Part 41

24.3K 483 11
                                    

ILANG BUWAN na rin ang lumipas pero naninibago pa rin si Tiffany sa buhay Amerika. Napakahirap talagang makihalubilo sa mga hindi kalahi, lalo na sa eskwela. OP pa rin siya minsan sa mga klase nila.

"Pinay, you want some?" Pero minsan ay nasasanay na rin sila sa kanya. Actually ay 'pinay' ang tawag sa kanya dahil mag-isa lang siyang Pilipino sa klase nila.

"No thanks," tipid niyang sagot.

At ang isa pang problema. Ang pagkaka-nosebleed niya minsan sa conversation. Ang bibilis kasi nilang mag-English. Walang-wala ang mga English niya. Buti na lang at may mga taga-ibang bansa rin na nag-aaral doon kasama niya. Sila ang mga kaibigan niya. Tulad ni Sahira na taga-Singapore at madami pang iba. Friends niya sila dahil parehas niyang hindi kinakain ang mga English 'pag nagsalita.

"Haaa!" Hikab niya habang nagbabasa sa Library. Ang dami na niyang nabasa kaya masakit na rin ang batok niya at mga mata niya. 'Pag walang klase ay doon talaga siya nagtatambay. Hindi niya sinasayang ang bawat oras na ibinigay sa kanya ni Madam Amelia na pagkakataon para makapag-aral.

Luminga-linga siya. Sa lawak ng library nila sa school ay hindi agad-agad napanpansin ng librarian ang mga ginagawa ng bawat estudayante na naroon.

Inihaga niya muna ang ulo niya sa desk at pinikit ang kanyang mga mata. Ni-relax niya muna ang sarili. Ang ikinabigla niya ay nang iminulat niya ang kanyang mga mata at nang nag-angat-ulo siya ay may isang note ang nakita niya sa table niya.

'PAHINGA KA MUNA. HUWAG MONG SAGARIN ANG SARILI MO' — Ang nabasa niya sa nakasulat doon. Takang-taka na napalinga-linga tuloy siya sa paligid. Pero puro naman mga kano at kanang schoolmate niya ang nando'n. Wala siyang makitang Pilipino na tulad niya para magsulat ng gano'ng Tagalog na note.

"Sino ang naglagay nito dito?" mahinag tanong niya sa sarili habang nakatitig sa note.

Takang-taka siya hanggang sa umalis siya sa library na iyon.

Pagdating naman sa apartment na tinutuluyan niya ay napansin niya agad ang isang lunch box. Hindi na siya nagtaka dahil lagi naman may ganoon na nadadatnan niya. Minsan pa nga may vitamins at mga chocolates, eh. Iniisip na lang niya baka bigay ni Madam Amelia.

Ang ipinagtataka niya lang talaga ay 'yong laging may taxing dumadating kapag kailangan niya. Parang alam ng mga taxi kung kailan siya sasakay. At kung tatanungin niya naman ang mga driver ay isang lalaki raw ang tumatawag sa mga ito.

Isang araw pa ay nilagnat siya. Bigla na lang may dumating na doctor sa apartment niya.

At marami pang iba. Feeling niya tuloy ay may hero siya na ayaw magpakilala.

Hanggang sa nasasanay na siya na bigla na lang may darating na tulong mula sa kung saan. Hindi na niya iniisip kung sino dahil sumasakit lang ang ulo niya.

Subalit no'ng may araw na parang nakita niya sa gitna ng maraming tao si Bearlan ay naguluhan na ang utak niya.

"Sigurado ka na nand'yan siya?"

"Oo naman! Kaaalis nga lang niya, eh, kasi may klase daw siya ngayon," sagot ni Vicky nang tinawagan niya ito. Hindi kasi siya mapalagay. Gustong niyang isipin na si Bearlan ang gumagawa n'on lahat sa kanya. Pero imposible kaya tinanong niya si Vicky kung talaga bang nasa Pilipinas lang si Bearlan. "Bakit ba ang kulit mo? Iniisip mo bang nandiyan din sa America si Sir Bearlan? Eh, di nalagot na kayo kay Madam Amelia?"

Napabuntong-hininga siya. Oo nga naman. Pero para talaga kasing nakita niya ang nobyo kanina, eh.

"Ay, siya nga pala. Dinalaw ko kanina 'yong lola mo."

"Talaga?" Nawala ang agam-agam niya tungkol kay Bearlan nang marinig niya ang tungkol sa lola niya. "Kumusta siya?"

"Syempre malakas pa rin. Pinahatid siya ni Madam Amelia ng mga groceries at gamot niya kaya nakadalaw ako sa kanya."

"Gano'n ba. Mabuti naman at okay lang siya."

"Huwag mo daw siyang alalahanin. Mag-aral kang mabuti daw diyan para hindi mo mabigo ang pagtulong sa 'yo ni Madam Amelia. At saka huwag kang mag-alala pa rin dahil akong bahala sa lola mo."

"Oo, Vicky. Maraming salamat."

Nakangiti siyang binaba ang cellphone niya pagkatapos ng marami nilang chikahan ni Vicky. At tuluyan nang winala niya sa isip niya ang nakita niya kanina. Pwedeng kamukha lang 'yon talaga ni Bearlan. Ewan niya. Basta imposible na si Bearlan iyon kaya pinigilan niya ang sarili na maging delusional.

MY BEKI "KUNONG" BOSS (Tayo Na Lang, Puwede Naman)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon