Disclaimer: This short story came from author's idea and imagination. Any character's name, places, situation are fully fictitious. (Ps. Pictures came from pinterest.)
Coleen POV.
July 05 2014
'Andito ako sa waiting shed sa tapat ng school namin, umuulan. Walang akong payong kaya hinihintay ko muna tumila kahit papaano. Tumila ka na pls! Manonood pa ako ng Fushigi Yuu Gi sa channel 5! Bilis! 10 mins. na lang mag sstart na iyon.
"Gusto ko na umuwi." Pag mumukmok ko.
Napalingon ako sa left side ko ng may isang lalaki ang nag lend ng payong sakin. Medyo napa atras naman ako. Hindi ko siya masyado maaninag dahil walang ilaw sa waiting shed tapos medyo madilim dahil mag aalasais na ng hapon tapos naulan pa.
Nag alangan ako kung kukunin ko ba o hindi. Sabi ng nanay ko huwag kukuha ng kahit anong bagay galing sa strangers. Nilingon ko ang paligid. Walang tao. Kidnap?
"AhㅡHindi na mas kailangan mo 'yan." Hindi ko pinahalatang kinakabahan na 'ko.
"Pero sa tingin ko mas kailangan mo." May dumaan na kotse at nasinagan ng bahagya ang mukha niya ng ilaw ng sasakyan. Nakasalamin siyang malaki at nakabagsak ang buhok niya. Makapal ang kilay pero bumagay yun sa mapupungay niyang mga mata. Makinis ang mukha at medyo dry ang rosey lips niya. Pogi.
"Uhh, Pano ka?" Medyo nag aalangan pa rin ako.
"Wag mo 'ko alalahanin, okay lang ako." Mahinhin na sambit niya. Inabot niya sakin ang payong sabay lusob sa ulan. Malakas ang ulan noon kaya hinabol ko siya agad.
"Wait!" Lumingon siya at natigil sa pag takbo. Naabutan ko na man siya agad.
"Sira kaba!" Ano ba 'to bigla biglang nananakbo. Snatcher ba 'to sa quiapo? medyo hiningal ako doon ah. Nag taka naman siya sa ginawa ko.
"Hindi mo naman kailangang mag paka-basang sisiw." Nakatitig lang siya sakin. Tinitigan ko rin siya. Nag b-blush ba siya? Luh hoy ang pogi hmp!
"Namumula ka." Halatang hindi niya inaasahan na sasabihin ko 'yon. Agad naman siyang nag suot ng face mask sabay hawak sa pisngi niya. Natawa naman ako.
At that moment, parang kami lang dalawa ang nag e-exist sa earth. Parang nag slow motion yung paligid ganern. Bumilis kabog ng puso ko. Love at first sight yan? No. Love at first payong lmao.
"Coleen." Ni-lend ko ang kamay ko sa harap niya. "Shaun." Nag shake hands kaming dalawa at tinawan ko ulit siya dahil basang basa siya sa ulan. Baluga e.
Ang araw na 'yon ay ang araw na hindi ko malilimutan. Siya ang kauna-unahang lalaking nag patibok ng puso ko. Buong buhay ko puro lang ako aral. Hindi pumasok sa isip ko ang magka-crush or mag boyfriend. Masasabi kong siya ang First Love ko.
***
Dahan dahan kong idinilat ang aking mga mata. Nasaan ako?
"Coleen? Bestie! Omg! You're awake na!" Nasa hospital ba ako? Ouch. Naramdaman ko ang pag kirot ng balakang ko.
Nahulog ako sa hagdanan, iyon ang huli kong naaalala. Habang nag p-process na ulit sa utak ko lahat ng nalaman ko bago ako mawalan ng malay, namuo na naman ang luha sa mga mata ko. Umiyak ako na naging dahilan ng pag aalala ni Shari.
"Girl hala bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo? Tawagin ko doctor. Doc!ㅡ"
Umiling lang ako at umiyak ng umiyak. Hindi ko alam kung katawan ko pa ba ang masakit o puso ko na? Mga isang oras din ako pinatahan ni Shari bago ako kumalma.
BINABASA MO ANG
Soulmate
Short StoryWARNING: THIS IS A TWO SHOTS STORY. A story of a girl Coleen who met a guy Shaun under the waiting shed one rainy afternoon.