Chapter 6: Welcome Back!

12 3 0
                                    

Sky Lee's POV:

Parang may sirang plaka sa isip ko na inuulit-ulit yung sinabi niya. Gwapo daw ako? Himala yata, tinablan siya ng kagwapuhan ko!

Nag-drive na ako pauwi. Hindi ko na lang muna inisip yung mga sinabi nung babaeng suplada na 'yon kanina. Alam ko naman din kasi sa sarili ko na totoo yung sinabi niya.

Na bingi ka?

Hindeee! Na gwapo ako! *pogi sign* Nakarating na ako sa bahay.

Nandito ako ngayon sa garden namin, nakahiga habang pinagmamasdan ang mga nagniningningang mga bituin. Mga bituin na mahirap abutin. Mga bituin na kahit kailan, ay hanggang tingin lang ang kaya kong gawin. At mga bituin na kasing ganda niya.

Kamusta na kaya siya? Okay pa ba siya? Nakakakain pa kaya siya ng tatlong beses sa isang araw?

Bigla akong nakaramdam ng inis, pero nangingibabaw pa rin yung kalungkutang nararamdaman ko. Parang bumigat yung pakiramdam ko. Sa tuwing maaalala ko siya, palaging ganito ang nararamdaman ko. Walang araw na nakalimutan ko siyang isipin. Siya ang dahilan sa mga pagbabagong nangyari sa akin. Mahal ko pa pala talaga siya.

Kailan ko ba siya makakalimutan?

Nakakainis naman kasi e. Matagal na niya akong inalis sa puso niya pero siya hanggang ngayon nasa puso ko pa rin.

Pumasok na ako sa mansion namin. Dumiretso na agad ako sa kwarto dahil nakaramdam na din ako ng pagod. Masyadong maraming nangyari ngayong araw at hindi ko na kayang isipin pa ang mga iyon. Gusto ko na lang munang magpahinga.

Kinabukasan, may narinig akong sumisigaw sa may tapat ng pinto ng kwarto ko.

" OPPAAAAA~ WAKE UPPP! NANDITO NA 'KOOO! " Aisshhh. Muntik na akong malaglag sa kinahihigaan ko >_<

" SHUT UP, SPRINGGG! I'M STILL SLEEPY!! "

" Oppa naman e! Ganyan ka ba magpakita ng pagka-miss sa'kin? Ang aga-aga, iyan agad bungad mo sa'kin! Wala man lang bang 'Come in, Spring.' 'Welcome back!' O kaya naman, 'I miss you little sis' jan? Pati yata ako kinalimutan mo na e :'< " Pssh. Kahit kailan talaga 'tong kapatid ko na 'to, napaka-isip bata at napaka-asal bata. Pasalamat siya mahal ko siya kahit abnormal siya.

" Okayy. Come in, Spring! Ang aga mo mag-drama. Hindi ako ready! " Kahit hindi ko sabihin sa kanya, miss ko na talaga siya. Matagal na din siyang hindi umuuwi e. Bakit ba kasi kailangan pang sa Korea siya mag-aral? ._.

Hindi ko na siya narinig mag-salita. Bumukas na lang ang pinto tapos pumasok na siya na may dala-dalang pagkain. Nilapag naman niya 'yon sa may side table ko. Nagulat naman ako nung bigla siyang tumakbo na parang bata at niyakap ako nang mahigpit.

" WAAAAAH~ I MISSED YOU, OPPA! Long time no see! Kamusta ka na?? " Ang kulit talaga e. Parang hindi siya nauubusan ng energy.

The Heart Breaker's PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon