- 3

244 27 20
                                    

---

[Liezle's POV]

Nakauwi na ako agad ng bahay pagkatapos nun. Nagmadali akong umuwi kasi manonood pa ako ng anime. haha.
Nagsarado muna ako ng bahay, nagpunta ng kwarto at nagbihis agad. Binuksan ko ang laptop ko na napagipunan ko sa loob ng isang taon. Gaano na ba ako katagal dito? Magdadalawa narin.

Sinimulan ko yung Katekyo Hitman Reborn sa episode 190. Tapos ko na kasi yung previous episodes kaya dito na ako.
"Listen to the Sterio, Tonight Tonight Tonight."
Sinasabayan ko yung kanta. Hindi naman kaya ako nakakabulabog ng kapitbahay ko hindi naman siguro. Wala pa namang nagrereklamo so far.

Patuloy lang ako na nanonood nang mapatingin ako sa wall clock na nasa harap ko. Lagpas sa ulo ko kapag tumayo ako.
Nagulat ako ng makita ko ang oras. Seryoso?! 1am na?
Masyado na kasi akong nag enjoy sa pinapanood ko. Teka last episode na.

*after the episode*

Isa episode pa.

*after the episode*

Isa pa.

*after the episode*

Tumingin ako ulit sa orasan. Seryoso na talaga? 3am na?
Kaya hindi ako lumalaki eh.

Pinatay ko na ang laptop ko at natulog na.

*beep beep* Alarm ko yun.
Tiningnan kokung anong oras. 5 am. Ang galing. Dalawang oras lang tulog ko.
Osige. Tatayo na ako.
Patayo na ako nang *boogsh* Knock out.

[Sythe's POV]

Susunduin ko na si Liezle nang umagang iyon. Nakarating na ako sa bahay niya.
Tinatawag ko siya kaso parang walang tao o baka naman, tulog pa yon.

Naghintay ako ng 30 minutes. Kaso wala talaga eh.
Nauna na ako. Baka ako naman ang malate kapag hinintay ko siya.

Nakarating na ako sa school. as usual pinagkakaguluhan. Hay.. Nakakasawa na.
Hindi ko nalang sila pinansin. Pasensya ah? Di ako marunong mag fanservice eh. Ang sweet ko no?

Naupo na ako sa upuan ko sa classroom nang makarating ako 'ron. Ipinikit ko ang mata ko.
Mga ilang minuto lang dumating narin ang Prof namin. At may surprise practicum kasi. Kailangan naming kumanta.

Teka, anong oras na ba? Wala pa si Liezle. Late na yung babaeng yun.

"Okay class, so for the Pairings, Sythe Lopez and Elizabeth Roman."
"Elizalde Clockwood and Liezle Del Rosario."

"Ma'am?!" Nagulat ang lahat sa biglang pagpasok ni Liezle. Sa itsura niya halatang tumakbo siya. At nagmamadali.

"Ms. Del Rozario, you may take your seat."
Kahit nakaupo siya dinig na dinig mo yung boses niya na nagtatanong sa mga classmates namin kung anong gagawin. Napasapo ko nalang ako sa muka ko.

In-explain naman lahat ng kapartner niya. At dahil late niya nalaman. No choice na siya kundi ang sumunod sa gusto ng partner niya.

Nagbunutan kami kung sino ang mauuna. At luckily, sila Liezle ang nauna.
Nagsimula na silang kumanta. Okay naman maganda ang performance nila. Pero parang ayaw ko yung nakikita ko? Aish. Hindi ko alam kung bakit.

Natapos na sila at nagperform din kami. Ayos naman ang performance namin. Mataas din ang grade na ibinigay saamin. Pero feeling ko hindi talaga ako natutuwa sa pairing namin kanina.
Parang iba yung gusto kong kasama?

Unexpected Love[UNDER MINOR REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon