Chapter 3
Isa’s POV
Ano ba kasi trip nung lalaking yun sa akin? Buong araw walang ginawa kundi istorbohin ako. Malas ko pa, kaklase ko siya sa LAHAT ng subjects ko. Badtrip lang eh!
Break na pala namin. And he’s still following me. Tumingin ako sa likod ko, nagsmile lang siya sa akin. I flashed a fake smile at him, sabay irap. “Ano ba yan ang landi niyong dalawa ha! Hahaha.” Sabay siniko-siko niya ako. “Tss, manahimik ka nga Ailee.” Sabi ko sa kanya. Tumawa lang siya.
Papunta pala kami sa cafeteria, and ininvite naman neto si Ailee si Mark na sumabay na kumain sa amin. And dahil ginawa niya yun, isinama ko din si Carlo. Asar-talo siya eh! Haha! Umupo na kami sa pwesto namin. Eto ang official table namin ni Ailee haha. And first time lang na may kasama kami ni Ailee dito.
The four of us sat down na. Katabi ko si Ailee and kaharap naming yung magpinsan. “Ailee. Oh, bili mo ako ng pagkain para magkasilbi ka naman. Aylabyu.” Sabay bigay nung pera sa kanya. “Kfine. Aylabyutu.” Sabi niya sabay punta dun sa pila. “CR muna ako guys.” Sabi ko dun sa dalawa and lumayas na ako.
I can’t stand to be alone with that Mark and his cousin. Ano ba kasi problema niya sakin? Huhu.
Mark’s POV
Oha! May POV na ako! Labyu author! Haha. Kilala niyo naman siguro ako diba? Nga pala. This morning may nakabangga sa akin. Si Isabel. Maasar na kayo sa akin pero trip ko tong babaeng to haha. Ang cute cute niya kasi pag nagagalit eh. Oy wala ako gusto sa kanya ah!
Bumalik na si Ailee. “Asan si Isa?” Sabi niya habang hinahanap si Isa. “Wala nag-cr. Saglit lang daw siya.” Sabi ko and umupo na si Ailee. “Ah okay. Di pa kayo kakain?” tanong niya sa aming dalawa. “Maya nalang.” I told her. And she started eating.
“Oist. Mark! Ano trip mo sa bestfriend ko?” Sabi niya. “Ako? Wala lang. Haha sarap niya asarin eh.” Sabi ko. “Nga pala Ailee. Pwede bang kayo nalang tropa namin? Wala pa kasi kami kakilala dito.” Bigla naman napatingin sa akin si Carlo na parang papatayin na ako. Pft bahala siya haha! “Ano Ailee?” I saw her chuckle. Napatingin din siya kay Carlo. “Oo naman sige!” Balak niya ata asarin to si Carlo.
Bumalik na si Isa na parang inis na inis. Ang cute XD “Problema mo?” Tanong ni Ailee. “Wala.” Matipid na sabi nito. “Weh. Ano nga yun Isa?” Tumingin si Isa sa aming dalawa. Sabay umiyak. Yung tipong alam mong fake? Yung masyadong exaggerated? XD “Huhuhu. Nakita ko siya kanina. Nakaakbay siya sa ibang babae Ailee! Huhuhu.” Huh? Sino? “Tsktsk.” May boyfriend na si Isa?
Imba shet! Akala ko wala siyang boyfriend! Nawalan na ako ng gana kumain. Ewan ko kung bakit agh -_- “Guys, punta na akong room. Carlo, bahala ka na diyan.” Sabi ko sa kanila. Napatigil naman sa paguusap yung dalawa. “Ang aga pa Mark ha? Tsaka di ka pa nakain oh! Atat ka.” Sabi ni Carlo. “Ayoko na kumain.” Sabi ko kay Carlo at nagpaalam na sa kanila. Lahat sila parang naguguluhan.
Nakaupo lang ako sa upuan ko nang nakita ko na pumasok na yung dalawa. Si Carlo asan? Awtsu haha. Umupo si Isabel sa tabi ko and I looked at her.
Dugdugdugdug.
Shet. Aatakihin na ata ako ano ba to! I snapped back to reality nung dumating yung teacher. What the hell was just that?
“Okay class. I think close na naman kayong lahat diba? We’re going to have a group project. Composed of only four people. You guys are gonna go and tell children stories in the elementary building. Para naman tumaas confidence niyo. Magiistorytelling lang kayo doon. Pero dapat may kanya-kanya kayong twists. Hindi yung kukuha lang kayo ng libro at magbabasa. Gets niyo ba?”
Agh projects. -_- “Yes mam.” Sabi namin. “Okay ngayon may box ako dito. Bubunot kayo okay?” And blah..blah..blah..bumunot na kaming lahat pero di muna ipinabukas sa amin yung papel. Daming arte putek.
“Okay class. You can open your papers now. Pero wag niyo muna papakita.” And blah..blah..binuksan ko na yung akin, at ang number ko ay 3. Sino kaya kagrupo ni Isa? Nalaman na kung sinu-sino ang group 1 at 2. Ngayon 3 na. “Lahat ng nakakuha ng 3. Raise your hand.” I raised my hand at alam niyo kung sino kagrupo ko? Sila Isa, Ailee at Carlo. Woooooooooooooooooo! Haha! Now THIS would be fun ;)
Nagtinginan kaming apat. Si Isa badtrip na naman xD ganun din yung dalawa. Ako lang yata natutuwa eh haha!
Nagsalita na ulit yung teacher at pagkatapos nun ay tinanong niya kung merong may ayawa sa kagrupo nila. Biglaan naman tumayo yung tatlo, “Mam naman! Ayoko kagrupo yung dalawang transferee! Okay sana kung si Ailee lang pero agh!” amf. Haha! Di na nagsalita yung dalawa pareho naman sila ng sasabihin eh. xD
Nakaupo lang ako dito habang nagpipigil ng tawa. “Ano tinatawa-tawa mo diyan Mark?!” Awts. Galit na si Isa haha! “Pft—hahahahaha!” La na. Di ko na mapigilan hahaha. “Shabu pa.” Sabi niya. Tumingin na siya kay mam. “You two can stop now. Isa, sit down.” Tawa pa rin ako ng tawa. Umupo na si Isa at nagpout. Then she looked at me. “Ano bang nakakatawa ha!” Sabi niya nang pabulong. I stopped laughing. Nilapit ko mukha ko sa kanya so I could see her better, bigla kong kinurot pisngi niya, “Pulang-pula na pisngi mo oh. Ganyan ka ba magalit? Ang cute.” Pabulong din na sabi ko sa kanya. And I smiled at her.
Dugdugdugdug. Ano na naman ba!! Seryoso, di naman ako matanda, pero bwisit ano to. -_____-
“HOY.”
Paepal -.- Ano ba to si Ailee.
“Ano ginagawa niyo? Kayo ha. Tara na kaya. Magplano na tayo.” Sabi ni Carlo. Nagsalita din siya! Haha tahimik niya lagi eh. “W-wala.” Sabi ni Isa. Nauutal siya? Bakit?
“T-tara na nga!” Sabi niya sa amin sabay hila kay Ailee. Napansin ko din na napangiti siya ng onti.
Kinilig siya?
--------------------------------------------------
Epic update right here guys. Sorry maiksi, walang sense, at...KORNI hahaha.
dedicated to: exotically. Hi bb Keis~ eto na haha labyuuu
~redsummer
YOU ARE READING
Angel In My Dreams
Teen FictionNabasa ko nga sa isang site: "According to surveys, it is common for people to feel their dreams are predicting subsequent life events." Well, feeling ko totoo yan. Because there's this guy that I always dream about. Pero di ko makita mukha niya..an...