Chapter 3: Daydream

26 3 0
                                    

Sky Lee's POV:

It's now 1:00 AM and I am still wide awake. Wala naman kasing pasok mamaya e.

Anyway, kanina ko pa sinesearch yung Sophia De Fajardo na sinabi ni Bruce noong isang araw, pero wala pa rin akong makita. I tried searching her on facebook pero puro poser lang yata. Tapos nakita ko pa nga yung babaeng nakabungguan ko e. Hmm. Then after, I tried on google... Pero wala pa rin talaga. Napaka-private naman ng buhay nito.

Ngayon pa lang pinapahirapan niya na 'ko. Who the hell is she? Gusto ko na siya makilala. Parang nakakacurious kasi e.

After ng ilang minuto pa, nakaramdam ako ng pagka-gutom. Ano ba namang klaseng tiyan 'to? -_- Buti na lang bumili ako ng pagkain ko kanina. Lays, mango juice, Vita Milk and 1 slice of cake ang binili ko. Yung lays and mango juice, naubos ko na. Kaya cake naman and vita milk yung kakainin ko ngayon.

Yum! Yum! Yum!

*burp*

Excuse me guys hehe.

After ko kumain, nahiga na 'ko dahil nararamdaman ko na ang pagbaba ng talukap ng mga mata ko.

Tapos... Bigla na lang akong... Nakatulog.

ooOooOooOooOoo

Pagka-gising ko, naligo na agad ako at kumain.

Ano kayang pwedeng gawin? Hmm.

Kung tawagan ko kaya yung dalawang mokong para may malaman naman ako kahit konting info tungkol kay Sophia? Great idea! Galing mo talaga Sky!! Hahahaha.

Calling Bruce...

*ring ring*

Aba, ayaw sagutin! Baka kasama nito yung gf niya a! Si Terrence kaya?

Calling Terrence...

*ring ring*

S: Hello, Chris?

A: Terrence, dude! Kamusta tayo jan? May ginagawa ka ba?

S: Meron e. Bakit ba?

A: Magtatanong lang sana ako tungkol kay Sophia!

S: The UNLUCKY GIRL? At kailan ka pa naging interesado sa kanya?

Tapos narinig ko siyang tumawa. Pinkadiin-diin pa talaga yung 'UNLUCKY GIRL' e. Haaay.

A: Noong nagsimula yung deal. Di ko pa kasi siya nakikita e. At nag-search na din ako tungkol sa kanya pero parang masyado siyang private.

S: Pre, kung ako sa inyo ni Bruce, hindi ko na itutuloy 'yang deal na 'yan!

A: Tungaks! Ano bang pinagsasasabi mo jan? E kasama ka din sa deal 'diba?

S: No. Hindi naman ako pumayag e! Kung gusto niyo, kayo na lang ang mag-deal. Labas ako jan. Bahala kayo sa plano niyo.

A: Sus! Ang KJ naman nito! Parang dati hindi natin 'to ginagawa a? Ikaw pa nga ang gumagawa e! Bahala ka nga. Nagbago ka na talaga!

Ano ba kasing problema ng mokong na 'to? -_-

S: Past na 'yon e, 'wag mo na ngang binabalikan! Basta ako, binalaan na kita. Ikaw rin.

Teka, ano daw?? May nalalaman ba 'to na hindi ko alam?

A: Anong 'ikaw rin'? May tinatago ka ba sa akin, Terrence?

S: W-wala! Wala! Sige, una na 'ko.

*toot toot*

Bastos. Bigla akong pinatayan -_- What's wrong with this guy? Pssh. Panira ng trip e.

Sino ba kasi talaga si Sophia? Para tuloy gusto ko na pumasok ngayon para makilala ko na agad siya. Tsk. Bahala na nga si wonderwoman!

The next day...

" Uyyy Bruce, asan na ba 'yung Sophia na sinasabi mo? " Tanong ko kay Bruce.

Nandito kami ngayon sa cafeteria. Hinahanap namin si Sophia. Gusto ko na talaga siya makita e. Para masimulan ko na siyang paibigin. 4 days na din ang nasasayang ko. Nubayan!! Nasabi ko na din pala kay Bruce yung sa convo namin ni Terrence, at wala lang sa kanya. Mga baliw talagae e.

" Sandali na lang. Makikita na din natin siya! Dito din naman kumakain 'yun e. " Sabi ni Bruce habang iniikot niya yung tingin niya sa buong cafeteria.

Asaan na ba kasi yung Sophia na 'yun? Pahirap sa buhay ko e lol.

" Ayun! " Narinig kong sigaw ni Bruce. Nagulat ako doon a! Kaya bigla naman akong napatingin sa tinuro niya.

" S-sure ka p-pare? I-iyan y-yung sinasabi mong S-sophia? W-walang halong biro? " Sabi ko naman habang nakaturo dun sa babae. Napaluwa agad ang mata ko nung bigla kong makita yung Sophia 'daw' na sinasabi ni Bruce.

" Yep. At bakit ka naman nabubulol jan? Kilala mo ba siya? Parang kanina lang excited na excited ka, tapos ngayon para kang nakakita ng patay! Huyyy! " Nang-inis pa talaga e.

Teka. Nag-pprocess pa sa utak ko e. Loading pa 'ko.

" W-wala no! I mean, h-hindi n-no! Paano k-ko naman siya m-makikil-lala?! "

" Sus, i know u bro! Good luck! " Tapos bigla siyang umalis sa tabi ko kasabay ang pag-ring ng bell namin.

At ako... Eto... Naiwang naka-nganga at nakatulala.

Sophia Lei Chelsea's the name, huh? Okay? Imposible? Posible din naman. Pero panaginip lang 'to. Panaginip lang talaga.

The Heart Breaker's PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon