Chapter 1 - I'm His Master

9 1 0
                                    


WAVE

"Magandang hapon, iha!” nakangiting paglalahad ng isang matanda sa kanya.


Ngumiti siya ng medyo pilit sapagkat siya’y nawiweirduhan sa matanda. “Ah… Good morning din po.” pagbibigay galang niya.

Luminga – linga siya sa paligid at talagang namamangha siya sa bagong antique shop sa kanilang lugar. Maraming magagandang bagay siyang nakikita at nais niyang mabili ang mga iyon ngunit sa kanyang palagay ay hindi sapat ang kanyang dalang pera.

“Anong nais mo, binibini?”, sambit ng matanda.

Nagulat pa siya rito sapagkat ito’y napakalapit na pala sa kanya. Nakangiti pa rin ang matanda at kitang kita niya ang hindi pagkakapantay ng mga ngipin nito habang nakatingin ito sa kanya ng mataimtim. Creepy.

“Ah.. wala pa po. Nais ko lamang pong magmasid – masid muna. Kapag may nakita po ako na magugustuhan ko talaga ay sasabihin ko po sa inyo.” Ngumiti na siya ngayon ng matamis at walang halong pagkukunwari. Maraming mga bagay na rin ang nakaagaw nang kanyang pansin.

Malawak ang bawat pasilyo at maraming mga antigo siyang nakikita katulad ng estatwa, mga gamit sa bahay, mga pandisplay, orasan, mga libro at marami pang iba. Ngunit ang nakapukaw talaga nang pansin niya ay isang maliit ngunit mahabang bagay na kumikinang sa di kalayuan. Nilapitan niya ito saka napagmasdang mabuti.

Isa pala iyong ballpen. Ngunit hindi ito isang ordinayong ballpen sapagkat ang katawan nito ay gawa sa glass at ang tinta sa loob nito ay tila kumikinang. Labis niya itong nagustuhan sapagkat ang ilaw na nanggagaling sa ballpen ay kulay pink. Isa sa kanyang pinakapaboritong kulay.

“Lo-…!” Tatawagin pa lang sana niya ang matanda ngunit nagulat siyang muli at nasa harapan na pala niya ito. Medyo nagtataka siya dahil sa pagkakaalam niya ay nasa malayo pa ito, nasa may counter. Ngunit di nalang niya pinansin ito at baka hindi lang niya napansin na sinundan pala siya nito.

“Ano iyon, iha? May napili ka na ba?” pag – uusisa sa kanya ng matandang babae.

“Opo. Heto po oh! Ang ganda! Magkano po kaya ito?” tanong niya sa matanda.

Ngumiti pa lalo ang matanda at sinabing, “Iha! Mahusay ang mga mata mo! Isa ito sa mga pinakamamagandang antigo na makikita mo sa aking shop. Ay siya, dahil ikaw ang una kong costumer ay ibibigay ko sa iyo ng libre.”

“Talaga po! Sigurado po kayo?? Wala pong kapalit? Mukhang mahal pa naman po ito. Sigurado po talaga kayo? Baka malugi po kayo dahil dito!” Gulat na usal niya sa matanda. Inabot pa niya ito sa matanda at tila hindi matanggap ang alok nito.

Umiling – iling nang bahagya ang matanda at saka hinawakan ang kamay niya upang itikom iyon at mahawakan niyang mabuti ang ballpen.

“Sa iyo na iyan. Alam kong nararapat iyan para sa iyo. Mukhang ikaw ang napili nang ballpen na iyan. Pagkaingatan mo na lang sana bilang kabayaran sa pagbibigay ko sa iyo.” Ngumiti pa ito at tila kumikislap ang mga mata.

Bahagyang nag –aalinlangan pa siyang tanggapin iyon ngunit sa huli at tinanggap na rin niya. Sobrang saya niya dahil parang ito ay matagal na rin niyang hinahanap. Mahilig kasi siya sa mga bagay na gawa sa glass katulad ng mga figurines at iba pa. Kaya laking tuwa niya at nakakita nang ganoong kakaibang bagay.

Hinawakan niya ang kamay nang matanda at tumalon talon pa habang sinasabing, “Salamat po, lola! Maraming maraming salamat po! Hindi ko po alam kung paano kayo susuklian! Buti nalang talaga po ay pumasok po ako dito sa shop nyo! Ang saya saya ko! Ahihihi!”

OH MY GUARDIAN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon