Last Part

47.1K 958 185
                                    

PAGSAPIT ng bakasyon, umuwi nga ng Pilipinas si Tiffany. Pagkababa sa eroplano ay nakangiting napasinghap siya ng hangin. Amoy na amoy na niya ang halimuyak ng kanyang tinubuang silanganan. Nakaka-miss nga palang talaga ang sariling bansa.

Laking pasalamat niya talaga dahil pinayagan siya ni Madam Amelia na makapagbakasyon. Kung ano man ang mga kondisiyones ng mayamang ginang ay walang magiging problema sa kanya. Kung sasabihin ng madam na bawal pa rin siyang makipagkita kay Bearlan ay gagawin niya. Sa ngalan ng kanyang mga pangarap ay kaya niyang tiisin ang tinitibok ng kanyang puso. Ano naman ang tatlong taon pa na titiisin niya na hindi makita si Bearlan kung kapalit n'yon balang araw ay ang kalayaan na nilang magmahalan?

Saka naiintindihan niya ang gusto ni Madam Amelia. Totoo namang wala siyang maipagmamalaki sa pamilya Grylls. Pero kung makakapagtapos siya ng pag-aaral sa Amerika ay kahit paano, kahit konti ay may ipapantay na siya kay Bearlan.

"Your baggage, Ma'am," nakangiting sabi sa kanya ng babaeng flight attendant.

"Thank you." Na kaniya namang sinuklian naman ng matamis ding ngiti. Hinila na niya ang kanyang maleta. Hindi mapuknat ang kaniyang ngiting naglakad sa hallway palabas kasabay ang ibang pasahero. Hanggang sa makalabas na siya sa waiting area ng airport at makita roon sina Madam Amelia, Vicky at ang lola niya pati na si Rick. May hawak silang papel na may nakasulat na WELCOME HOME, TIFFANY!

Kahit na naka-heels siya at mahabang coat, mangiyak-ngiyak siyang patakbong lumapit sa mga ito.

"Tiffany!" malakas na tili agad ni Vicky nang makita rin siya. Kumakaway-kaway ito.

"Vicky!" Kaway rin niya.

Beso-beso sila ni Vicky. "Ang ganda-ganda mo na!" puri sa kanya ng dalaga.

"'Hindi naman," kiming aniya saka siya nagmano sa lola niya at yumakap. "Kumusta, Lola?"

"Okay lang, Apo. Ang ganda-ganda mo na. Halos hindi kita makilala."

Niyakap niya ito ng mahigpit. At nang maghiwalay sila ng lola niya ay nag-fist bump naman sila ni Rick.

"Welcome back!" sabi ng binata.

"Salamat!" tugon niya. Pagkatapos ay nahihiya na niyang hinarap si Madam Amelia. "Kumusta po, Madam?"

"I'm good, hija." Ang Madam na ang unang nagbeso sa kanya. "I'm so proud of you at tama si Vicky, lalo kang gumanda."

"Salamat po, Madam." Ang saya-saya ng pakiramdam niya. Hindi mailarawan ang kanyang kasiyahan. Isa pang yakap siya sa mga ito. "Tara na po?" Tapos ay pag-anyaya niya.

"Wait lang, hija, dahil may inaantay pa tayo," ani Madam Amelia na napatingin ulit sa nilalabasan ng mga tao.

"Sino po?" Napalingon siya sa likod.

"'Yong kasabay mo sa flight!" Halos sabay na sagot sa kanya ni Rick at Vicky. May tinitingnan sila.

"Ayan na siya!" at na-excite na sabi pa ni Rick na may tinuro.

Bahagyang nakunot ang noo ni Tiffany sa lalaking itinuro ni Rick. Mayamaya pa'y unti-unti nang umawang ang mga labi niya at namilog ang mga mata niya.

Si Bearlan!

Naglalakad ang binatang tinatanggal ang shades mula sa nilabasan niya at may hila-hila rin itong maleta.

Tumahip ang dibdib ni Tiffany. Kumabog ang puso niya. "Ano'ng ibig sabihin nito?"

Ngiting-ngiti sa kanya ang nobyo habang palapit. At kung siya ay gumanda raw, mas gumuwapo naman si Bearlan.

"Hindi mo alam pero magkasama kayo sa America na nag-aaral ni Bearlan, Tiffany," pag-amin na ni Madam Amelia kahit hindi na siya magtanong.

MY BEKI "KUNONG" BOSS (Tayo Na Lang, Puwede Naman)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon