Chapter 2

32 2 1
                                    

Chapter 2

I’m off to school now. Tinext ko na din si Ailee, malate na naman kami niyan eh. Aga ko pa naman nagising.

*bzzt!* Woo may nagtext!

From: Ailee Lande

Hoy babae! Malelate ako! Pumunta ka na sa school kung ayaw mo malate! Hihi byebye!

Wala man lang good morning! Tapos iiwan pa ako. Huhu. Ano na naman ba kasi pinagkakaabalahan nun. -_-

I was just walking nang bigla kong nakita ang mga grupo ng batang lalaki. Ang ingay nila. Hindi ba dapat nasa school na tong mga to? Pinakinggan ko kung anong pinaguusapan nila nang may nakita akong batang lalaki na mukhang takot na takot. Maliit siya kumpara dun sa mga batang iyon. I think they’re bullying him. Hmm, malapitan nga.

“Hi kids!” Sigaw ko sa kanila. “Sino ka?” sabi nung bata na parang siga. Eto ata yung little ‘leader’ nila. Ang cute hihi. “Di po ako sinuka. Inire po ako. Alam ko korni pero for sure di niyo pa alam yun no?” I told them sweetly. Lahat sila nakunot noo.

“Gusto niyo malaman kung ano yun? Edi bumalik kayo sa school niyo!” Seryoso ko nang sabi sa kanila. “And why are you even bullying this kid? Wala naman siyang ginagawa sa inyo.” Gulat sila lahat, kanina ang sweet sweet ko sa kanila, ngayon seryoso na ako.

If you ever lay your hands on this kid again, di na kayo makakauwi sainyo. Hihi!” Ayun! Kumaripas sila ng takbo. Tinignan ko yung bata pati siya natakot eh. “Are you okay?” I held out my hand to him. “I’m f-fine.” He told me habang nakayuko. “Oh bakit sad ka pa din? Di ka na gagalawin nung mga yun. Kung ibubully ka pa din nila, puntahan mo ako ha? Diba pareho naman tayo ng school? Sa Elem. Building ka lang diba?” He nodded. “Tara, hatid na kita.” Hinawakan niya kamay ko. Ang cute niya haha.

“Anong name mo?” Tanong ko sa kanya. “Xavier po.” Sabi niya, diretso pa din ang tingin. “Ah. Ang ganda naman ng name mo! Ako nga pala si Ate Isabel, but you can call me Ate Isa--“ Ininterrupt niya ako. “Isaw!” Biglaang sigaw niya. Gulat naman ako. Ano daw? “Ate Isaw!” Mas lalo naman akong naguluhan. Nakatingin pa din siya sa akin. “Ha? Ate Isa ang itawag mo sa akin hin--“ And I was interrupted again.

I mean, ate, bili mo ako ng isaw. Ayun oh! Please?” Sabi niya habang nakaturo dun sa barbeque-han. With matching puppy eyes pa. Napa-facepalm ako. “Imba ka bata. Joke haha. Gusto mo ng isaw?” Sabi ko sakanya. His face lit up. “Opo ate.” Sabi niya sa akin. “Tara!”

We bought isaw na and hinatid ko na siya sa school. So masaya pala maging ate? Nagpaalam na ako kay Xavier, papunta naman ako sa classroom ko hahatid ko sarili ko! Loner amp haha!

I looked at my watch na, and…….SHEMS! LATE NA AKO! Ba yan! Sa sobrang tagal kong kasama yung batang yun, nalate pa ako! Psh! Pero okay lang, parang superhero nga ang peg ko kanina. Agh! Pero late pa din ako!

I started running. Sa sobrang bilis ko, di ko namalayan na makbabangga na pala ako.

Napapikit ako. “Kyaaaaaaaaah!” And..ayun nga, nahulog ako. Nahulog ako sa lalaking to. Hawak pa rin niya ako. Shemay! I’m on top of him pala. Uh-oh. I opened my eyes. Tinignan ko etong guy na to.

Dugdugdugdugdug.

Woah? What’s happening? He smirked. SMIRK ha. Yung tipong nang-aasar -__- and sabi niya “Miss are you okay?” Pero Imbis na sagutin ko siya. Parang nabingi ako nung nagsalita siya….I-I heard his voice somewhere! Saan ba? Tss nakalimutan ko na ata. Tameme pa din ako.

Angel In My DreamsWhere stories live. Discover now