Chapter 1 °18th Birthday

202 4 0
                                    

*Jazhmine's POV*

"Hoy Jazhmine! Bumangon kana diyan! Kahit kelan talaga ang tamad tamad mong bata ka!"- sabi ni auntie habang niyuyugyog ang luma kong higaan

Agad naman akong bumangon. Tumingin ako sa orasan ko at 4:00 palang ng umaga. Bakit ang aga? Kadalasan kasi, 4:30 o di kaya 4:45 ako gumigising.

"Anong tinitingin tingin mo sa orasan mong bulok? Wala akong pakialam kung maaga pa!"- sabi ni auntie

Bumaba agad ako kasi baka pagalitan na naman ako ni auntie.

Speaking of auntie, hindi ko pa siya napapakilala sa inyo.

Her name is Elizabeth Yu. Matandang dalaga po ang evil aunt ko. 44 years old na siya. Siya ang kumupkop sakin nung namatay ang mga magulang ko. Pero, hindi niya ako itinuring na anak. Ginawa niya akong katulong dito sa bahay.

So ayun. Kilala niyo na siya. Mamaya nalang ulit ako magkukuwento. Maglilinis muna ako.

Sinimulan ko na ang mga gawain ko. Una kong nilinis ay yung sala.

"Jazhmine! Ayusin mo nga yung tubo doon sa banyo!"- auntie

Oh diba? Di lang ako katulong dito kundi tubero din ako.

Pupunta na sana ako sa banyo nang nakita ko yung kalendaryo.

"May 3."- sabi ko sa sarili ko

May 3 ngayon. Birthday ko. 18th birthday ko NGAYON. So it means, na pwede ko nang makuha yung mga namana ko sa mga magulang ko!

Napangiti ako. Bukas, pupunta ako sa bangko at kukunin ko yung pera na ipinamana sakin. At pagkatapos, ay maghahanap ako ng trabaho.

"Jazhmine! Tapos kana ba diyan? Linisin mo yung bakuran! Ang kalat kalat!"- sabi ni auntie

Bukas, makakahanap rin ako ng trabaho. At sisiguraduhin kong makakahanap ako.

Pumunta na ako sa banyo at inayos ko yung tubong nasira. Pagkatapos ay nilinis ko rin yung bakuran. Ang dami ngang kalat.

Pagkatapos sa bakuran, ay nilinis ko yung kusina. Ang daming kalat rin.

Next, ay yung mga kwarto.

*After 1 hour*

"Natapos din sa wakas."- sabi ko sa sarili ko

Umupo ako sa sofa para magpahinga.

.

.

"Hoy babae! Ba't hindi ka pa nagluluto? Alam mo ba kung anong oras na ha? Ang tamad tamad mo talagang bata! Pasalamat ka at kinupkop pa kita!"- sabi ni auntie habang hila hila niya yung buhok ko

"Aray a-auntie!"- sabi ko

"Anong aray? Kelan ka ba matututo ha?" Sabi niya habang hawak parin yung buhok ko. Tapos pinunta niya ako sa kusina. "Oh diyan! Magluto ka! Kapag hindi ka natapos sa loob ng 15 minuto, hindi ka makakakain sa loob ng isang araw! Naiintindihan mo bang babae ka?"- sabi ni auntie sakin

"O-Opo."- ako

Pagkatapos akong sermonan ay nagluto kaagad ako. Para mabilis lang, corned beef lang ang niluto ko.

.

.

Ayan! Tapos na! ^_^

.

"Oh tapos kana diyan? Ang tagal mong nagluto ah!"- sabi ni auntie

"Tapos na po auntie."- ako

"Hala, pumunta ka muna sa bayan. Mamalengke ka! At kapag tapos kana LAHAT sa gawain mo, pwede ka nang makakain."- sabi ni auntie habang kumukuha ng kutsara at tinidor

The Lost White Princess *ON HOLD*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon