-7

106 17 6
                                    

[Liezel's POV]

Ilang araw na akong nasa ospital. Sa linggo nalang daw ako papalabasin.

Noong lunes, paglabas ko ng gate. I was expecting for something. Pero wala.

Bago ako pumasok, pumunta muna ako sa Shop para sabihin na makakapasok na ako mamaya.

Kahit ayaw nila akong payagan, sinabi ko na okay lang kasi wala rin naman akong gagawin.

Pagpasok ko sa classroom, sinalubong ako ni Eliz. Nagtatanong kung bakit hindi kami sabay ni Sythe.

"Bakit? Ano bang meron?" sabi ko.

"Diba boyfriend mo yun?"

"Wag mo akong simulan Eliz. Wala ako sa mood."

"Yieh! Pasimpl....."

"ANO BA? SINABI KONG HINDI NGA KAMI DIBA?!"

Napasigaw ako ng di oras. Ano bang problema ko?

Pero mas maganda na malaman nila ang totoo.

Hinarap ko ang buong klase.

"Hindi kami ni Sythe okay?"

"Hindi naman talaga." biglang bungad ni Sythe.

"Malinaw na?" Sabi ko.

"Good. Mabuti at hindi kayo." sabi ni Rouze. Inirapan ko lang siya.

Dumeretso na ako sa upuan ko. Buti nalang at walang teacher. Anlaking eskandalo nun pag nagkataon.

Buong araw wala namang magandang nangyari. Hindi na dapat ibahagi yon.

Pumunta na ako sa trabaho ko.

Sabi nung may-ari nung shop. Si ate Kyra. Ako muna raw magbantay sa shop kasi gagabihin siya nang uwi.

Nag oo nalang ako. Dagdag pay un. Over time eh. :D

Habang nagseserve ako parang may mga mata na nakasunod sakin.

Hinayaan ko na baka guni guni ko lang yun.

Sobrang dami ng costumer ngayon. Kaya sobrang napagod ako.

Mga bandang 10pm na, nung nagsimula na kaming magsara. Umuwi narin sila isa isa.

Pero siyempre maiiwan muna ako mag isa.

Naglinis muna ako ng shop.

Nagtapon narin ako ng basura.

Pagbalik ko. Nilock ko na yung pintuan.

Pumasok ako sa loob at pinatay ko yung ilaw sa likod.

Sa di ko alam na dahilan. Nakaramdam ako ng kaba.

Bumalik ako sa likod para tingnan kung anong meron.

Nakita kong nakabukas na yung pinto.

Natakot ako ng sobra. Pinuntahan ko yung pinto para i-lock pero napansin ko sira na yung door knob.

Sa pagkagulat ko, may taong tumulak nung pinto.

Dahil sira yung knob. Ayaw nang bumukas.

Lumingon ako at nakakita ako ng dalawang lalaki.

Kung hindi ako nagkakamali, sila yung customer namin kanina.

Tingin ko sila rin yung nakatingin sakin kanina.

"Anong ginawa niyo rito?!"

"Miss, easy ka lang. Kung mahal mo pa buhay mo" naglabas siya ng kutsilyo "Wag ka nalang pumalag"

Natakot ako. Tumakbo ako sa loob kaso nahabulan nila ako.

Kinaladkad nila ako pabalik. Sumigaw sigaw ako pero naalala ko nasa likod pala kami. Walang tao rito.

Umiiyak na ako. Nagmamakaawa ako sakanila. Kaso parang di nila ako naririnig.

Tinali nila yung kamay ko.

Walang tigil ang aking pag iyak.

Hinila nila yung ribbon ng damit ko.

Napabulong nalang ako... "Sythe..."

Sa pagkagulat ko, lumipad yung pinto. Sumakto dun sa isang lalaki.

Hindi makita ng maayos yung tao dahil maluha-luha pa yung mata ko.

Habang tumatagal, nakikita ko na kung sino. Si Sythe...

Nakikipaglaban siya. Kahit na may kutsilyo yung kalaban niya, hindi siya nagpapatinag.

Nakikioag basag ulo siya. Kaso yung isa lang yung nabasagan. Siya parang walang galos.

Tumawag siya sa police station at pina aresto yung dalawa.

Matapos nun. Lumapit siya sakin at tinanggal niya yung pagkakatali ko. Nilihis niya yung tingin niya.

"Ayusin mo yang damit mo."

Napatingin ako sa damit ko. Oo nga pala.

Nahiya tuloy ako bigla. Tinali ko na yun.

"Uhmm, Sythe..."

"Ano?"

"Salamat. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung hindi ka dumating. Salamat talaga."

Tumawa siya.

"Haha. Pero aminin mo, tinawag mo ako kanina no? Aamin na yan."

Narinig niya?

"Oo narinig ko. Malakas ang pandinig ko. Kaya kong marinig kahit sampung metro pa ang layo."

"Baka hindi ako yun." Pagdadahilan ko.

"Hindi ako pwedeng magkamali. Haha. Hayaan mo na. Ang mahalaga ligtas ka."

Nagbihis muna ako. Hinihintay ko na yung May-ari ng shop.

Pagdating niya, kinamusta niya kami.

Tapos tinuro ni Sythe yung pinto.

Nanlaki yung mata niya. Tapos tumawa kami.

Unexpected Love[UNDER MINOR REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon