ang ganda ganda pala dito, Yuerkin! Masaya sigurong tumira dito no? Ahihihi. At saka iba siguro ang time frame dito no? Noong umaalis tayo sa amin gabi na. Dito naman ay umaga pa! Ang galing! Parang nasa kabilang parte tayo ng mundo ah!” Nakangiti niyang usal nang hindi tumitingin sa kausap.“Tama ka diyan, Master. Totoong nasa kabilang parte tayo ng daigdig.”
“Ehh?? Ang galing parang nagteleport lang tayo ah! Astig! Parang totoo yung mga napapanuod ko sa T.V.! Ang saya!” Pumapalakpak pa siya habang sinasabi ang mga katagang iyon.
BINABASA MO ANG
OH MY GUARDIAN!
FantasíaWelcome to the magical world of Lost Island! Pain, hardships, loneliness, anxiety and any other negative feelings one could think of can be experience by anyone but alongside it we can also feel the happiness, care, joy, excitement, any other positi...