Chapter 5: Bad Day

17 2 0
                                    

Sky Lee's POV:

*ding dong*

Antok na antok pa 'ko. Pagdilat ng mga mata ko, tinignan ko muna yung orasan. Alas singko ng umaga?! At sino naman ang pupunta dito ng ganito kaaga? Ayaw pa pagbuksan ng mga katulong. Mga tulog pa yata. Bwisit naman kasi oh!

*ding dong*

Ughhhh. No choice ako, ako talaga magbubukas. Lagot sa'kin mamaya yung mga katulong na 'yan!!

Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba na para buksan yung pinto. Then binuksan ko yung gate. Ang aga-aga mang-istorbo e!

Pagbukas ko ng gate, bigla naman akong nagulat sa nakita ko. Anak ng! Kapag minamalas ka nga naman.

" Therese?! What are you doing here?! " Nakakainis naman 'to. Dapat talaga hindi ko na pinatulan yung babaeng 'to e.

" Nagdala ako ng breakfast mo! " Nakangiti niyang sabi. Gahd! Ganoon na ba ako kagwapo para bisitahin ng babae sa bahay ko? Oh well, hindi ko naman talaga sila masisisi.

Kinuha ko yung dala niya tapos bigla akong tumalikod.

" Go away! I don't need you anymore! " Ang sama ko ba? Hahahaha. Bayaan mo siya! Aga kasing mambulabog ng natutulog e. Bagay lang sa kanya 'yan!

" And oh, by the way! Thank you sa food! " Pumasok na 'ko sa loob. Nilagay ko muna yung pagkain sa kitchen, mamaya ko na lang kakainin kapag nagutom na 'ko. Matutulog muna ulit ako.

Ahhhh~ Ang sarap mahiga. Pinikit ko yung mga mata ko pero hindi pa rin ako makatulog. Nawala na yata bigla yung antok ko. Mag-jogging kaya muna ako? Tutal mamaya pa naman yung pasok ko e, saka hindi na rin ako makatulog.

Naligo na ako tapo nagsuot na lang ako ng sando at basketball shorts.

Habang nakikinig ako sa ipod ko, may nabunggo akong babae. Napaupo siya sa sahig pero nilagpasan ko lang siya. Maya-maya, narinig ko siyang sumigaw.

" Where do you think you're going?! " Dire-diretso pa din ako sa pag-jojogging ko.

" HEYY! I'm talking to you!! " Aba, isa pa 'to e. Ang aga-aga mang-inis.

" Mag-jojogging palayo sa'yo! " Nakatalikod pa rin ako sa kanya.

" Pilosopo ka a! Hindi ka man lang ba haharap sa akin at mag-sosorry?! " Ano daw? Ako? Mag-sosorry? Duh. Siya kaya yung may kasalanan. Hindi naman kami magkakabunggo kung  tumitingin siya sa dinadaanan niya.

" Ikaw ang may kasalanan tapos ako yung mag-sosorry? Baka sinuswerte ka Miss! Kung tumitingin ka sa dinadaanan mo, edi sana hindi mo 'ko nabunggo, diba?! " Nakakapag-init na 'to ng ulo ah!

The Heart Breaker's PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon