Riiiiinnnnnnnngggg!!!
"Hmmm"
Pagmulat ng mga mata ko e pinatay ko agad ang nag riring na alarm, umaga na... Naalala ko nanaman yung nangyari kagabi, haaayyyy..(A night before)
Jenny: buti nalang hindi ako nagpasundo sa boy friend ko.
Iya: ako din.
Ane: ako din.
"✌️ peace! Haha tara na my car"
Dapat lang!
Sabay sabay na sabi nila, hahaha! Kasi naman 7:00 ang start tapos kung tatanungin nyo kung anong oras na 8:30 pm na at hindi na maipinta ang mga mukha ng mga kaibigan ko. Haha! Sabi ko nga okay lang yun! Para grand entrance kami later :)Nang makarating kami sa party kanya kanyang yakap na sila sa mga boy friend nila, maayygaadd! Oo na! Ako na ako na! Ako na walang love life. Teka speaking of love life, asan si lance? Hindi ba pupunta yun? Haayy, bakit ko ba kasi hinahanap yun.
Nagpunta ako sa ibang side at doon nakipag kwentuhan, at nag moment na lahat ng kaibigan ko na sumundo sa akin. Pagkalipas ng ilang oras e na busog na ako kakakain, well yun lang naman yung pwede ko na gawin dito at yung makipag kwentuhan. Mag aalas dose na pala, babalik na ako sa sa table ng mga kaibigan ko.Malayo pa lang e tanaw na tanaw ko na ang pigura ng isang babae na nakayakap kay lance. (And so? break na kayo diba?) sabi ng maliit na boses sa utak ko. Tuloy tuloy lang ako sa paglapit.. Nakita ko si lance na saglit na tumingin sa akin pero agad nya din na inalis yun. Tumabi ako sa kanya dahil wala naman akong choice, wala ng upuan e! Maya maya pa e tumayo yung babae na kanina pa nakapulupot kay lance. Grabee! Ngayon ko lang narealize yung suot nya, sobrang ikli tapos yung mukha nya nako naman, akala mo e coloring book! At ngayon ko lang din narealize na naka inom si lance pero saan? paano? wala naman alcohol dito..
Sabrina!
Nagulat ako ng biglang nagsalita si lance at humarap sa akin."Bakit?"
Hindi mo ba ako namimiss? Hahahaha! Oo nga pala bakit mo naman ako mamimiss?
"Naka inom ka lance."
Ako? sino nagsabi? alam mo ba na kaya ako nagdala ng babae dito e dahil sayo? iniisip ko na magseselos ka! Iniisip ko lang pala! Ilang oras na ako nakaupo dito e ang saya saya mo pa na nakikipag kwentuhan doon!
Tinititigan ko lang sya habang nag sasalita sya ng biglang nagsalita si iya.. "Tama na yan." Sabay tingin ng masama kay lance.
Nakakatawa na tumabi ka pa talaga dito sa akin, wala nga talaga akong epekto sayo...
Hindi ako nag sasalita, hinahayaan ko lang sya na nag lalabas ng sama ng loob nya, after all e kasalanan ko din naman lahat.
Riiinngg!
Nagulat ako sa tunog ng alarm, tumutunog kasi ulit yun after 30 mins ng alarm na nauna. Well, depenpe kung io'off ko na. Kailangan ko ng maligo baka inaantay na ako nila mama.
Pagka tapos kong maligo e agad din akong bumaba...
Ineng, saan ka pupunta? ang aga pa ha, hindi ko na namalayan ng umuwi ka.
"Umaga na po ako umuwi ya, pupuntahan ko po sila mama ngayon, aalis na po ako."
YOU ARE READING
"US"
RandomIn the cruel world of love you'll learn that.. Promises aren't contracts, Kisses aren't guarantees, Sweet words aren't assurance, Big hugs aren't bonds and nothing's permanent in our lives. One day he's mine the next day he's gone, last night he's s...